Chapter 14
Hindi na mapakali sa sasakyang itim si Beatrice habang patungo sa Hospital kung nasaan ang kanyang nanay Gloria. Kinakabahan man dahil sa hindi nya lubusang kilala ang mga taong kasama nya ngayon ay pinagwalang bahala na lang niya, makapunta lamang sa kanyang nanay.
Huminto sila sa isang malaking Hospital kung saan mayayaman lang ang nakakapagamot dito. Pagkababa ay agad nya sinundan ang babae, nakaramdam din sya ng ilang dahil sa securitying nakapalibot sa kanila, animoy anak sya ng bilyonaryong kailangang protektahan. Pinagbuksan sya ng pinto at ginayak papasok sa loob, doon ay nakita nya ang kanyang nanay na nakahiga sa kama at may dextrose sa kanang kamay, agad sya lumapit dito na puno ng pag-aalala.
" Ate " napalingon sya sa kanyang kapatid na si totoy na namumugto pa ang mga mata, halatang kakagaling lang sa matagal na pagiyak.
" Anong nangyari? " bungad nyang tanong
" Kanina kasi habang nagwawalis si nanay sa bakuran lumapit si aling Belen, sinabi nya na nagaway nanaman kayo ni ate Tanya " lihim na napasinghap si Beatrice sa kanyang narinig. Nakaramdam din sya ng kunsensya dahil sa nangyari. Mahina na kasi ang puso nito dala nang katandaaan.
" Kasalanan ko to, kung hindi ko pinatulan si Tanya hindi aatakihin ang nanay " aniya habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na kanyang nanay. Sandali sya natigilan nang biglang lumapit at may binulong sa kanya si totoy, tinuro rin ang babaeng kaninay kasama nya. Sinabi nito na nakita nya na naguusap ang kanyang nanay Gloria at ang babaeng ito, dahilan rin para makaramdam nang pananakit sa dibdib ang kanilang nanay, lalong nagtaka si Beatrice kung sino ang mga ito at bakit sya pilit tinutulungan.
" Dito ka muna, bantayan mo si nanay " aniya kay totoy at lumapit sa babae. Tinawag nya ito sa labas at doon nagusap.
" Gusto ko magpasalamat sa pagtulong sa amin, pero wala akong maibibigay na kapalit " seryoso nitong saad " Hindi ko alam kung ano ang intensyon nyo pero wala kayong makukuha sa amin. Mahirap lang kami "
" Sumusunod lang kami sa utos... Mam Mira " agad na napakunot ng noo si Beatrice sa kanyang narinig, pilit nya inaalala ang pangalan na pamilyar sa kanya.
" M-Mira? " aniya sabay pekeng natawa " padala ba kayo ng babaeng mayaman na yon? Pwes pakisabi na wala syang mapapala kahit na anong gawin nya. Umalis na kayo " sabay talikod nya rito, ngunit agad syang napahinto nang magsalita ang babae.
" Pasensya na po Mam Mira pero hindi po kami aalis hangga't hindi pa nagiging maayos ang kalagayan ng nanay nyo. Sumusunod lang po kami sa utos " pinagkatitigan nya ito nang masama at inirapan, hindi na lamang nagsalita si Beatrice at tuluyan nang pumasok sa loob ng kwarto.
Mabilis nyang inayos ang ilang gamit na dinala ni Totoy.
" Kapag nagising si nanay at hinanap ako sabihin mo nagpunta lang ako sa nurse station " tumango lang naman si Totoy at lumabas na si Beatrice. Ipapadischarge na nya ang kanyang nanay dahil sa wala silang pambayad sa bill, kaya naisip nyang ilipat sa mas maliit na Hospital kahit walang kasiguraduhan na gagaling ba doon ang kanyang nanay.
" Wala na kayo dapat pang alalahanin Miss "
" Ano ho? " pagtataka ni Beatrice sa sinabi ng Doktor
" Bayad na ang lahat ng kakailanganin nyo dito, kaya hindi nyo na kailangan pa ilipat ang inyong nanay. Isa pa masama na ang lagay nito, mas mapapabuti kung dito na muna sya dahil kailangan nya ng matindinding obserbasyon "
Napaisip si Beatrice sa sitwasyon, hindi nya alam kung ano ang dapat nyang gawin. Ayaw nya magkaroon ng utang na loob sa babaeng hindi nya kilala, ngunit tama ang doctor, mas mapapabuti dito ang kalagayan ng kanyang nanay.
" Ano ho ba ang lagay ng nanay ko Dok? " biglang nagbago ang tono ng boses ng dalaga, puno ng pag-aalala at takot.
" Tatapatin na kita, mahina na ang puso ng nanay mo. Dala na rin ng katandaan baka hindi nya kayanin kung magsasagawa pa tayo ng operasyon " napalunok nang malaki at lihim na napasinghap si Beatrice sa kanyang nalaman. Isa ito sa kinatatakutan nya ang mawala ang itinuring nyang ina.
" Ano po ang nararapat na gawin ? " halos gumaralgal na ang kanyang boses. Nagpipigil ng emosyon.
" Oobserbahan namin ang iyong nanay, hindi namin sya pababayan hanggang sa tuluyan na syang gumaling. Huwag ka mag-alala wala ka na dapat pang isipin pa, kundi magpasalamat kay Ms. Sebastian "
Sandali sya nagtungo sa balkonahe upang sumagap nang sariwang hangin. Mula sa kanyang bulsa, inilabas nya ang pinagkakaingatan nyang kwintas. Gawa sa kahoy ang isang kalahating puso na pendant nito. Pinagkatitigan na animoy doon humuhugot nang lakas ng loob.
" Sana nandito ka, sana nadadamayan mo ako katulad noon. Sana kasama kita ngayon " Sa kabila ng lahat, ang kwintas ang nagpagaan ng kalooban ni Beatrice. Sa maliit na bagay na iyon ay malaki pa rin ang pag-asa nya na balang- araw ay muli sila magkakatagpo sa kabila ng lahat. Isang tao na tuluyan pa rin na umaasa na muli itong babalik kahit pinagtabuyan na nya.
Lutang ang isip ni Beatrice habang pabalik ng kwarto, hindi sya makapagdesisyon agad kung ano ang dapat ang gawin, pero isa lang ang importante sa kanya. Ang mabuhay ang kanyang nanay Gloria.
" Anong gusto nya mangyari? " bungad nyang tanong sa babaeng nakabantay sa kanya. Saglit pa itong nagtaka ngunit kalaunay nakuha nya ri ang pinupunto nito.
" Isa lang naman ang gusto nya Mam Mira... Ang malaman mo ang katotohanan. Kailangan nyo po sumama sa amin para makilala nyo ang tunay mong pamilya."
***
Nasa meeting si Lira nang biglang tumunog ang kanyang telepono, bahagya pa syang nagitla dahil sa pag vibrate nito. Agad sya humingi ng pasensya sa mga kapwa nya surgeon dahil sa abala, maging si Lucas ay napatingin sa kanya. Nakalimutan nya kasing isilent ang teleponong nanguugnay sa kanyang investigator bukod pa sa kanyang pang personal. Dali- dali syang nag excuse at hindi nagdalawang isip na sagutin ito. Isang importanteng tawag at balita. Agad nya ito sinagot nang makalabas ng conference room.
" Gusto nya po kayo makausap Ma'am " hindi agad nakapagsalita si Lira, parang may naka bara sa kanyang lalamunan upang mahirapan.
" H-Hi " nauutal nyang sambit nang marinig nya ang boses ng kanyang kapatid.
" Sabihin mo kung ano gusto mo mangyari, o baka may gusto ka ipagawa " nakaramdam nang magkahalong saya at kaba si Lira sa sinabi ni Beatrice.
" Ang gusto ko lang naman, ay hayaan mo akong ipaalam sayo kung paano nagsimula ang lahat. Hayaan mo akong patunayan sayo na ikaw ang kapatid ko. Ikaw ang kakambal ko " gumaralgal at pag pigil ng emosyon ang ginawa ni Lira upang hindi mahalata ang kanyang nararamdaman. Puno sya ng kaba sa magiging sagot ng kambal kung papayag ba ito o muling mabibigo na makumbinsi ito.
"Paano ako makakasiguro na mapapaayos ang kalagayan ng nanay at kapatid ko?"
"Wala ka dapat ipag-alala, Mira. Katulad mo mahal ko rin ang pamilya ko, kaya makakaasa ka na hindi ko sila pababayaan"
" Okay" walang emosyong sagot ni Mira. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Lira sa naging sagot ng kanyang kapatid. Napapikit pa ito at napahawak sa kanyang dibdib sa sobrang saya na nararamdaman nya.
***
Pagkatapos iabot ni Beatrice ang cellphone sa private investigator ni Lira ay nag tungo na sila sa kwarto upang pagusapan kung ano ang susunod na gagawin. Bukas na bukas ay kailangan nya sumama pabalik ng Manila upang makapag-usap sila ni Lira. Hindi na tumutol pa si Beatrice. Kung hanggang kailan ay wala syang ideya.
Hindi nya alam kung paano ipapaliwanag ni Beatrice kay Totoy na matagal syang mawawala at pansamantalang iba ang mag-aalaga sa kanya. Hindi nya rin masabi sa kanyang Nanay Gloria na kailangan nyang lumayo. Kahit nahihirapan ay may puwang sa puso nya na malaman ang tunay nyang pagkatao. Kung totoo nga ba na may kambal sya at kung may pamilya syang naghahanap sa kanya noon pa.
Sa hospital na nagpalipas ng gabi ang pamilya ni Beatrice, bukod sa may personal nurse para sa kanyang nanay Gloria, personal maid para kay Totoy ay makakapag aral pa ito sa private school at mananatili sa condo na malapit lang sa Hospital. Lahat ay sagot ni Lira upang wala nang iisipin pa si Beatrice sa kanyang pag-alis.
Madilim pa lamang nang magayos si Beatrice ng kanyang dadalhin, bukod sa kanyang suot, ilang pirasong lumang damit ang kanyang dinala. Hindi na nya ginising ang kanyang nakababatang kapatid na mahimbig na natutulog. Sa kanyang pagbaling sa kanyang Nanay ay hindi nya napigilan ang tinatagong emosyon. Habang nakayakap sa dibdib ng kanyang nanay ay tahimik syang umiiyak, sa unang pagkakataon ay ngayon lang sya mawawalay sa mga ito nang matagal.
Alam nyang marami ang mababago sa kanyang pag-alis. Maraming pwedeng mangyari sa oras na makaharap ang babaeng nagpakilalang kapatid nya. Kung ano man iyon ay bahala na. handa na sya sa bagong yugto.
Mahirap man para sa kanya ay kailangan nya itong gawin. Para sa kanyang nanay, kinabukasan ng nakababata nyang kapatid, kasagutan sa kanyang pagkatao at sa pag-asang muling makakapiling ang kanyang lalaking minahal.