Chapter 11

1922 Words
Chapter 11 Tahimik lamang na nakadungaw sa bintana ng eroplano si Lira habang pabalik na ng Manila. Puno ng lungkot at panghihinayang ang kanyang nararamdaman dahil sa nangyari sa kanila ng kanyang kapatid. Pinili nya muna umuwi dahil bukod sa kailangan sya sa kanyang clinic ay ilang beses syang nakatanggap ng text, at email sa kaibigang si Lucy tungkol sa kanyang magulang. Pilit man syang tanungin nito saan sya nanggaling at ano ang kanyang mga ginawa noong mga nakaraang araw ay pinili nyang ilihim at magsinungaling, ayaw nyang may makaalam na kahit sino tungkol sa pagkikita nila ng kanyang kapatid. "Please, follow her and keep your eyes on her. Whatever happens " pagkatapos ay binaba na nya ang tawag. Malayo man si Lira sa kanyang kapatid ay nakasubaybay pa rin ang kanyang inutusang private investigator nasaan man ito. Hindi na sya nagtagal pa sa doon at nagpasya ng umuwi. Pagkababa ng eroplano ay agad sya sinalubong ng security guard at driver na pinadala ng kanyang ama na susundo sa kanya. Sa mansion ng Sebastian sya tumuloy alinsunod sa utos ng kanyang ama. Hindi nya alam kung ano ang susulubong sa kanya, kung galit ba sermon o mapapagalitan sya ng mga ito. Isinantabi nya muna ang problema nya sa kanyang kapatid at inisip ang magulang. Matagal tagal din sila hindi nagkita kaya mas nangibabaw ang pagka miss nya sa mga ito lalo na sa kanyang ina na si Mary. Papasok pa lang ang kanilang sasakyan sa loob ng gate ay tanaw na nya ang kanyang magulang na naghihintay sa labas ng kanilang pintuan. Hindi maiwasan ni Lira ang mapangiti kahit halos mangilid ang kanyang luha sa mata. Para syang batang nagbakasyon sa malayong kamag-anak at sa wakas ay makakauwi na sa kanyang pamilya. Pagkahinto ay agad sya bumaba, mabilis na humakbang papalapit sa kanyang ina at hindi nya mapigilan lalo na mapangiti nang makitang maayos ang kalagayan nito. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong nila sa isa't-isa, na parang taon na hindi nagkita. " Jusko anak ko, saan ka ba nagpunta. Sobrang nag-alala ako sayo " saad ni Mary habang nanatili sa pagkakayakap. Hindi sumagot si Lira at dinama na lang ang init ng yakap. Pagkalas ay napatingin sya sa kanyang ama na nasa likuran ng kanyang ina. " Lira " maikling sambit ito. Hindi sya nagsalita, para kasing nanakit ang kanyang lalamunan nang tawagin sya ng kanyang ama. Pagka kalas nya kay Mary ay sya namang yakap nya sa kanyang ama, halos makahinga sya nang maluwag ng yakapin sya nito nang mahigpit. Ang kanyang lungkot at pangamba ay nawala. Buong akala nya ay muling magagalit si Liam sa kanya. " I'm sorry " mahinang sambit nito sa kanya. " I'm sorry too, Daddy " at lalo pang humigpit ang yakap nya sa kanyang ama. Masayang papasok ng kanilang tahanan ang pamilya Sebastian. Walang pagsidlan ng saya ang nararamdaman ni Lira, bukod sa nakita na nya ang kanyang kapatid ngunit nanatiling lihim pa rin ito sa kanya. Kahit kating kati na syang sabihin ito ay mas pinili nyang huwag sirain ang masayang araw nila. " You want to enroll in a Driving school Lira? " halos masamid sa kanyang kinakain si Lira sa sinabi ng kanyang ama, napatingin sya rito habang patuloy sa pagkain, nawiwirduhan din sya sa masayang awra ng kanyang ina. " It's okay, actually I have something to tell you. Pinapayagan na kita bumyahe mag-isa. At kapag natuto ka na, mamili ka ng gusto mong sasakyan. That's my gift for you " " Really dad? " halos hindi maitago ni Lira ang saya sa kanyang mukha. Nakailang tango si Liam bilang kumpirmasyon sa kanyang magandang balita sa anak. Nasa tamang edad na si Lira, tanyag na at kumikita na ng sariling pera. Ngunit lahat ng ito ay hindi mahalaga sa kanya, sa kabila ng kanyang natatamasa sa buhay ay importante pa rin sa kanya ang desisyon ng kanyang magulang. " Sir, nandito na po ang hinihintay nyo " agad naman pinapasok ng kasambahay ang bisitang kanilang hinihintay. Walang ka idi-ideya si Lira kung sino ito, marahil ay isa sa business partner ng kanyang ama o hindi kaya ay kamag-anak nila. Hindi nya sunod na inaasahan ang bumungad sa kanilang hapag kainan. " Magandang tanghali Mr. Liam Sebastian " sambit ni Mr. John. Agad na napaiwas ng tingin si Lira nang magtama ang kanilang paningin nito. Mabuti na lamang at ang atensyon ng kanyang magulang ay nasa bisita kaya hindi pansin ang kanyang pag ka ilang. " Have a seat Mr. John " Napuno ng kwentuhan ang kanilang hapag kainan. Si Liam at Mr. John ay matagal ng magkakilala, isa rin itong negosyante at kliyente ang mga mayayamang tao katulad ng mga Sebastian. Mabuti na lamang at magaling makaramdam ito na hindi alam ng kanyang ama ang tungkol sa binalak nyang pag enroll sa kanilang driving school. " I entrust to you my daughter Mr. John. Katulad nang napagkasunduan natin. Babae lamang ang pwede magturo sa kanya. Nagkakaintindia ba tayo? " ma awtoridad na saad ni Liam. Natawa lamang ang kanilang bisita at tumango. Hindi na bago sa kanila ang pagiging strikto nito kay Lira at over protective. " So, when can we start this? " Sakay ng kanilang sasakyan, papunta na sa driving school sina Lira habang nasa unahan na sasakyan naman si Mr. John. Nagpaiwan na ang mag-asawa dahil sa kailagan na ni Mary magpahinga at si Liam naman ay may negosyong kailangan asikasuhin. Para kay Lira ay sunod-sunod ang pangyayari sa kanyang buhay, naghahalo ang kanyang emosyon sa saya at kaba. Parang sumasang ayon sa kanyang ngayon ang tadhana. Kaya hindi na sya tumutol sa pasya ng kanyang magulang sa kanya upang hindi na magbago ang isip nito at baka mapurnada pa ang lahat. Ilang saglit pa ay nakarating din sila, ang kanyang guard at bantay ay naghintay na lamang sa parking lot at dalawa na lamang sila ni Mr. John ang pumasok sa loob ng building. Nakapunta na sya sa lugar na ito, pero parang kinakabisa nya ang loob nito, ang bawat hallway na nadadaan ay kanyang iniisa-isang tingnan ganun din sa bawat taong kanyang nakakasalubong na parang kinikilala. " May hinahanap ka ba Ms. Lira? " pilyong tanong ni Mr. John. " Don't mind me, I'm just memorizing the way para hindi ako maligaw next time" Napansin ni Lira ang mapang asar na ngiti nito kaya napayuko na lamang sya. Hindi nya malaman kung kinakabisa nya ba talaga ang lugar o may hinahanap syang tao na gusto nyang makita. Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa field. May lumapit na isang babae sa kanila sa tingin nya ay nagtatrabaho din doon dahil sa nakasuot ito ng uniform. Inutusan ito ni Mr. John at umalis rin agad. " Sir, ma le-late po ng 10 minutes si Mam Rhian, naipit po kasi sila ng traffic ng student nya " bungad ng babae ng makalapit ito sa kanila. Mababakas naman sa mukha ni Mr. John ang pagkadismaya sabay tingin sa relo sa kanyang kamay.. " It's okay, I can wait " ani ni Lira, ilang beses naman humingi ng pasensya ito sa kanya dala ng kahihiyan. Marami namang driving instructor na babae ngunit sinunod nito ang bilin ni Liam na ang pinaka best instructor ang ibigay sa kanyang anak, at karamihan na sa mga ito ay lalaki na. ilang Segundo pa lang ang nakakalipas ng mapag pasyahan ni Mr. John na sa loob ng waiting room maghintay si Lira ngunit bago pa man maka alis ay may lumapit na sa kanilang isang lalaki. " Sir John.... Ms. Sebastian "hindi inakala ni Martin na makikita