Chapter 13
Maagang gumising si Beatrice upang pumunta kela aling Belen. Kailangan nya kasi mauna sa pagpili ng mga sariwang gulay na kanyang ilalako. Pagkatapos maghilamos at mag sipilyo ay saglit na sinuklay lamang ang magulong buhok saka tinali ng rubber band.
" Iha, anak. Heto ang kape, umiinom ka muna nang mainitan naman yang sikmura mo bago ka umalis " sabay abot ni Nanay Gloria sa kanya ng baso. Malapad na ngiti naman ang ginanti ni Beatrice sa kanyang mahal na nanay at walang arteng ininom ang lahat ng laman nito, hindi ininda ang init o kahit ang mapaso. Sa kabila ng kanyang edad ay parang bata pa rin kung ituring ni nanay Gloria si Beatrice. Hindi nagbago kahit na dalaga na sya at kahit wala na ang kanyang lolo isko, kaya ganun na lamang ang pagpapasalamat nito dahil sa labis na pagmamahal ng itinuring na nyang isang ina.
" Ang swerte ko talaga sainyo nanay " aniya sa matanda sabay yapos mula sa likuran nito. " Masaya po ako na kayo ang magulang ko " lihim na napasinghap ang matanda, alam nila ang katotohanan na ibinigay lamang sa kanila noong sanggol pa lamang si Beatrice. Ngunit linggid sa kaalaman ng dalaga ang tunay na katotohanan. Dahan- dahan humarap ang matanda sa kanya at inayos ang suot na kupas na pulang polo na pagmamay ari ng yumao nyang asawa.
" Sige na anak, malayo pa ang lalakarin mo, baka maunahan ka pa ng ilang mamimili at lanta pa ang maibenta mo "pagbibiro ng matanda. Agad naman tumalima si Beatrice at nagtungo sa kwarto. Sinilip ang kanyang kapatid at dahan-dahan na lumapit dito, hinaplos ang buhok at hinagkan ito sa noo. Bago pa man din umalis ay humalik sa kanyang nanay at nagmano. Masayang umalis ng kanilang tahanan at nagtungo na kanila aling Belen.
Magliliwanag na ng makarating si Beatrice. Agad syang naglakad nang mabilis ng mapansin nyang nagkukumpulan na at naguunahan na sa pagpili ng mga ititinda ang katulad nyang naglalako. Agad syang nakipagsiksikan sa mga tao at nakipag balyahan para lang makapunta sa unahan.
" Hoy, Hoy! huwag nyo ako ubusan ng ititinda, tapos ititira nyo sa akin mga nalamog nyo na " Bulyaw nya habang patuloy sa pakikipag-agawan.
" Nako! Andito nanaman yung siga ng palengke, kararating lang gusto nya sya agad mauuna " sagot naman ng isang babaeng nakataas ang kilay habang patuloy sa pag lalagay ng gulay sa kanyang kaing, sumang-ayon naman ang iba at halatang naiinis sa kanya. Napailing-iling na lang ito habang natatawa sa kanyang naririnig. Hindi naman na ito bago sa kanya, ramdam nyang ilag sa kanya ang ilang tindera na mga dati nyang kaibigan. Simula kasi nang sa kanya na halos bumibili ang dating suki ng mga ito ay unti-unti lumayo na sila sa kanya.
" Alam nyo naman, basta mga kabit walang pakialam. Kahit hindi naman sya ang nauna aagawin talaga mapunta lang sa kanya " sabat ng isang babae na halos kaedad din ni Beatrice, nagtawanan din ang ilang tindera sa sinabi nito. Dahil sa kanyang narinig sandali syang natigilan sa kanyang ginagawa, Alam nyang sya ang pinaparinggan nito dahil sa pagkakaroon ng alitan nilang dalawa. Hindi katulad ni Beatrice na isa pa ring dalaga, ang dati nyang kaibigan ay may asawa na at dalawang anak. Kaya ganun na lamang ang pagkainggit ng ilang babae sa kanilang lugar dahil bukod sa wala pa itong asawa, pansinin sya ng mga kalalakihan. Gusto sana itong patulan ni Beatrice pero mas pinili nyang manahimik dahil mapapaaway nanaman sya.
" Hayaan mo na yan si Tanya " napaligon si Beatrice sa lalaking nagsalita sa kanyang tabi. Si Anton, isang kargador sa palengke at kaibigan nya. Mas bata ito sa kanya ng ilang taon, kaya turing nya dito ay nakakabatang kapatid. " Alam mo naman Bitter. Hindi pa rin makamove on " sabay hagikgik nito, natawa na rin si Beatrice.
" Kasalanan ko bang magkagusto sakin asawa nya? "
" Sabi ko naman sayo sagutin mo na ako, para tigilan ka na ng mga manliligaw mo " Biro pa nito.
" Isa ka pa, ang bata mo kumpara sa akin. Wala akong sasagutin sainyo. Tsaka may naghihintay sa akin na mapapangasawa ko " kumpyansang sagot ni Beatrice.
" Sus, umaasa ka pa rin sa first love mo? May iba ng mahal yon " pinanliitan ng mata ni Beatrice ang kaibigan. Pinagtawanan lang naman sya nito at nilagay ang huling kilo ng kamatis sa kanyang maliit na kaing.
" Ewan ko sayo! Maka alis na nga, baka hindi pa ako makabenta dahil sa bwisit ko sayo " hindi na nya pinansin ang natatawang si Anton at tinalikuran na. Habang naglalakad, naghahanap ng bakanteng bangketa si Beatrice at doon nilatag ang kanyang mga paninda. Kangkong, bawang, sibuyas, kamatis at iba pa ang kanyang mga tinda.
" Pag minamalas ka nga naman mapapatabi ka pa sa mga salot ng lipunan " napatingin si Beatrice kay Tanya na iritableng naglalatag ng sapin sa kanyang tabi. Katulad nya ay wala ring pwesto sa palengke kaya sa bangketa na lang nagtitinda, dahil iisa lang ang pinagkukuhanan ng paninda ay halos magkaparehas din sila ng kanilang latag. Lihim na nakaramdam ng inis si Beatrice pero pinagsawalang bahala nya na lang ito upang makaiwas sa gulo.
Nagsimula na sila magtawag ng kanya-kanyang customer, may mangilan-ngilan na bumibili ngunit mas marami ang nilalagpasan lang sila. Matumal kaya kailangan dumiskarte ni Beatrice upang magkabenta at hindi mabulok ang kanyang paninda. Magtatanghaling tapat ngunit magkano pa lang ang kanyang kinikita. Maya-maya ay may isang babae na papalapit sa pwesto ni Beatrice, sa pustura nito ay mukhang isang dayuhan sa lugar na iyon. Halos lahat ay tinatawag ito upang sa kanila bumili ngunit hindi sila pinansin. Hinanda ni Tanya ang sarili upang makuha ang atensyon nito ngunit kay Beatrice ito bumagsak kaya lalo syang nainis sa dating kaibigan.
" Magkano lahat yan " bungad ng babae kay Beatrice.
" A-Ano ho? "
" Bibilhin ko na lahat yan, pagkatapos umuwi ka na " pormal na sambit ng babae, hindi makapaniwala si Beatrice sa sinabi nito, maging ang mga katabing nagtitinda ay napa nga-nga sa kanilang narinig.
" Mam? " Tawag ulit sa kanya. Dali- dali kumilos si Beatrice at binalot sa supot ang lahat ng kanyang tinda nang makita nyang naglabas ito ng pera at inabot ang ilang libo. Maging si Tanya ay hindi makapaniwala sa kanyang nakikita kaya agad nya ring kinuha ang kanyang ilang paninda at pinakita sa babae.
" Ay Mam, mas sariwa at mura po itong paninda ko, Kesa po dyan sa kanya pabulok na " aniya. Ngunit kahit anong pilit nito ay hindi sya pinapansin ng babae.
" Pwede ba Tanya, nakita mong sakin na bumibili diba? " inis na saad ni Beatrice pero parang walang narinig si Tanya, inirapan lang sya nito at patuloy sa pangungulit sa kanyang customer.
" Dalhin nyo na lang po iyang mga paninda nyo at umuwi na po kayo " muling natulala si Beatrice sa sinabi ng babae, hindi pa sya nakakapagsalita at tinalikuran na sya nito. Sobrang saya ang nararamdaman niya, bukod sa malaki ang benta nya may maiiuwi pa sya sa kanilang bahay. Agad na inayos ni Beatrice ang kanyang paninda at naghanda na sa paguwi ngunit habang nagsasalansan ay napansin nyang nawawala ang kanyang bag kung saan nya nilagay ang pera. Mabilis nyang kinapa-kapa ang kanyang katawan, maging ang kanyang mga paninda ay halos baliktarin na nya sa kakahanap ng pera. Inalala nya kung saan nya ito huling pinatong. Napatingin sya kay Tanya dahil malapit ito sa kanya at ito lang ang tao na nandoon.
" Hoy Tanya, ilabas mo na yung pera ko kung ayaw mo magkagulo " bungad nya rito, pinameywangan lang sya naman nito at tinaasan ng kilay
" Anong pinagsasabi mo? Mukha ba akong magnanakaw? " peke namang natawa si Beatrice
" Oo mukha kang magnanakaw " Mataray nyang sagot " Kaya ilabas mo na ang pera ko dahil uuwi na ako "
" Ang kapal ng mukha mo! Baka ikaw magnanakaw, magnanakaw ng asawa! " halos lahat ay napapagawi na ng tingin sa kanila dahil sa lakas ng kanilang boses. Kapwa naman walang pakialam ang dalawa at masama ang titig sa isa't-isa.
" Pwede ba Tanya, hindi ko inagaw asawa mo. Sila ang lapit nang lapit sa akin at wala akong pinatulan na kahit sino, kaya tigilan mo ako sa pnagsasabi mo. Ibalik mo na lang ang pera ko kung ayaw mo magkagulo " muli nyang bulyaw.
" Hindi ako magnanakaw! Ahas ka !! " mabilis na lumapit si Tanya sakanya at sinabunutan, hindi nagpatalo si Beatrice at gumanti rin. Ang lahat ng tao ay nasa kanila ang atensyon. Wala silang pakialam kahit magpagulong-gulong na sila sa sahig, maging ang kanilang paninda ay nagkalat na, kapwa galit at ayaw magpatalo ang dating magkaibigan. Hanggang sa lumapit na ang ilang taga barangay at inawat sila, parehas magulo ang buhok at damit ang kanilang balat ay namumula rin. Dinala sila sa barangay hall.
" Hindi kayo makakauwi hanggat hindi kayo nagbabati " bungad ng kanilang kapitan sa kanila.
" Hindi ako makikipag-ayos hanggat hindi nya binabalik ang pera ko " pinal na sagot ni Beatrice.
" Mas lalong hindi ako makikipag-ayos dahil wala akong kinukuha sa kanya. Baka sya, di ba mahilig ka manguha nang hindi iyo? " mas lalong tumalim ang tingin ni Beatrice kay Tanya at akmang susugurin muli nang magsalita ang Kapitan.
" Bueno, mukhang dito kayo magpapalipas ng gabi. Hanggat hindi kayo nagkakaayos "
Ilang oras ang dumaan, dumating na din sa kanilang barangay ang pamilya ni Tanya agad na umiwas ng tingin si Beatrice nang magkatinginan sila ng asawa ng dating kaibigan. Humingi ng tawad at makiusap sa kanilang kapitan upang mapauwi na ito, ngunit wala pa ring nanay Gloria ang dumadating para kay Beatrice. Kadalasan kasi pag nasasangkot sya sa away ay agad-agad na pumupunta ang kanyang nanay upang makipag-ayos. Labis syang nabahala hindi dahil sa maiiwan ito kundi dahil sa pag-aalala sa kanyang nanay.
Habang naghihintay ay may dumating na security, nakaitim ang mga ito at nakashade. Nakipagusap sa kanilang kapitan ang isa sa mga ito.
" Kilala mo ba sila Bea? " Tanong ng kapitan, hi-hindi sana ito ngunit nakilala nya ang babaeng bumili ng lahat ng kanyang paninda.
" Opo " aniya
" Kung ganun, makakauwi ka na at kailangan ka ngayon ng nanay mo " nagtataka man ay sumunod na rin ito dahil sa gusto na nya makauwi. Nang makalabas ay agad na nagpasalamat si Beatrice sa mga ito.
" Kailangan nyo po sumama sa amin Mam " saad ng babae
" Hindi ho pwede, baka po hinahanap na ako ng nanay " tugon niya, muli sana syang maglalakad paalis nang muling magsalita ang babae.
"Kailangan nyo po sumama Mam dahil nasa Hospital po ang nanay Gloria nyo " agad na natigilan si Beatrice at napatingin sa kanila. Ayaw sana nya maniwala ngunit naalala nya ang sinabi ng Kapitan. Kaya't dali-dali syang sumama upang makarating agad sa kanyang nanay.