Chapter 15
Nagpasama si Lira sa kaibigang si Lucy upang maghanap ng bahay di kalayuan sa kanyang condo. Naisip kasi nyang baka masyado pa maaga kung magsasama sila sa iisang bahay at baka mailang lalo sa kanya ang kanyang kambal. Kailangan nya muna makuha ang loob nito at kailangan patunayan na sila ay magkapatid. Sa isang subdivision sila nagtungo at doon nakakita ng isang bakanteng bahay, may dalawang palapag ito at malawak na bakuran, malaki para sa isang tao pero para kay Lira ay sapat na ito.
Pumasok na sila sa loob at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay, malinis at makintab ang tiles, halos kulay puti ang lahat. May malalaking bintana para makapasok ang sariwang hangin, ganun din sa taas nito may malawak na kwarto at banyo. Ang balkonahe ay natatanaw ang ilang puno at kapitbahay sa di kalayuan.
" Sandali nga lang Lira, para kanino ba talaga tong bahay? " tanong ni Lucy. Ngumiti lamang si Lira hindi maitago ang sayang nadarama. Dahil sa naging reaksyon nya ay halos mamilog ang ni Lucy sa kanyang naiisip.
" OMG Lira, don't tell me mag-aasawa ka na? "
" Gaga, hindi " Natatawa nyang sagot. " may pagbibigyan lang akong napaka importanteng tao sa buhay ko.
" Wait, at sino naman yang importanteng tao sa buhay mo na hindi ko kilala? Tapos hindi mo pa sinasabi sa akin kung sino " pagtatampo pa nito, napailing si Lira habang natatawa sa parang batang reaksyon nito, kinuha nito ang bisig at pinulupot ang kanyang mga kamay saka inamo-amo.
" You're so strange these past few days Lira. Masyado ka nang malihim, even Lucas nagtataka sa kinikilos mo. Baka magulat na lang kami magpapakasal ka na lang bigla " natatawang saad ni Lucy, sandali naman natigilan si Lira.
" I think so " seryoso nyang tugon. " I think I'm ready " huminto si Lucy at pinagkatitigan ang kaibigan, hinihintay ang susunod pang sasabihin nito. " I'm just waiting for someone " muling magsasalita pa sana si Lucy nang dumating na ang Landlord kaya naudlot ang kanilang paguusap. Pagkatapos malibot ang kabuuan ng bahay, pinagusapan nila ang tungkol sa rules and regulation. Open contract ang kinuha ni Lira dahil hindi nya alam kung hanggang kailan tatagal ito. Closed deal at pwede nang tirhan, ang kanyang kapatid na lang ang kulang.
Bago mag tanghali ay inaasahan na ni Lira darating ang kanyang kapatid, pagkatapos maihatid ni Lucy sa kanyang condo ay sandali sya nagpahinga, hinahanda ang sarili kung ano ang dapat nyang gawin sa kanilang pagkikita. nag-ayos lang sya ng sarili at nagtungo na sa airport, gusto nya ay sya mismo ang susundo dito.
Hindi na sya mapakali sa kakahintay, puno sya ng kaba hanggang sa matanaw na nya ang kanyang lady investigator. Habang papalapit ito ay mas natatanaw na nya ang babaeng nasa likuran nito. Ang kanyang kapatid.
" H-Hi " Nuutal nyang bungad dito, tumango lang naman ito sa kanya at pilit na ngumiti. Agad nya ito inaya at nagtungo na sa sasakyan. Kapwa tahimik ang dalawa, nagpapakiradaman. Tinuon na lang ni Beatrice ang kanyang paningin sa labas ng sasakyan, labis syang namamangha sa kanyang nakikita. Malayong-malayo sa kanilang kinalikhan, maraming tao sa paligid na tila mga nagmamadali at nagtataasang mga buildings. Si Lira naman ay halos mamula na ang kanyang palad sa pagkuskos nito nang paulit-ulit.
" Ah... nagugutom ka ba? " Basag sa katahimikan ni Lira " Gu-gusto mo kumain muna tayo? Maraming masasarap na----"
" Busog pa ako " mabilis na sagot ng kanyang kapatid habang nanatiling nakatingin sa bintana. Tumango-tango lang naman si Lira, muli nagisip kung paano sila makakapag-usap " How about shopping? Mamili tayo ng gamit mo, wala ka pa kasing gamit sa bahay na tutuluyan mo. Gusto ko kasi ikaw mismo mamili ng mga gusto mo "
" Ikaw bahala " muling walang emosyong sagot ni Beatrice. Pilit na lamang na ngumiti si Lira. Dumiretsyo sila sa isang mall at doon namili ng mga appliances at furnitures para sa bahay ni Beatrice. Labis-labis ang saya ni Lira dahil kitang kita nya ang pagkamangha ng kapatid sa kanyang nakikita.
" I suggest na Black or gray ang kulay ng Sofa mo since all white ang kulay ng bahay mo " masayang sambit ni Lira sa kanyang kapatid.
" Ako ng bahala mamili, ako naman ang titira " ani Mira habang pinagmamasdan ang sofa.
" O-okay " sabay pilit ulit na ngiti ni Lira, sumunod na lamang sya sa kanyang kapatid kung saan ito magtungo. Hinayaan nya kung ano ang piliin nito.
" 98,000? Grabe ang mahal naman ng kama na to " hindi makapaniwalang sambit ni Beatrice habang tinititigan ang tag price ng queen size bed.
" Baka gusto mo nito, mas malaki at mas makapal " tukoy ni Lira sa kulay puting King size bed na may pink na headboard. Agad din tiningnan ito ni Beatrice, maging sya ay namangha sa ganda nito, sa sobrang tuwa ay hinigaan nya ito at dinama ang lambot ng kama. Lihim na natawa si Lira sa naging reaksyon ng kambal, parang bata na naglalaro at tuwang-tuwa. Nang mapansin ni Beatrice na nakatingin at nakangiti si Lira ay agad sya umupo at inayos ang sarili.
" Sige okay na to " aniya at saka tumayo.
Mula sa kanilang likuran ay nakasunod ang babaeng private investigator at ang ilang security. Maging ang ilang salesman na dala ang kanilang ilang pinamili. Hinayaan ni Lira mamili si Beatrice kung ano ang gusto nito. Pagkatapos ay nagtungo na sila sa isang mamahaling restaurant. Labis na namangha si Beatrice sa kanyang nakikita dahil ngayon lang sya nakapasok sa mamahaling kainan. Napadako sya ng tingin sa paligid ang lahat ay halatang mayaman mula sa kanilang damit at pagmumukha.
Kaya hindi nya maiwasan na manliit sa sarili, agad sya napatingin sa kanyang suot. Kupas na maong at lumang t-shirt na regalo pa sa kanya ng kanyang tatay Isko. Maging kay Lira ay napatingin sya dito, sa tindig at porma nito ay halatang galing sa mayamang pamilya kaya napapatingin sa kanya ang ilang nandoon dahil sa agaw pansin nitong ganda, hindi katulad sa kanya na may halong pangmamata.
" Okay ka lang? " bumalik sya sa ulirat nang tanungin sya ni Lira tumango na lamang sya at sumunod dito, ang kanilang security ay naghintay na lamang sa labas nagsimula na rin silang umorder. Pinili rin ni Lira ang best seller na pagkain dito. Iba't-ibang putahe, dessert at champagne ang kanyang inorder
" Dapat sa iba na lang tayo kumain mukhang mahal dito " sambit ni Beatrice. Napangiti lang naman si Lira " Iba talaga kapag mayaman, hindi alam ang gagawin sa pera. Bili dito bili doon. Walang pakialam sa presyo "
" Don't worry, kapag naging maayos na ang lahat. Lahat ng gusto mo mabibili mo, kung anong meron sakin meron ka din. I can share with you everything you want "
" Hindi ako mahilig makihati. Kung ano ang sayo ay iyo, ang akin ay akin. Dahil lahat ng gusto ko ay pinaghihirapan ko kapag gusto ko angkinin " wala sa sariling napalunok si Lira dahil sa seryosong sinabi ng kanyang kambal habang magkatitig sa isa't-isa.
Mabuti na lamang at dumating na ang pagkain, nawala ang tension sa pagitan nilang dalawa. Dahan-dahan na nilapag ng mga waitress ang kanilang order. Halos mapuno ang kanilang table dahil sa sobra sa pang dalawang tao ang inorder ni Lira. Nagsimula na sila kumain.
" Masarap ba? " tanong ni Lira habang pinagmamasdan ang kambal sa pagkain nito.
" Pwede na, pero mas masarap pa rin yung paborito ko " sagot ni Beatrice habang patuloy sa pagsubo. Nilunok muna ni Lira ang laman ng kanyang bibig bago muling magsalita.
" Ano bang paborito mong pagkain? "
" Paborito ko? Sisig. Lalo na yung sisig na kinakainan ko doon sa amin, grabe ang sarap tapos unli rice pa. paborito namin ng bestfriend ko" sagot ni Beatrice habang nanguya-nguya pa. si Lira naman ay sandali natigilan, iniisip kung saan na nya narinig ang bagay na yon. Hindi na lang nya tinanong ang kambal at pinagwalang bahala na lamang. Baka nagkataon lang.
Gabi na sila nang makarating sa bagong bahay, katulad kanina ay labis din ang pagkamangha ni Beatrice. Pinasok na ng mga kargador ang mga gamit. Nilibot nya rin ang buong bahay, mula sa baba hanggang sa kwarto. Dumiretsyo rin si Beatrice sa balkonahe nilanghap ang simoy ng hangin. Sa kabila ng kasiyahan nya ay unti-unti ito napawi nang maalala nya ang kanyang nanay at ang kanyang nakababatang kapatid na si totoy
Siguro sobrang saya nyo rin kung nandito kayo bulong nya sa sarili. Tumingala sya sa langit at pumikit pilit inaalis ang nagbabadyang emosyon. Konting tiis lang nanay, totoy magkakasama-sama din tayo. Nang maging maayos na ang kanyang pakiramdam ay muli sya bumaba, naabutan nya si Lira na nagmamando kung saan dapat ilagay ang mga gamit. Ngumiti ito sa kanya at lumapit.
" Nagustuhan mo ba? Okay lang ba syo ang bahay? " tanong ni Lira, tumango lamang sya.
" Marami pang dapat gawin, gusto mo tulungan kita sa pag-aayos "
" Hindi na "mabilis na sagot ni Beatrice " Kaya ko na mag-isa. Pwede na kayo umalis " unti-unting napawi ang ngiti ni Lira. Naalala nya ang susi at binigay ito sa kanya, dahil hating gabi na rin marahil ay gusto na nitong makapag pahinga dala ng pagod sa byahe at sa kanilang ginawang pamimili. Kaya nagpaalam na ito sa kanyang kambal.
Nagsimula na maglakad palabas si Lira pero agad din sya napahinto nang magsalita si Beatrice. " Ah L-Lira " agad nya naman ito nilingon " Sa-salamat nga pala sa Pa-pagtulong sa amin at sa pagpapagamot kay nanay " isang matamis na ngiti ang binigay nito
" Wala yun, basta para sayo gagawin ko lahat. Makabawi lang sayo " pagkatapos nun ay tuluyan nang napaalam ito at naglakad paalis.
Naiwan na mag-isa si Mira sa bahay. Si Lira naman ay labis-labis ang saya na kanyang nararamdaman na muli ay nakasama na ang kanyang kambal.