nya si Lira sa kanyang pinagtatrabahuan, agad din syang napangiti nang makilala nya ito. Pilit na ngiti ang naging sagot ng dalaga sa kanya. " Ano pong ginagawa nyo dito? Itutuloy nyo na po ba ang driving lesson nyo? " " Yes, Martin " sagot ni Mr. John " But we're still waiting Rhian. Sya na kasi ang magtuturo kay Ms. Lira sa pag drive " agad nawala ang ngiti sa mukha ni Martin ng marinig nya ang sinabi ng kanyang boss. " Ganun ho ba? " walang ganang tugon nito at napayuko " Sige ho Sir. John balik na po ako sa loob... Ma'am Lira " nagsimula na umalis si Martin ng magsalita si Lira. " It's okay Mr. John kahit si Martin na ang maging instructor ko " basag sa katahimikan ni Lira na syang nagpahinto kay Martin. " Pero Ms. Lira bilin ng daddy mo na---" " Hindi naman nya malalaman kung walang magsasabi—hindi ba Mr. John? " pagputol ni Lira. Agad na napalingon si Martin at nagkatinginan ang dalawa. Hindi alam ni Lira kung ano ang tumakbo sa isip nya at bakit nya nasabi ang bagay na iyon, hindi naman sya naiinip at ilang sandali lang ay makakarating na rin ang magtuturo sa kanya. Ngunit nagbago ng makita nya ang naging reaksyon ng binata ay pinili nyang huwag sundin ang bilin ng kanyang ama. Pagkatapos ng kanilang paguusap ay nakumbinsi nya si Mr. John na si Martin na lang ang kanyang pansamantalang driving instructor. Bukod sa isa si Martin sa magagaling na instructor, komportable na si Lira sakanya, wala ng nagawa kaya sumang ayon na rin si Mr. John. Isang Ford fiesta ang pagpapraktisan nila Martin at Lira dahil sa bukod sa maliit ito ay automatic din. Una ay inisa-isa ni Martin ang bawat detalye ng sasakyan, pinakita nya ang tamang posisyon sa driving seat, dahil sa marunong naman na si Lira ay naging madali na ito sa kanya. Nagsimula na mag mananeho si Martin sa field habang sinasabi ang mga road signs at rules. " Kayo naman po " nakangiting sambit ni Martin paghinto ng sasakyan. " O-okay " sagot ni Lira. Nagpalit na sila ng pwesto. Nasa driver seat na si Lira at nasa kabila naman si Martin. Sa kanyang pwesto ay hindi malaman ni Lira ang sarili, hindi nya malaman kung ano ang iaakto. Bigla na lamang sya na conscious dala ng paninitig sa kanya ng binata. Alam na naman nya kung paano magpaandar pero bigla na lamang sya na mental block kung ano ang dapat gawin. " Gusto nyo po ba ulitin ko sa umpisa Ms. Sebastian? Napabilis ata turo ko---" " No it's okay " mabilis na sagot ni Lira. Sa kaba ay agad nya pinaandar ang sasakyan. " Sandali Ms. Sebastian. Nakalimutan nyo ang seat belt " sa taranta ay agad nya inapakan ni Lira ang break, dahilan para muntik na sya masubsob sa manibela. Ilang Segundo ang dumaan at kapwa pinapakiramdaman ang bawat isa. " Okay ka lang ba? " Pag-aalalang tanong ni Martin. Agad na tumango si Lira at humingi ng pasensya. Napangiti na lang ang binata sa kanya. " Sabi sainyo e, yan ang huwag nyo kalimutan ang seatbelt " halos mapasandal nang maiigi si Lira dahil sa paglapit ng mukha ni Martin sa kanya. Napatingin na lamang sya dito habang kinakabit ang seatbelt niya. Muling tinuro sa kanya ni Martin ang unang gagawin, mula sa tamang posisyon ng kanyang paa at ng kanyang kamay. Hindi alintana sa binata ang bawat paghawak nya sa parte ng katawan ni Lira. Tanging paa at kamay lang naman ito pero kay Lira halos mag unahan na ang t***k ng puso nya habang sinusundan ang kinikilos nito. Sa bawat kilos nito parang bumabagal ang lahat kay Lira. Na estatwa lalo ang dalaga sa kanyang posisyon nang magtama ang kanilang paningin habang ang mga kamay ni Martin ay nakapatong sa kamay nyang nasa manibela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD