Chapter 16

1742 Words
Chapter 16 " Asan ka na ba? Kanina pa naghihintay sila Tita Mary at Tito Liam " " Oo na, oo na. Eto na nga oh, madaling-madali na ako " tugon ni Lira sa nagmamadaling si Lucy. Patungo ngayon sila sa Mansyon ng Sebastian. Tumawag kasi ang kanyang ama na umuwi muna sa kanila dahil miss na miss na sya ng kanyang ina at may mahalagang sasabihin ito sa kanya. Halos hindi naman magkanda umayaw ang dalawa sa pagmamadali, na late rin kasi ng gising si Lira kaya tanghali na sila nakapag-ayos. " San ka ba kasi galing kagabi? Bakit parang puyat na puyat ka " Tanong ni Lucy habang nag memake up sa loob ng sasakyan. Saglit na napatingin si Lira sa kanya at muling bumalik ng tingin sa kalsada. Napagpasyahan kasi nila na sya na ang magdrive papunta sa kanilang bahay. Bukod sa marunong na sya ay para na rin makabisado nya ang daan papunta sa kanilang mansyon. " May inasikaso lang ako " aniya, umakto naman na hindi naniniwala si Lucy sa kanya. Na pinagtawanan na lamang nya. Ilang oras di ang binyahe nila at nakarating na sa bahay ng mga Sebastian. Sa hapag kainan ay pinagsaluhan nila ang tanghalian. Katulad ng dati masaya silang nagkwentuhan. " How I wish na sana buhay pa si Liane " biglang tumahimik ang lahat sa sinabi ni Mary, ramdam sa kanya ang lungkot at pangungulila sa panganay nitong anak. " Siguro ay malalaki na ang apo natin sa kanya, o baka kay Mira kung kasama natin sya " mababakas sa mukha ni Mary ang pangungulila sa kanyang nawalay na anak. Gustuhin man ni Lira na magsalita may kung anong nakabara sa lalamunan niya para mahirapan maging sa paglunok. Hindi nya alam kung paano mapapagaan ang kalooban ng kanyang ina. " Nako tita Mary, huwag kayong mag-alala malapit na kayo bigyan ng tagapagmana ni Lira " singit ni Lucy upang maiba ang usapan. Ang lahat naman ay agad na napatingin sa kanya, maging si Lira ay takang napalingon. " What do you mean? " seryosong sambit ni Liam, agad kinabahan si Lira na napatingin sa kanyang ama. " Eh kasi tito, nitong mga nakaraang araw... aww " hindi na natuloy ang sasabihin ni Lucy nang pasimpleng sinipa sya ni Lira sa paa. Gustuhin man nya magsalita hindi nya alam kung anong sasabihin dahil sa kadaldalan ng kanyang kaibigan. Mabuti na lamang at hindi na muli nagtanong ang kanyang ama hanggang matapos sila sa pagkain. Sa kwarto ng kanyang magulang sinamahan ni Lira ang kanyang ina na nagpapahinga. " Totoo ba ang sinabi ni Lucy ? bibigyan mo na daw kami ng apo? " birong tanong ni Mary, pekeng natawa naman si Lira at sabay iwas ng tingin. " Mommy naman, nagpapaniwala ka don " tugon niya " Ano naman? Nasa tamang edad ka na naman Lira at handa na magkaroon ng sariling pamilya " hindi sya sumagot at pilit na lamang ngumiti. Hinawakan ni Mary ang kanyang kamay at bahagyang hinaplos ito " Anong kinakatakot mo? Ayaw mo bang maging masaya ? " agad na napalingon si Lira sa kanyang ina, seryoso ito habang nagaantay sa kanyang sagot. " Masaya naman po ako Mommy kasama ko kayo at malakas pa kayo, yun ang importante " " Hindi yun ang tinutukoy ko, ito " sabay turo sa kanyang puso " masarap sa pakiramdam ang may minamahal Lira, ang taong makakasama sa hirap at ginhawa at kasamang tumanda " huminga sya nang malalim at lumapit pa kay Mary. " Mukhang Malabo makahanap ng katulad ni daddy, yung