Chapter 19

1729 Words
Chapter 19 Ilang saglit lang din ay nakarating na sila sa bahay na tinutuluyan ni Mira. Pagkatanggal ng seatbelt ay unang bumaba si Lira, napansin nyang bukas pa ang ilaw ng kwarto nito sa taas kaya maaring gising pa ang kanyang kapatid. Nakakadalawang beses pa lang syang nagdoorbell ng maya-maya ay dumungaw ito sa kanyang bintana, nang umilaw ang unang palapag ng bahay sakto din na pagtabi sa kanya ni Martin, sabay na inaantay ang pagbukas ng pinto at lumabas ang taong nakatira dito. Habang nag hihintay biglang tumunog ang cellphone ni Martin na nasa kanyang bulsa, saglit itong nagpaalam kay Lira upang sagutin ang tawag. Maya-maya ay sya namang pag bukas ng gate at binungad si Mira, naka pantulog na ito na pajama at t-shirt, medyo magulo na rin ang kanyang buhok. Ngumiti si Lira sa kanya ngunit walang emosyon naman si Mira. " Sorry kung naistorbo ko pagtulog mo, I just want to give you this " sabay abot niya ng paper bag kay Mira. Sinilip ni Mira ang laman nito, nabigla at natuwa man ay pinilit nyang itago ito " S-Salamat " aniya " Gusto mo bang pumasok muna? " umiling si Lira, tumango lang naman si Mira habang nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha. Napansin naman nya ang lalaking naka sandal sa sasakyan habang may kausap sa cellphone nito, bahagya itong nakatalikod kaya hindi nya makilala kung sino iyon. " May kasama ka? " muli nitong tanong, sinundan naman ng tingin ni Lira ang direksyon ni Martin. " Oo " nakangiti nitong sagot. " Syota mo? " bahagyang nagulat si Lira at bahagyang natawa dahil sa ginamit na salita ni Mira kasabay rin noon ang pamumula ng kanyang pisngi " H-hindi, just a friend " Muling napatingin si Mira sa lalaking kasama nya, bahagyang madilim sa kinatatayuan nito kaya hindi nya maaninag ang kabuuang mukha ng lalaki. Busy pa rin kasi ito sa pakikipag-usap sa cellphone. Hindi rin nagtagal at nagpaalam na rin si Lira sa kanyang kapatid, lumapit na rin ito kay Martin at tahimik na naghintay na matapos sa kanyang pakikipag usap. " Pasensya ka na napaghintay kita, tumawag kasi yung kapatid ko " aniya kay Lira nang ibaba nya na ang tawag, mabilis nya rin itong nilagay sa kanyang bulsa " Okay lang " nakangiting sagot nito, napansin naman ni Martin na wala na ang kausap nito at sarado na ang gate " Hindi na kita napakilala kay Mira, she need to rest. Sorry din kasi " sandali syang tumigil at humugot nang malalim na hininga " Pinakilala kitang kaibigan " pinakiramdaman nya si Martin kung ano magiging reaksyon nito. Inaantay nya kung ano sasabihin ng binata at baka isipin nito na ikinakahiya nya kung anong meron sa kanilang dalawa. It's her first time to have a boyfriend, she trust Martin and Mira pero hindi pa sya handa sa ganitong bagay. Hindi nya alam kung ano ang dapat gawin lalo na at mabilis ang pangyayari. Taka syang napatitig kay Martin ng ngumiti ito sa kanya. " It's okay Lira, kung gusto mong ilihim ang relasyon natin sa pamilya mo rerespetuhin ko " " Hindi naman sa ganun Martin---" mabilis na putol ni Lira " May... May kailangan lang ako dapat unahin. Ayoko lang madissappoint ang magulang ko " halos manghina ang kanyang boses dala ng labis na pag-aalala." Naiintindihan ko " sabay sinop ni Martin sa takas na buhok ni Lira sa kanyang tenga. Hinawakan nya rin ang magkabilang pisngi ng dalaga at pinagkatitigan ang makinis nitong mukha. " Pero sana handa ka na ipakilala kita sa pamilya ko, bilang babaeng papakasalan ko " agad na napangiti sa Lira, sa sobrang saya ng kanyang puso ay halos mangilid na rin ang luha sa kanyang mata. Nakailang tango ito na animoy inaalok na ng kasal. Nagyakap sila nang mahigpit at kapwa inaalis ang alinlangan sa kanilang relasyon. " Sa condo na lang muna ako uuwi, kailangan ko na bumalik sa clinic bukas " sagot ni Lira nang tanungin sya ni Martin kung saan sya ihahatid nito. Bumaba na si Martin pagkarating sa parking lot, kinuha ang motor nito at huminto sa tapat ng bintana ng sasakyan. " Kailan ulit kita pwede makasama? " tanong ni Martin, huminga nang malalim si Lira at lumapit pa lalo sa kanya habang magkahawak kamay. " Huwag ka mag-alala mister Perez, tatapusin ko agad ang trabaho ko this week, even my scheduled meetings iaadvance ko na and after that magdedate ulit tayo " napakagat naman ng ibabang labi si Martin upang pigilan ang pag ngiti. "Yes Master " natawa naman si Lira sa naging sagot nito, hinila sya ng binata papalapit sa kanya at niyakap nang mahigpit, maging si Lira ay mahigpit na pinulupot ang kanyang braso sa katawan nito. Kapwa sinusulit ang oras bago maghiwalay dahil isang linggo ang lilipas bago sila muling magkita. Kumuway muna si Lira bago sumakay ng sasakyan ganun din si Martin saka pinaandar ang motor. Naghiwalay ang landas pauwi sa kanilang tahanan. Kapwa hindi nawawala ang ngiti sa labi, hindi mawala sa isip ang huling sandali na magkasama at kapwa hindi makapaniwala na iisa ang kanilang nararamdaman. Pagkaparada ng motor sa kanilang bahay, ang kaninang ngiti ni Martin ay napalitan ng pag-aalala ng makarating sakanila. Inalala nya ang kaninang sinabi ni Martha. Agad nya kinamusta ang mga kapatid, sinilip ang kanyang ina na natutulog sa higaan nito. " Mabuti na lang napakiusapan ni nanay na sa susunod na araw na lang ibibigay ang bayad dito sa bahay " bungad sa kanya ng kanyang kapatid nang makalapit ito sa kanya, sinarado na nito ang pinto at nagtungo sa sala upang hindi marinig at maistorbo ang kanyang ina sa kanilang paguusap. napahilamos sya kanyang mukha sa labis na pag-aalala. Ilang buwan na kasi silang hindi nakakabayad sa upa. " Hayaan mo bukas na bukas ibibigay ko yung bayad, buti na lang nakaipon ako sa mga raket ko " " Mapapagalitan ka nanaman nyan ni nanay kapag nalaman nyang nagpapakalunod ka sa dami ng trabahong pinapasok mo " pag-aalala sa kanya ng kanyang kapatid na si Martha. "Dapat kasi bumalik na lang tayo sa probinsya, mas maayos pa buhay natin doon kahit barong-barong lang bahay natin at nagtatanim ayos lang kesa naman dito sa manila, nandito nga lahat lubog ka naman sa mga bayarin " Napasandal sa kanyang kinauupuan si Martin, napaisip sya sa sinabi ng kanyang kapatid. Totoo naman lahat ng sinabi nito payak at tahimik ang kanilang pamumuhay sa probinsya. Simple lang ay ayos na atleast sama-sama sila. Walang iniisip na bayarin basta masipag ka sa pagtatanim at hanap buhay ay makakaraos ka. Ngunit lahat ng ito ay may dahilan kung bakit ayaw na balikan ni Martin ang buhay na nakasanayan. Kailangan nya magpakalayo-layo upang makalimot. Kung magdoble kayod ay kanyang gagawin upang makaraos sa araw-araw sa Manila at lalo na ngayon, ay nadagdagan ang kanyang dahilan upang magsikap sa buhay. Kailangan nya maka ahon upang may patunayan sa buhay. Kailangan nya maibigay ang lahat sa kanyang bagong minamahal. Bumalik sa realidad si Martin ng tawagin sya ng kanyang kapatid, tumayo ito at may kinuhang puting sobre sa aparador saka binigay sa kanya ang sulat. " Kanino daw to galing? " tanong nya, nagkibit-balikat naman si Martha " Hindi sinabi ni Kuya Raul eh, ang sabi nya ibigay ko lang daw sayo " hindi na nya pinansin ang kapatid at binuksan ang sobre, sa kanyang unang pagbasa pa lang ay nakaramdam na agad ng kaba si Martin. " Sino daw yan kuya " sabay dungaw ni Martha sa kanyang binabasa " Kay.. kay nanay Gloria " gulat na bulalas nito. Nabigla rin ito sa biglang pagtayo ng kanyang kuya at sinarado ang sulat. " Bakit hindi mo basahin kuya? Baka importante ang sasabihin ni nanay Gloria, baka tungkol kay ate Beatrice " napaigtad si Martha ng masama syang titigan nito, nakaramdam sya ng kaba kaya mas pinili nyang manahimik na lang. " Sa susunod huwag ka ng tatanggap ng sulat kahit kanino " ma awtoridad nitong sambit saka pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Pasalampak na napaupo sa kanyang higaan si Martin, labis na nababahala kung ano ang dapat na gawin sa sulat na kanyang natanggap. Nang malaman na sa nanay nanayan nya galing ang sulat ay muling nanumbalik ang sakit na matagal nan yang gustong kalimutan. Ngunit binalot sya ng kuryosidad, pakiramdam nya ay masama na syang tao kung babaliwalain na ang pinadalang liham ni Aling Gloria para sa kanya. Kahit papano naman ay naging mabuti ito sa kanya na itinuring na rin nyang isang ina. Malalim syang bumuntong hininga, pinakalma ang sarili at saka binuklat ang papel. Anak Martin, Sana nasa mabuting kalagayan ka ngayon, alam ko ang puso mo ay puno ng galit dahil sa nagawa sayo ng aking anak. Pero sana maunawaan mo at mapatawad mo sya, alam kong may malaki syang dahilan kaya nagawa nya yun sayo. Kasalukuyan akong nagpapagaling sa aking sakit, matanda na ako Martin hindi ko alam kung abutin ko pa ang pagbabalik ni Bea. Sandaling natigilan si Martin sa kanyang nabasa, ang kaninang inis ay napalitan ng labis na pag-aalala sa kanyang nanay-nanayan na si Aling Gloria. Matanda na ito at nagiisa na lamang, si Bea na lamang ang tanging kasama nito sa buhay kung kayat nabahala sya dahil hindi nito kasama ang kanyang anak. Muli syang nagpatuloy sa pagbabasa na puno nang pagmamadali. Halos laktawin na rin nya ang ilang bahagi ng sulat, hinahanap ang impormasyon na gusto nyang malaman. Alam kong hindi sya pababayaan ng tunay nyang magulang lalo na ng kanyang kambal. Isa lamang ang hiling ko Martin, bantayan mo ang anak kong si Bea habang nasa Manila, protektahan mo sya habang wala ako sa kanyang tabi. Kung sakali na magkita kayo, pakiusap patawarin mo si Bea. Mahal ka ng anak ko kaya nagawa nyang iwan ka at mas piniling lumayo sayo. Alam ko ring hanggang ngayon ay mahal mo pa sya. Huwag mo sya hayaang masaktan ninuman. Ipagkakatiwala ko sya sayo Martin. Salamat at mag-iingat ka palagi. Nanay Gloria Halos manginig ang kamay ni Martin sa kanyang huling nabasa, napahilamos na din sya ng kanyang mukha at napatakip ng bibig. Pilit isinasaisip kung ano ang dapat gawin. Halos manakit na rin ang kanyang ulo kakaisip lalo na ng malaman nyang nasa iisang lugar lang sila ni Bea, sa anumang oras at lugar ay maari silang magkita. Nang babaeng minahal nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD