Busying nakatutok sa kanyang laptop si Lira habang pinag-aaralan ang mga naka scheduled nyang operations. Sa paghilot nya ng kanyang batok, nahagip ng kanyang mata ang folder na nasa ibabaw ng kanyang table. Napatitig sya rito ng maalala nya ang sinabi ni Lucy na baka daanan ito ngayong araw ni Martin upang kunin.
Bumalik sya sa ulirat nang biglang tumunog ang kanyang personal cellphone, agad nya ito sinagot nang makita kung sino iyon.
" Hello, anong balita " aniya sa kanyang investigator.
" Ma'am, dumating na daw po kaninang umaga ang result " sagot ng nasa kabilang linya. Tinutukoy nito ay ang dna result na nanggaling pa sa ibang bansa. Sinadya ito ni Lira upang hindi malaman ng kanyang magulang at para mapabilis ang resulta, nakaramdam naman ng kaba at excitement si Lira sa kanyang narinig. Lihim syang nagpasalamat. Nararamdaman nya kasing ito na talaga ang kanyang nawawalang kapatid base na rin mula sa nakalap nyang impormasyon sa babaeng kanyang pinaiimbestigahan. Resulta na lamang ang kanyang hinihintay upang mapatunayan nya ito.
" What time ma da-drop sa office ko ang result? "
" Actually Mam Lira, it's already received kaninang umaga "
" What?? " bulyaw nito sa kabilang linya, hindi mapalagay si Lira sa kanyang kinauupuan dahil sa labis na pagtataka.
" hindi nyo pa po ba natatanggap? " muling rinig nya. Halos manakit ang ulo ni Lira hanggang sa maalala nya ang kanyang secretary. Ito kasi ang inutusan nya na mag fill-up ng application form, sakto kasing nagka emergency at kinailangan sya ng kanyang co-doctors na nasa operating room.
Hindi na nyang nagawang patayin ang tawag at binatawan na lang bigla ang hawak, nagmamadali syang lumabas ng opisina at sumakay ng elevator. Nang makarating ay agad sya nagtungo sa table ng kanyang secretary, halos nagmamadali ang kanyang bawat hakbang,hindi sya mapalagay, naglalaro sa utak nya na sana ay mali ang kutob nya, Sana mali ang iniisip nya. Ngunit wala ang kanyang secretary, maaring nag breaktime ito, kaya mabilis nyang hinanap sa loob ng kanyang clinic.
" Doc Lira " napahinto sya sa kanyang paglalakad ng tawagin sya ng kanyang receptionist na hinihingal pa
" Nandito po si Sir Sebastian, nandito po ang daddy nyo " lihim na napasinghap si Lira, hindi nya inaasahan ang pagdating ng kanyang ama, tumango na lamang sya at sumunod dito. Pilit syang ngumiti habang papalapit sa kanyang ama na naghihintay sa kanya.
" Dad " aniya nang makalapit, akmang hahalik sya sa pisngi nito nang salubungin sya ng isang sampal ng kanyang ama. Halos mabingi sya at matulala sa ginawa sakanya, agad na nanlabo ang kanyang mata dahil sa namuong luha.
" Liam! " Sigaw sa di kalayuan ni Mary na papalapit sa kanila, nahimasmasan na lamang si Lira nang yakapin sya ng kanyang ina na alalang-alala sakanya
" Calm down Liam, let her explain " pakiusap ni Mary sa kanyang asawa.
" No Mary, anong paliwanag pa ang sasabihin nya dito " halos manlambot ang tuhod ni Lira nang iangat ni Liam ang hawak nyang envelope, ang Dna result ng kanyang hinihinalang kapatid. Halos manuyot ang kanyang lalamunan at manlamig ang katawan. Ang kanyang ama ang nakatanggap ng sulat, sa inasal nito ay malamang alam na nya ang nilalaman nito at ng kanyang ginawang imbestigasyon.
" How can you explain this to me Lira, huh?!! Ilang beses ko ba sasabihin sayo na tigilan mo na ang kalokohang ito " halos umalingawngaw ang malaking boses ng kanyang ama sa buong gusali, ang mga empleyado ay halos makaramdam din ng takot sa tension na nangyayari.
" Dad, I just want to help, gusto ko lang din makita at mahanap ang kapatid ko " paliwanag niya.
" Stop this nonsense Lira! " halos mapakapit nang mahigpit ang kanyang ina sa kanyang braso dahil sa pagtaas ng boses ni Liam " ilang beses na kita sinabihan, gusto mo bang maulit muli ang nangyari dati? Gusto mo bang mabaliw nanaman kakaasa ang mommy mo na buhay ang kapatid mo? Gusto mo bang masaktan nanaman sya dahil sa kagagawan mo?!! " tumahimik ang lahat. Halos magtaas baba ang dibdib ni Liam saglit na kanyang nararamdaman. Walang nagawa si Lira kundi ang hayaang tumulo ang luhang naipon sa kanyang mata.
Naiintindihan nya ang galit at dismaya ng kanyang ama sakanya, sino ba namang muling magtitiwala sa kanya kung ilang beses na sya nabigo sa kanyang paghahanap sa kanyang kapatid, ilan na ba ang inakala nyang si Mira ang natagpuan nya, ilan na ba ang nanloko sa kanila at nagpanggap. Ilan beses na ba nya pinapaasa ang kanyang magulang na buhay ang kanyang kambal. Ang gusto lamang nya ay makatulong sa kalagayan ng kanyang ina na patuloy na umaasa, na sya rin naman ang may gawa.
Hindi na mapigilan ni Lira ang sunod-sunod na pag agos ng kanyang luha, bukod sa kahihiyan ay pakiramdam nya ay wala na syang nagawang tama.
" I will pass this Lira, and this will be the last time " pinal at ma awtoridad na saad sakanya nito. Para syang nauupos na kandila sa kanyang narinig. Wala syang magawa kundi pagmasdan ang kanyang magulang na papa alis sa kanyang harapan.
Halos madurog ang puso nya, muli nyang nadismaya ang kanyang magulang. Habang papaalis ang mga tao sa kanyang harapan ay nakita nya si martin na nasa sulok habang nakatingin sakanya, sa itsura nito ay halatang narinig at nasaksihan ng binata ang naganap na diskusyon kanina.
Hindi na napigilan ni Lira. Gustuhin man ng mga trabahador nya na lapitan sya ay hindi nila magawa, bumalik na labg ang mga ito sa kani-kanilang pwesto na animoy walang nangyari.
Kasabay nang pagbagsak ng kanyang luha ang pagtakbo nya palabas ng gusali, hindi nya alam kung saan patungo at ano ang gagawin. Saktong paglabas nya ay sya namang dating ni Lucy na pababa ng sasakyan. Walang sabi-sabi sa kaibigan nang agawin nya ang susi at sumakay ng sasakyan nito ba ikinagulat ni Lucy. Wala syang gustong gawin kundi ang makalayo at mailabas ang bigat na kanyang nararamdaman.
Mabilis nyang pina andar ang sasakyan at umalis, patuloy sa pag-iyak si Lira, hindi na rin nya namamalayan na napapaharurot nya ang kanyang pagmamaneho. Halos manlabo na rin ang kanyang paningin dahil sa luhang bumalot sa kanyang mata. Hindi nya alam kung saan direksyon sya patungo, wala na rin sya paki alam kahit na maraming bumibisina sa kanya dahil sa mabilis nyang pagpapatakbo.
Malayo na ang kanyang nararating, hanggang sa hindi namalayan ni Lira na may papalikong sasakyan sa kanyang harapan, sa taranta ay bigla nyang inapakan ang preno ng sasakyan, naglikha ito ng pagkaskas ng gulong at pag ingit na tunog. Halos mapapikit sya sa takot na mabangga o makasagasa.
Habol hininga sya nang mag mulat ng mata, pinapakiramdaman ang sarili kung buhay pa. Abot-abot lalo ang kaba nya ng bumaba sa kotse ang nasa likuran nya. Hindi man nya naririnig ang sinasabi ng lalaking driver ay ramdam nya ang galit sa mukha nito. Takot na takot ang dalaga dahil pinapababa sya ng driver. Napatitig na lang sya at natulala, halos mamutla sya at manginig ang kanyang kamay.
Nagitla sya nang kalampagin ng galit na galit na driver ang harapang bahagi ng sasakyan nya, natatakot man ay bumaba si Lira at hinarap ito. Gustuhin man nyang magsalita, ngunit nanunuyot ang kanyang lalamunan.
" Pasensya na kayo boss, student ko kasi ito, eh first time po magmaneho kaya hindi pa po ganun marunong. Pasensya na talaga " napatingin si Lira sa lalaking biglang sumulpot. Si Martin. Hindi na pumuproseso sa utak nya ang pag-uusap ng dalawa, takang nakatingin na lamang sya sa binata.
Ang alam nya na lang ay nagpakita ng Id si Martin at panay hingi ng dipensa dahil sa kagagawan nya. Hindi rin nagtagal ay nagkamayan si Martin at ang kaninang galit na driver, hanggang sa umalis na ito.
" Okay lang po ba kayo Ms. Sebastian? " bumalik sa ulirat si Lira nang tanungin sya ni Martin, tumango lamang ito at nagpasalamat saka bumalik ng sasakyan.
" Sa-salamat " aniya ng pagbuksan sya nito ng pinto ng sasakyan. Napakamot na lamang sa batok si Martin.
" Sigurado po bang kaya nyo na magmaneho Ms. Sebastian? " tanong nito, hindi agad nakasagot si Lira at mababakas pa rin ang takot sakanyang mukha, mapapansin rin ang pamumula ng mata at ilong dala ng pagiyak nito.
" Ako na lang po siguro Ms. Sebastian. Para makasigurong safe kayo sa pupuntahan nyo "
" Teka " mabilis na saad ni Lira " p-paano pala ang sasakyan mo? Paano mo ko nahabol? " napa kamot ng ulo si Martin dala ng hiya.
"Nagtaxi lang ako Ms. Sebastian" napahigit ng kanyang hininga si Lira, hindi nya akalain na mag e-effort ito para lang habulin sya. Hindi nya maintindihan ang kanyang biglang naramdaman.
Hindi n rin tumanggi si Lira at pumayag sa alok ng binata. Pinagbuksan ni Martin ito ng passenger seat at sya naman ang nag maneho.
Pina andar na ni Martin ang makina nang magsalita si Lira.
" Pwede mo ba akong dalhin sa malayong lugar? " walang ganang tanong ng dalaga. Hindi nagsalita si Martin at inaantay na lamang ang susunod pang sasabihin nito.
"Gusto ko pumunta sa lugar kung saan kaya kong isigaw ang lahat ng nararamdaman ko "
Hindi man nakikita ni Martin ang buong kabuuan ng mukha ni Lira pero ramdam nito ang lungkot, takot at sakit pilit mang itago ng dalaga.
Isang ngiti ang naging sagot ni Martin upang mapanatag ang dalaga. Isa lang ang kanyang sinisugarado ang mapagaan ang nararamdaman nito at mapasaya kahit saglit si Lira.
Pinaandar na nya ang sasakyan at nagtungo kung saan silang dalawa lang.