Chapter 9

1664 Words
Chapter 9 Sa isang hotel na tumuloy si Lira nang makarating sa lugar ng Marinduque, halos ilang oras din ang nilagi nya sa byahe kung kaya't nakaramdam sya ng pagod. Pasalampak syang humiga sa kama at tulalang nakatitig sa kisame. Dapat ay masaya sya at sa wakas ay nakarating na sya sa lugar kung saan nya matatagpuan ang kanyang kapatid, pero simula nang maghiwalay sila ni Martin sa airport ay nagsimula na syang mawalan ng gana. Bagay na hindi pamilyar sa kanya. " Mag-iingat po kayo Ms. Sebastian " paalam ni Martin sa kanya ng tawagin na ang flight number ni Lira. Isang ngiti lamang ang naging sagot ng dalaga at parang umurong ang dila nito upang mahirapan magsalita. Nagsimula na sya maglakad papasok sa loob at hindi na lumingon pa. Kinaumagahan, maaga itong nagising upang mag almusal sa isang cafeteria, dinadama ang malamig na simoy ng hangin dala ng dalampasigan at init ng araw na hindi mainit sa balat. Tahimik din itong nagkakape habang busy sa pagbabasa sa hawak nyang mga papel, pinag aaralan ang bawat detalye tungkol sa babaeng kanyang inaakalang kapatid. Pinili nya mag-isa upang walang sagabal, hindi na rin sya nagpasama sa mga guard o kahit sa investigator at tanging address kung saan nya lamang ito matatagpuan ang kanyang hawak. Pinili na din nya patayin ang kanyang cellphone upang walang istorbo. Ilang minuto lang ang lumipas at muli syang bumalik sa kanyang hotel room at nagsimula na syang gumayak. Suot ang skinny jeans at simpleng white t-shirt ay sinuyod na nya ang lugar ng probinsyang Boac. Itinali ang mahabang buhok sa suot na sombrero at nagsuot ng shade dahil sa dala ng sikat ng araw. Wala rin syang ibang dala kundi ang papel na nagtuturo kung saan nya matatagpuan ang kanyang kapatid. Ito pa lamang ang kanyang unang beses na maglalakbay magisa, sa lugar na malayo sa kabihasnan at wala syang kakilala. