Chapter 12
Na estatwa lalo si Lira sa sobrang lapit nila ni Martin sa isat-isa. Hindi na nya maintindihan ang iaakto lalo na ng magtama ang kanilang paningin. Parang tumigil ang lahat sa kanya habang sila ay magkatitig, nananatili sila sa kanilang posisyon, lalong humigpit ang pagkakakapit nya sa manibela dahil ramdam nya ang mainit na kamay ni Martin na nakapatong dito. Kapwa pinapakiramdaman ang bawat isa hanggang sa unti-unting lumalapit ang mukha ni Martin sa kanya na lalong nagdulot ng pagka kaba nya. Sa oras na iyon alam nya ang binabalak na gawin ng binata dahil nakatitig na rin ito sa mga labi nya, ngunit hindi sya kumilos o kahit pagkurap man lang, hindi dahil sa hindi makagalaw kundi inaantay nya rin ang susunod na mangyayari. Papalapit nang papalapit ang kanilang mga labi.
" Sir Martin " mabilis na kumilos ang dalawa papalayo sa isa't-isa nang biglang lumapit ang isang crew sa kanilang sasakyan.
" Nandyan na po si Mam Rhian, sya na daw po ang magpapatuloy sa driving test ni Ms. Lira " tanging pagtango lang ang naging sagot ni Martin at pilit na ngumiti sa katrabaho. Inayos naman agad ni Lira ang sarili na parang walang nangyari. Gusto sana humingi ng pasensya ni Martin ngunit bago pa makapagsalita ay mabilis na lumabas ng sasakyan si Lira. Mariing napapikit si Martin at nakaramdam ng inis sa sarili " ang tanga- tanga mo " aniya habang tinatapik tapik ang kanyang noo.
Nakasunod lamang si Lira sa babae ngunit ang isip ay lutang. Nagsimula na sila sa kanyang driving test, ilang oras lamang ang tinagal nito dahil marunong na kahit papano sa pagmamaneho si Lira.
Habang nakikipag usap kay Mr. John at kay Rhian sa office ay biglang tumawag ang kanyang assistant nurse.
" Yes hello? What? What happened? " hindi maiwasan na mapatingin sa kanya sina Mr. John at Rhian dahil sa kanyang naging reaksyon. " Okay, I'll be there in a minute. " agad nya binaba ang tawag. " I'm sorry Mr. John but there's an emergency in my clinic. I need to go "
" Yeah sure. Ms. Sebastian. You can come back here anytime "
Mabilis na umalis si Lira at habang naglalakad palabas ng building ay biglang humarang si Martin sa dinadaanan nya na kanyang ikinaigtad.
" Ahm, M-Ms. Sebastian, y-yung tungkol po pala k-kanina " agad na napatingin sa likurang bahagi ni Martin si Lira sa pagdatig ng kanyang sundo at sakto na dumating na rin ang driver nya.
" Sa susunod na lang tayo magusap, kailangan ko na umalis " hindi na inantay ni Lira na makasagot pa si Martin at nilagpasan nya lang ito, mabilis na sumakay ng sasakyan at umalis. Bahagyang napasabunot na lang sa buhok si Martin habang pinagmamasdan ang paalis na sasakyan nito.
Pagdating sa kanyang clinic ay agad sya sinalubong ng kanyang mga assistant nurses at binalita ang nangyaring disgrasya sa kanilang pasyente. Mabilis nyang sinuot ang lab coat at nagtungo sa operating room. Ilang oras din sya roon at successful ang operation.
" Mabuti na lang talaga at nakarating din si Doc Lira, kung hindi baka napano na yung pasyente "
" Oo nga eh, ang galing-galing talaga nya "
Ilan lang yan sa naririnig na usap-usapan ni Lira sa mga nurses na naglalakad sa hallway. Pinagwalang bahala na lang nya ito at hindi pinansin, dumiretsyo na lamang sya sa kanyang opisina. Pagpasok ay bumungad sa kanya ang matamis na ngiti ng binata, kitang-kita ang mapuputi nitong ngipin na lalong dumagdag sa kanyang kagwapuhan.
" Lucas " aniya.
" Hi " ngiting sagot nito. Pagkatapos bumeso ay inabot na nya ang isang bouquet ng roses. " Thanks " maikli nyang tugon.
" Hindi mo man lang sinabi na mag a-out of town ka pala. Sana sinabi mo sakin para nasamahan kita " agad na umiwas ng tingin si Lira, alam nyang ang tinutukoy nito ay ang pagpunta nya sa Marinduque. Nagtungo sya sa kanyang table at nilapag ang bulaklak. " It's your first time, takot kang bumyahe mag-isa, hindi ka umaalis na walang kasama. It's either kasama mo si Lucy or ako. Is there a problem? May tinatago ka ba? " sandali natigilan si Lira at nag-angat ng tingin sa kanya. Kilalang-kilala sya nito at wala syang malilihim. Alam nyang mapagkakatiwalaan si Lucas ngunit nag-aalangan syang sabihin ang pagkikita nila ng kanyang kapatid.
" Lira? " bumalik sya sa ulirat nang tawagin sya ni Lucas. Akmang magsasalita sya ng biglang tumunog ang kanyang telephone. Nang marinig nya ang sinabi ng kanyang receptionist sa kabilang linya ay sandali sya napatingin kay Lucas at iniwas din agad. At mabilis din nyang binaba.
" M-may gagawin pa ako Lucas, mauna ka na umuwi "
" I can wait here, sabay na tayo "
" No, hindi ako makapag concentrate " parehas sila natigilan sa sinabi ni Lira. Maging si Lucas ay hindi makapaniwala " O-okay " ang tangi nitong nasabi. Naisip nyang siguro ay pagod lang dahil sa trabaho. Hindi na lang nya pinilit ito at dahan-dahan umalis. Napasandal na lamang sa kanyang kinauupuan si Lira at napahilamos ng mukha. Nakaramdam sya ng kunsensya sa kanyang ginawa.
" Wait Lucas " agad na napalingon si Lucas at bahagyang lumiwanag ang mukha umaasa na babawiin nito ang sinabi ng dalaga. " ihahatid na kita sa baba " pilit na lamang ngumiti si Lucas at tumango.
Pinagmasdan ni Lira ang kaibigan habang paalis ang sasakyan. Hindi sya makapaniwala dahil mas pinili nyang paalisin ito dahil naghihintay si Martin sa kanya sa waiting area. Kanina pa daw kasi ito doon at naghihintay syang makauwi upang makausap sya. Pinili rin nito na huwag ipaalam upang hindi makaistorbo sa kanya.
Nang makasiguro na wala na si Lucas, nagtungo na sya kung saan naghihintay si Martin. Nakayuko ito at mukhang pagod na pagod, nakaramdam ng awa si Lira sa kanyang nadatnan. Hindi nya alam kung bakit kailangan pa nito maghintay sa kanya nang matagal para lang makausap sya.
Huminto sya sa harap nito, nang mapansin ni Martin ang kanyang paa sa kanyang harapan ay agad sya nag-angat ng tingin. Dali-dali sya tumayo at inayos ang sarili.
" M-Ms. Sebastian " nauutal pa nitong sambit.
Sa isang coffee shop malapit sa kanyang clinic sila nagtungo. Si Lira na ang umorder para sa kanilang dalawa.
" Gusto ko sana mag sorry sainyo.. M-Ms. Sebastian " basag sa katahimikan ni Martin.
" For what ? " pormal na tanong ni Lira
" Tungkol sa nangyari kanina. Hindi ko nama----" agad pinutol ng dalaga ang paliwanag nya.
" It's nothing. Wala naman nangyari, matatanda na tayo para bigyan pa ng meaning yun " . Bahagyang yumuko si Martin at pinagsinop ang kanyang palad na nasa pagitan ng kanyang hita. Huminga ito nang malalim at muli nagsalita.
" Sabagay, kaya pala ang sama ng tingin sa akin ng Boyfriend nyo kanina " takang napatingin si Lira sa kanya, napaisip sya kung sinong boyfriend ang tinutukoy nito. Hanggang sa pumasok sa isip nya si Lucas, halos lahat naman ay napagkakamalan na magkarelasyon silang dalawa. Iniisip din ng iba na gusto lang siguro nilang dalawa nang pribadong relasyon. Natawa sya na pinagtaka ni Martin.
" Wala akong boyfriend "
" weh? Hinalikan ka nga nya sa pisngi bago umalis " sabay nguso ni Martin. Hindi mapigilan ni Lira na matawa. Nakita siguro nito ang paghalik sa kanyang pisngi ni Lucas bago umalis. Para naman sa kanya ay wala lang iyon at sanay na sa ganoong akto ng kaibigan.
" I don't have a boyfriend.... Ever since " sabay inom nito ng frappe.
" Imposible, ikaw? Hindi ka pa nagkaka jowa? " di makapaniwala nitong tanong, tumango tango at pilit na tinatago ni Lira ang kanyang ngiti dahil sa nakakatawang reaksyon ng binata. " Kay tatanga naman pala ng mga manliligaw nyo. Mga walang tyaga "
" Actually one of them is Lucas, pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya " seryoso nyang saad.
" Sabagay, ang isang tulad nyo ay hindi basta-basta... mahirap maabot " napatingin si Lira sa seryosong sinabi ni Martin, inaantay nya kung ngi-ngiti ba ito o sabihing nagbibiro pero nanatiling magkatitig lamang sila sa bawat isa. Si Lira ang unang umiwas napainom sya sa kanyang hawak dahil parang nanuyot ang kanyang lalamunan.
Sa sobrang libang nila sa kwentuhan, hindi na nila namalayan ang oras. Magdidilim na kaya napagisipan na nilang umuwi.
" Ang bilis ng oras, nabitin ako sa kadaldalan nyo Ms. Sebastian " Sabay tawa ni martin.
" Ikaw kaya madaldal dyan. Tsaka huwag mo na nga ako tawaging Ms. Sebastian. Lira na lang " aniya. Tumango- tango naman si Martin habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan nya na parang kinakabisa. Natawa na lang ito sa kapilyuhan ng binata.
Sabay silang naglakad pabalik ng clinic habang mabagal ang bawat hakbang, parang sinusulit ang bawat minuto bago magkahiwalay.
" I had a great time. Thank you " aniya kay Martin nang makarating na sila sa tapat ng clinic.
" Salamat din po Ms. Se--- este L-Lira " nahihiya nitong tugon, napangiti lamang si Lira at tumango. " Alis na po ako " Ngunit bago pa man makasagot o makakilos si Lira ay nanlaki ang mata nya sa ginawang paghalik sa kanyang pisngi ni Martin.
" Magkaibigan na tayo Ms... este Lira ha " Masayang sigaw ni Martin habang tumatakbo palayo sa kanya. Walang magawa ang dalaga kundi pagmasdan ito habang sumasakay ng kanyang motorsiklo. Kitang kita nya ang masayang mukha ng binata kahit nakasuot ng helmet hanggang sa makaalis na ito. Samantalang si Lira ay parang naestatwa sa kanyang pwesto, unti-unti hinahawakan ang pisnging hinalikan ni Martin.
" Mam, Okay lang po kayo? " bumalik sa ulirat si Lira nang tanungin sya ng kanyang driver. Hindi na nya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya habang sya ay nakatayo lamang at tulala, maging ang kanyang driver ay nagtataka kung ano nangyari sa kanya.
Inaya na nya umalis ang kanyang driver dahil hinahanap na sya ng kanyang Daddy Liam. Pero hanggang sa byahe ay hindi mawala sa kanyang isip ang nangyari kanina.