Chapter 17
"Mukhang uulan pa ata " sabay silip sa labas ng sasakyan ni Martin nang mapansin nyang makulimlim ang langit, maging si Lira ay napatingin din. Muli na lang ulit nilang tinuon ang mata at atensyon sa kalsada at hindi pinansin ang nagbabadyang sama ng panahon.
" Gusto mo ba na ikaw na ulit ang magmaneho? " tanong ni Martin, ngumiti lang naman sa kanya si Lira at umiling " Mamaya na lang ulit paguwi " tugon nya. Tumango- tango naman si Martin, bahagyang humawak sa kanyang baba at muling nag-isip kung ano pa ang pwede nyang masabi. Ramdam kasi nya ang biglang pagtahimik ng dalaga.
" Medyo maaga pa no? " sabay mahina nyang tawa " S-Saan mo gusto pumunta? O baka may gusto kang puntahan natin? " Sandali natigilan si Lira at nilingon sya, napaisip sa tanong nito.
Huminto sila sa lugar kung saan sinuhestiyon ni Lira, ang sikretong batis na pinagdalhan sa kanya ni Martin. Matapos ipark ang sasakyan sa ligtas na lugar ay nagtungo na sila doon, katulad noon tahimik lang sila naglakad patungo sa batis hanggang sa makarating sila.
Sabay silang umupo sa malaking bato, tinanggal ang suot na sapatos at sandalyas saka tinampisaw ang paa sa malamig na tubig. " Gusto mo ba ulit maligo? " Nakangiting tanong ni Lira " Hindi na, baka gabihin tayo, masermunan pa ako ng daddy mo " natatawang sagot ni Martin maging sya ay natawa na din.
" Mukhang mahigpit si Sir Sebastian sayo no? Sabagay kahit ako magiging mahigpit pagdating sayo " Ramdam ni Martin ang pag-iwas ng tingin ni Lira sa kanya, lihim syang nainis sa sarili dahil pakiramdam nya ay ay isa syang ambisyoso at masyado syang mabilis para magtapat sa dalaga.
" A-Ang I-Ibig kong sabihin Ms. Sebas-- este Lira, dahil sa nag-iisa kang anak kaya kahit sino paghihigpitan ka " mautal-utal nyang saad.
Sandaling dumaan ang katahimikan sakanila nang muli magsalita si Lira
" Hindi ako iisang anak " mahinang tugon ni Lira, takang napatingin naman sa kanya si Martin
"Meron akong kapatid si ate Liane, namatay sya noong bata pa dahil sa sakit. Bukod kay ate Liane, ang isa ko pag kapatid ay nakidnap naman noong baby pa kami " nakaramdam ng awa sa kanya ang binata dahil nag-iba ang tono ng pananalita nito, halatang nagpipigil ng emosyon. Naka ilang lunok pa ang dalaga at tumingala sa langit.
"Hindi masaya ang mag-isa Martin, sa kabila nang mag-isa kong natatamasa ang lahat,kaakibat naman nito ang lungkot at sakit dahil araw-araw ko rin nakikita ang pangungulila ng magulang ko sa kanila. Kailanmay hindi ako naging sapat " Hindi na namalayan ni Lira ang pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi. Dahan-dahan ito pinunasan ni Martin na kanyang ikinagulat. Hindi man sabihin ni Lira ang lahat ng kanyang tunay na nararamdaman para kay Martin sapat na ang kanyang nakitang pagpatak ng luha mula sa kanya.
"Kahit kailan hindi ka naging kulang at hindi mo kailangan maging sapat para mahalin ka" halos manlabo ang mata ni Lira ng mapatingin sa mata ni Martin, sa pamamagitan nito ay pakiramdam nya ay parang naiintindihan sya ng binata. Nakahanap sya nang kakampi at nakakaunawa sa lahat ng kanyang tunay na nararamdaman.
"Hindi ko alam kung ambisyoso ako o tanga dahil sa sasabihin ko, pero dibale magmukhang tanga kesa maging duwag. Ayoko pagsisihan araw-araw na hindi ko nasabi sayo na... mahal kita, Lira Sebastian " sandaling tumahimik ang paligid ng dalawa. Kasabay nang pagtatapat ni Martin ang pagbuhos ng ulan, napatingala si Lira kaya ang bawat patak ay dumaloy na rin sa kanyang mukha. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ng dalaga, sinasalo ito na parang isang malaking biyaya.
" Tara na Lira, nababasa ka na ng ulan " yaya sa kanya ni Martin ngunit nginitian lang sya lalo ng dalaga. Tumayo ito at laking gulat ng binata nang hubarin nito ang kanyang t-shirt. Napalunok nang malaki si Martin ng makita nyang nakasuot na lamang ito ng itim na bra, hindi nya rin makuhang mai-iwas ang mata sa maputi at makinis nitong balat.
" Ano pa hinihintay mo, tara na ! " aya sa kanya ni Lira habang papunta sa gitna ng batis. Maging si Martin ay basing-basa na rin dala ng ulan, napangiti si Martin nang makita nyang parang batang nagtatampisaw si Lira kaya maging sya ay naghubad na rin ng pang itaas at tumakbo patungo sa dalaga.
Halos maiyak na sa kakatawa si Lira dahil hindi sya makita ni Martin dahil sa sunod-sunod nyang pagsaboy ng tubig dito, panay din ang langoy nya para hindi sya mahabol. Hindi naman nagpahuli si Martin, binilisan nya ang kanyang lakad papalapit kay Lira hanggang sa maabutan nya ito. Sa kanilang paghaharutan ay hindi na namalayan ni Martin na nakayapos na pala sya kay Lira.
Ang kanilang tawanan ay unti-unting napapawi nang mapatitig sa isat-isa. Kasabay nito ang unti-unting paghina ng patak ng ulan, hanggang sa luminaw ang pagitan sa kanilang dalawa.
Pinagkatitigan ni Martin ang makinis na mukha ni Lira, mabini nyang itong hinahaplos,hindi nya rin maiwasan na pagkatitigan ang mapula nitong labi na pawang wala pang humahalik dito. Hanggang sa magkatitigan na silang dalawa.
Malamig man ang tubig at hangin na bumabalot sa kanilang dalawa, nangingibabaw ang init ng kanilang katawan. Sa paglapit ni Martin ay mas naramdaman ni Lira ang katawan ng binata, ang paghaplos ng kamay nito sa kanyang braso at sa kanyang bewang. Wala nang distansya ang kanilang katawan, kapwa naririnig ang malakas na pintig ng kanilang puso.
Puno ng kaba si Lira, halos maamoy nya ang hininga ng binata at maduling sa sobrang lapit ng kanilang mukha, maging si Martin na hindi malaman kung anong unang titingnan, ngayon nya lang kasi ito nakita nang malapitan ang perpektong mukha ng dalaga.
Dala ng init at bugso ng damdamin, inangkin ni Martin ang labi nito. Sa una'y nanlaki ang mata ni Lira habang ang kanilang labi ay magkalapat. Hindi nya mapaliwanag ang kanyang nararamdaman, hanggang sa ikinilos ni Martin ang kanyang labi.
Sa kanilang posisyon, hindi pumalag ang dalaga, pumikit na rin ito at dinama ang namamagitan sa kanilang dalawa. Niyapos ni Martin si Lira na sya na namang higpit ng pagkakapit sakanya ng dalaga.
Pagbalik nila ng sasakyan sila ay magkahawak kamay, parang mga bata na naglalakad sa kawalan, parehong hindi nagsasalita pero hindi nawawala ang ngiti sa kanilang labi lalo na sa tuwing mapapatingin sila sa isa't-isa.
"Oh my gosh Lira, basing-basa ka " bungad ni Lucy nang makarating sila sa mansion ng Sebastian, napatingin na rin ito kay Martin ng bumaba ito ng sasakyan " Anong ginawa nyo, bakit basang-basa kayo? Nagtampisaw ba kayo sa ulan? " agad na nagkatinginan ang dalawa at ngumiti. Pinanliitan sila ng mata ni Lucy at humalukipkip, magsasalita pa sana ito ng biglang lumabas si Liam. Dali-daling pumasok si Lira at nagpaliwanag kung bakit sila naabutan ng ulan.
Mukhang nakumbinsi naman ito at agad pinagbihis ang dalawa. Tinawag ng kasambahay si Martin upang makapagbihis na rin, ngunit nakakaisang hakbang pa lamang ito nang harangin sya ni Lucy.
" Sinasabi ko sayo, huwag mong haharutin ang kaibigan ko kung lolokohin mo lang. alam ko ang mga titigan na ganyan mapang akit yan " Hindi malaman ni Martin kung matatawa ba sya o kakabahan sa banta nito. Napakamot na lang ito sa batok at pumasok na sa loob.
Pagkatapos maghapunan ay nagpaalam na si Martin sa pamilya Sebastian " Maraming salamat po Sir Liam, Mam Mary " sabay tingin nito kay Lira " Lira "
Nang banggitin ni Martin ang kanyang pangalan may kung anong naramdamang kiliti sa kanyang tiyan si Lira, pigil- pigil din nya na mapangiti at baka mapansin ito ng kanyang magulang. Ngunit hindi ito nakalagpas kay Lucy, pasimple sya nitong sinagi sa bewang habang lihim na tinatago ang kilig. Sakay ng kanyang motor ay umalis na si Martin.
" How's your day iha? Mukhang naturuan ka nang maayos ni Martin " saad ni Liam " Okay naman po dad, masaya po " tugon ni Lira
" Halata namang SOBRANG SAYA mo eh. Kitang kita ko! " pinagdiinan ni Lucy ang kanyang sinabi bilang pangaasar sa kanyang kaibigan, wala naman magawa ito at baka makahalata ang kanyang magulang.
Gabi, habang nag papahinga nakatanggap ng text si Lira mula sa isang unknown number. " Alam ko pagod ka o baka nakatulog ka na, gusto ko lang sabihin sayo na salamat sa pabaon mo sa aking paguwi. Dadalhin ko hanggang sa aking panaginip ang iyong halik. Goodnight Lira "
Hindi malaman ni Lira ang kanyang gagawin dahil sa kanyang nabasa. Gustuhin man nyang magtitili at magtatalon sa kilig ay hindi nya magawa. Para syang teenager na nakatanggap ng text mula sa kanyang crush.
Muli nyang naalala ang paghalik sa kanya ni Martin, kung paano naglapat ang kanilag labi at paano ito inangkin ng binata. Hinawakan ni Lira ang labi at dahan-dahan itong hinaplos, muling dinadama ang kanyang unang halik.
Dahil sa naisip, natigilan sya bigla sa kanyang ginagawa. Ano ba ang tunay na ibig sabihin ng kanyang nararamdaman?
Hindi lang naman ito ang unang beses na may magtapat sa kanya, maraming nagtangka na manligaw pero ni isa sa mga ito ay hindi nya naramdaman ang mag mukhang baliw na napapangiti na lang bigla mag-isa, kahit na ang kaibigang si Lucas ay hindi rin.
Ito na ba ang tinatawag na pag-ibig?
Habang tulala ay muli syang nakatanggap ng text kay Martin " Si martin nga pala to, pasensya ka na hindi agad ako nakapagpakilala. Gusto ko lang sana itanong kung pwede ba tayo lumabas bukas ? " Hindi malaman ni Lira kung ano ang irereply nya, pakiramdam nya rin ay parang kamatis na rin ang kanyang mukha sa sobrang pula. Sa taranta ay pinatay na lang nya ang cellphone at nagtalukbong. Marahil kung nakikita lang ni Lucy ang kanyang reaksyon ay pagtatawanan sya nito.