hindi ka sasaktan at iiwan " natawa naman si Mary habang naiiling pa na kanyang pinagtaka. " Haynako anak, kung alam mo lang kung anong mga hirap at sakit ang pinagdaanan ko bago kami umabot sa ganito. Siguro kung hindi kami parehas naging matatag at hindi lumaban baka matagal na kaming magkahiwalay " " Ibig sabihin kayo talaga ang pinagtagpo dahil mahal na mahal nyo ang isa't-isa " " Pero hindi lahat ng pinagtagpo ay tinadhana " mabilis na sagot ni Mary " at hindi rin sapat na mahal nyo lang ang isa't-isa. Bukod sa pagmamahal kailangan nyo ng tiwala at maging tapat. Ilang beses ako pinaglaban ng daddy mo sa kabila ng ilang beses kong pagsuko, hindi sya bumitaw kahit anong pagsubok sa aming dalawa. Pero ang lahat ng ito ay hindi mararanasan kung hindi ka susugal, kailangan mo tumaya para maramdaman ang tunay na pagmamahal. " Hindi maiwasan na mangilid ang luha ni Lira sa payo ng kanyang ina, pilit syang ngumiti dito at yinakap nang mahigpit upang pag pagtakpan ang lungkot na kanyang naramdaman. Hindi man sya saksi sa mga nakalipas na pinagdaanan ng kanyang magulang dala ng kamusmusan, saksi naman sya sa pagmamahalan nito mapa hanggang ngayon. " Mommy, kung sakali ba na biglang magpakita sainyo ang kambal ko, makikilala nyo ba sya kahit hindi nya sabihing sya si Mira? " kahit hindi nakikita ni Lira ang reaksyon ng kanyang ina, ramdam nya ang pagkagulat nito sa kanyang tanong. " Kahit itanggi nya pa na hindi sya ang kapatid mo, kahit itakwil nyang sya ang anak ko. Kapag naramdaman ko ang lukso ng dugo at matitigan ko lang sya sa kanyang mata, makikilala ko si Mira. Makikilala ko ang kapatid mo " napangiti si Lira sa kanyang narinig, pakiramdam nya ay malapit na nya matupad ang pinakatatagal na nyang inaasam-asam. Ang makasama ang matagal na nawalay na kambal. Nasa ganoong posisyon sila nang biglang kumatok ang isa nilang kasambahay, pinapatawag si Lira ng kanyang ama. Nauna na sa pagbaba si Lira at susunod na lamang daw si Mary. Sa malawak nilang bakuran naghihintay si Liam, habang papalapit sa kanyang ama ay pansin nya ang ngiti sa labi nito maging ang iba pang nandoon. " I know it's too early to give you this, but I think this is the perfect time Lira " bungad sa kanya ng kanyang ama. " What is it Dad " nakangiting tanong niya. Sumenyas ang kanyang ama sa isa nilang security na agad namang tumalima. Maya- maya ay may isang sasakyan na papalapit sa kanila hanggang sa huminto ito sa kanilang harapan. Kulay itim ito at may pulang ribbon ang bandang harapan nito. " That's my gift for you " saad ni Liam. Napatakip na lamang ng bibig si Lira. Hindi sya makapaniwala. Isa lang namang limited edition Bugatti Divo ang regalo sa kanya. " But Dad, next month pa ang birthday ko " " And so? Ako naman ang regaluhan mo sa birthday mo " sabay tawa ni Liam, takang napatingin si Lira sa makabuluhang sinabi ng kanyang ama ngunit hindi nya na lang ito pinansin at yumakap na lang. " Thank you Dad " aniya. Excited syang lumapit sa sasakyan at pinaikutan ito ng tingin. Hindi sya makapaniwala na reregaluhan pa sya ng kanyang ama ng mamahaling sasakyan. " Let's go dad, turuan mo na ako idrive ito " " Hindi ako Lira, si Coach Martin ang magtuturo sayo " natigilan si Lira sa kanyang narinig, hanggang sa lumabas na nga ang lulan ng sasakyan. Si Martin. Naka-ayos ito at pormado ang damit, una munang lumapit ito kay Liam at nakipag shake hands. " Good afternoon po Mr. Sebastian " bati nya rito. " Oh well, I would you like to meet my daughter Lira " sabay turo nito sa kanya. Naestatwa at napatitig na lamang ito habang papalapit ang nakangiting si martin. " Mr John recommended Martin dahil bukod sa sya ang pinagkakatiwalaan nya, sya lang din ang kabisado ang sasakyan na yan. Siguro ay nagkakilala na kayong dalawa dahil doon kay Mr. John's Driving school nagtatrabaho si Martin " Hindi maiwasan na bumilis ang t***k ng puso ni Lira nang huminto sakanyang harapan si Martin habang magkatitig silang dalawa " Oho Mr. Sebastian kilala ko sya. Sino ba namang hindi makakakilala sa isang Lira Sebastian " sabay lahad ng kanyang palad, napatingi dito si Lira at bumalik din ng tingin sa kanya. Nakipag shake hands naman din si Lira habang pilit pinapatatag ang sarili sa harap ng kanyang ama, pilit pinapakita na hindi sya apektado sa maamong mukha ni Martin kahit sunod-sunod na ang pagpintig ng puso nya lalo na ng ngumiti ang binata. " For a while tuturuan ka muna idrive yan ni Martin, alam ko marunong ka na Lira but I want to make sure na ma-practice at makabisado mo muna yan " " Y-yes dad " tugon ni Lira sa kanyang ama. Nang maging maayos na ang lahat, nagpaalam na si Liam upang bumalik sa loob ng bahay, maging si Lucy na inasar pa sya bago umalis. Hanggang silang dalawa na lang ang natira. " Magsisimula na po ba tayo Ms. Sebastian, o magpapakilala muna ako sainyo? " pilyong saad ni Martin, inirapan lang naman sya ni Lira at kalaunay natawa na lang din. " Let's start Mr. Martin, the most trusted and recommended driving instructor " sabay silang nagtawanan at sumakay na ng sasakyan. "Nakakabilib ka naman, lahat ng sasakyan alam mo paandarin" Sandali napatingin si Martin kay Lira saka bumalik ng tingin sa kalsada. "Hindi naman. Sadyang tinuruan lang ako ni Mr. John" takang napatingin si Lira sa kanya. "Nakakatawa nga e, ibat -ibang sasakyan namamaneho ko pero wala naman ako sariling sasakyan" "Oo nga, bakit hindi ka na lang mag kotse? Mas safe yun kesa sa motor, magkano lang naman yun" ani Lira. "Naku, gastos lang. kahit gusto ako bigyan ni Mr. John ng kotse, nakakahiya. Iba pa rin kapag sarili mong pera, diba?" Hindi sumagot si Lira at baka isipin ni Martin na hinuhusgahan sya nito. "Matagal ka na siguro nagtatrabaho dito?" "Ang totoo nyan, ang tatay ko talaga ang nagtatrabaho may Mr. John bilang mekaniko. Nang mag resign ang tatay ko, nakiusap ako kay Mr. John na kung pwede ako na lang magtatrabaho bilang kapalit nya. Tutal marunong naman na ako dahil lagi ako kasama ni tatay sa pag aayos." "Ganun ba? Ang tatay mo pala, nasaan na?". Sandali natahimik si Martin, pero agad din pilit ngumiti. "May iba ng pamilya"pormal na sagot nito. Nakaramdam ng lungkot si Lira, bagamat nakangiti ang kausap ay alam nyang pinipikit lamang nya ito. Hindi na sya muling nagtanong at baka lalo lang maging malungkot si Martin. "Huwag ka mag-alala, pinagkatiwala ka sakin ng daddy mo kaya.... iingatan kita, hindi kita hahayaang masaktan " seryosong sambit sakanya nito. Biglang bilis ng kanyang t***k ng puso nang saglit silang magkatitigan ni Martin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD