Chapter 8
Tahimik at nagmamadaling nag-aayos ng gamit si Lira na kanyang dadalhin, iniimpake nya ang mga kanyang ilang damit sa kanyang malaking bagahe. Sinarado nya ito nang maigi at pagkatapos binalingan nya naman ang isang envelope na naglalaman ng mahahalagang bagay. Dito kasi nakalagay ang papel na magpapatunay na tunay nyang kapatid ang babaeng kanyang matagal nang pinapasundan. Matapos kasi ng kanilang paguusap ng kanyang investigator ay hindi sya nagdalawang isip na puntahan agad ang babae kung saan ito nakatira at sabihin mismo sa kanya na sila ay magkapatid.
Sumimsim muna ng tsaa si Lira bago tanggalin ang kanyang suot na sunglasses nang makaupo na sa kanyang harapan ang kanyang investigator. Sa isang tagong lugar na café shop sya nakipagkita rito upang walang makakita o makakilala sa kanya. Muli syang humingi ng kopya ng dna test result upang makasiguro, wala na syang paki alam kahit pa hindi maniwala ang kanyang magulang at upang makumpirma ang lahat, sya na mismo ang pupunta kung nasaan ang kanyang kapatid.
Gusto nya ring sya mismo ang makaalam kung ano ang tunay na nangyari sa nakaraan.
Binalik na niya ang mga papel sa envelope at inayos ang sarili, mag-aalas otso na ng umaga ngunit ang kanyang nirentahan na sasakyan upang maghatid sa kanya sa airport ay wala pa, ilang beses nya dinial ang numero nito, naka ilang ring pa muna ang kabilang linya bago ito sumagot.
" Hello Mam Lira " sagot sa kabilang linya
" Baka ma late po kami ng dating, nasiraan po kasi kami"
" What? Dapat nag a-update kayo, male late na ako sa flight ko " inis na saad ni Lira. Panay naman ang hingi ng pasensya ng mga ito at saka binaba niya ang tawag. Hindi na sya mapakali at baka mapurnada pa ang kanyang lakad, pa roon at parito sya at nagiisip kung paano makaka byahe. Gustong-gusto nyang tawagan si Lucy ngunit ayaw nyang may maka alam na kahit sino, ilang araw kasi syang mawawala at baka agad sunduin ng kanyang magulang.
Napahinto sya sa kanyang paglalakad nang maisip nya kung sino ang maaring makatulong sa kanya, nauunahan man ng hiya ay pinangsantabi na lang nya ito at naglakas loob na humingi ng tulong.
" Good Morning Ms. Sebastian " rinig nya sa kabilang linya.
" Hi good morning... Martin " nahihiya nitong sagot
" Napatawag po kayo?... May problema ba ? "
" No, no " mabilis nyang putol
" Ah, ano kasi.... Pwede humingi ng favor? "
" Oho naman, ano po ba yon?"
Nasa lobby na si Lira habang inaantay makarating si Martin, agad naman pumayag ang binata sa pakiusap ng dalaga na maihatid sya sa airport. Sakto kasi na papunta na ito sa kanyang trabaho at madadaanan ang kanyang lugar kaya mabilis ito nakarating.
Habang naghihintay, napatitig si Lira sa isang motorsiklong huminto sa kanyang harapan, napa nganga sya ng makitang si Martin ang lulan nito nang magtanggal ng kanyang suot na helmet.
" Tara na Ms. Sebastian, baka ma late ka pa sa flight mo " anyaya sa kanya ni Martin.
" Wait.. dyan? " tukoy ni Lira sa motor nito, maging si Martin ay napatitig dito animoy sinisipat kung anong problema sa kanyang sasakyan. Maliit kasi ito at luma ngunit alaga naman sa linis ng binata. Napa ngiwi na lang si Martin at napa kamot sa batok ng makita ang limang bagahe ng dalaga.
" Pasensya na Ms. Sebastian, wala ho kasi akong kotse. Itatawag ko na lang kayo ng taxi --- "
" No, it's okay. Iiwan ko na lang mga ito para maka alis na tayo " tututol pa sana si Martin ngunit naglakad na si Lira pabalik sa loob, agad naman tumulong ang mga empleyado ng condo upang buhatin ang ilang bagahe. Pagbalik ni Lira ay isang bag pack na lang ang dala nito.
" Let's go " yaya niya, bagamat alanganin ay wala syang choice. Nakangiting tumango naman si Martin. Bahagyang napasinghap si Lira nang maingat na isuot sa kanya ang helmet, agad sya napaiwas ng mata nang magtama ang kanilang paningin ni Martin.
" T-Thank you " nahihiya nyang sambit. Hindi pa alam ni Lira kung paanong sakay ang kanyang gagawin, ito kasi ang kanyang unang pagkakataon na sumakay ng motor at ito rin ang unang beses na madidikit sya sa isang lalaki. Maging kasi kay Lucas ay hindi nya ito nagawa, bukod sa naka sasakyan sila ay takot rin sya sumakay ng motor, katulad ng kanyang ina.
" Akin na ang bag mo Ms. Sebastian, susuotin ko dito sa harap para makayakap ka sakin nang maayos " agad na nanlaki ang mata ng dalaga sa kanyang narinig
" Yakap? Y-yayakap ako sayo? " hindi makapaniwala nyang sambit. Bahagya namang natawa ang binata.
" Para makarating tayo agad Ms. Sebastian " nakangiti naman nitong sagot, napalunok na lang ang dalaga at sumunod sa sinabi nito. Pagkaupo niya sa likuran ay nag aalangan pa itong dumikit, ilang Segundo pa bago nya unti-unti ipulupot ang kanyang makinis na sa braso sa katawan ng binata.
" Ayos ka na Ms. Sebastian? " tanging pagtango lamang ang naging sagot nya at pumikit nang mariin na akala moy katapusan na ng buhay nya.
Sa pag harurot ng motor ay impit na napasigaw si Lira at napakapit nang mahigpit sa binata, tama nga na yumakap sya rito at baka malaglag pa sya sa bilis nang pagpapatakbo nito. Hindi na sya naginarte pa kahit mapadikit sa binata.
Ilang saglit lang ay agad din sila nakarating sa airport, kahit na traffic ay nalulusutan nila ito dahil sa galing sa pagsingit ni Martin sa mga sasakyan sa kalsada. Nagmamadaling naglakad papasok sa airport si Lira nagbabakasakali na maabutan pa ang kanyang flight. Agad nya pinakita ang kanyang plane ticket.
" We apologize Mam for the delay due to technical problem " ito agad ang naging bungad na paliwanag sa kanya ng attendant nang makita ang kanyang schedule. Huminahon pa rin ito dahil atleast ay hindi sya na late ng dating.
" So, how long I will wait? "
" Not sure Mam " Napapikit na lang sa inis si Lira at ngayon pa ito nangyari kung kailan sya nagmamadali.
" But we will update as soon as possible " pagkatapos sabihin ng attendant ay umalis na ito, walang gana napaupo sa waiting area si Lira at napahimalos ng kanyang mukha, hindi kasi sya nag private o business trip dahil sa baka madetect sya ng kanyang ama. Hindi na rin nya namalayan ang pagdating ni Martin na tumabi na rin sa kanya.
" Thank you " aniya nang abutan sya nito ng mineral water.
" San po ba ang punta nyo Ms. Sebastian? Mukhang emergency po ata " sabay inom na rin ng tubig ni Martin.
" Personal matter " maikling sagot ng dalaga. Ramdam naman ni Martin na walang gana makipagusap ito kaya hindi na sya muling nagtanong pa. ilang saglit din sila kapwa tahimik, ilang oras din ang kanilang paghihintay at wala pa rin update sa flight nito. Napansin naman ni Lira na hindi umaalis si Martin sa kanyang tabi.
" Ahm, I'm okay here. Thank you anyway " aniya
" Aantayin na lang kita maka alis Ms. Sebastian para masigurado kong safe ka " sabay ngiti ni Martin.
" May pasok ka pa diba? "
" Nagpaalam na ako kay bossing na aabsent ako kasi may importanteng lakad ako ngayon " nakaramdam naman ng konting konsenya si Lira dahil sa kanya ay lumiban pa ito para lang mahatid at masamahan sya.
Sa ilang oras na paghihintay, naisip nyang kumain muna, niyaya nya si Martin at naghanap ng lugar.
" Mukhang mahal ata dyan Ms. Sebastian at mukhang hindi pa masarap " tukoy ni Martin sa isang mamahaling restaurant na nasa loob ng airport.
" It's okay my treat " sagot ni Lira
" Nakakahiya po, ako ang lalaki kaya dapat ako ang manlibre " nagpalinga-linga naman ito sa paghahanap ng ibang makakainan.
" Ayun don tayo sa sisigan, sakto naka unli rice " hindi na tumutol pa si Lira at sumunod na kay Martin na nauna nang maglakad. Napatitig ang dalaga sa kainan, maayos naman ito ngunit malayo sa nakakainan nyang mga restaurant. Hindi na sya tumanggi, kitang kita nya sa mukha ni Martin ang excited na makakain dito.
Nagsimula na sila umorder, sisig at unli rice kay Martin, dahil walang ibang mapili si Lira ay tocilog na lang ang kanyang inorder
" Hulaan ko sisig ang paborito mo " sambit ni Lira
" Tama ka Ms. Sebastian, pano mo nalaman? " hindi makapaniwalang tanong ni Martin
" I don't know, mukha ka kasing excited nung makita mong may sisigan dito sa loob " bahagya naman natawa ang binata
" Hindi naman, actually hindi ko talaga gusto to nung una " sandali natigilan si Lira
" Yung bestfriend ko talaga ang may hilig sa sisig " hindi mapigilan ni Martin na mapangiti, akala mo'y naka alala ng isang bagay na lubos na nagpapaligaya sa kanya.
" Tuwing kumakain kasi ako nito naalala ko sya, pakiramdam ko kasama ko pa rin sya " napahinga nang malalim si Lira sa kanyang narinig. Para bang napaka lalim ng kanilang pinagsamahan base sa bawat ngiti sa labi ng binata ngunit ramdam din ang pangungulila
Gusto sana nyang magtanong tungkol sa taong tinutukoy nito, sakto namang dumating ang kanilang inorder at nagsimula na sila kumain.
"Pasensya ka na Ms. Sebastian ha, nakita mo pa tuloy kung gaano ako kalakas kumain " bahagya namang natawa si Lira sa sinabi nito
" Hindi nga halatang gutom ka, naka ilang balik yung waiter sayo " napakamot naman sa batok si Martin na parang nahihiya.
" Infairness, masarap nga yung sisig "
" Sabi sayo Ms. Sebastian eh, magugustuhan mo yung sisig. Kaya favorite yun ng bestfriend ko "
" Sobrang close nyo siguro no? " tanong ni Lira habang patuloy sila sa paglalakad, tanging pagtango lamang ang naging sagot ni Martin
" Ano bang pangalan ng bestfriend mo? "
" Yung bestfriend ko?.... Bea.... Bea ang pangalan nya " natigilan sa paglalakad si Lira sa sinabi ni Martin, parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa utak nya ang pangalan na binanggit nito, pilit nya iniisip kung saan na nya ito narinig hanggang sa maalala nya ang araw na unang pagkikita nila, ang pangalan na tinawag sa kanya ni Martin.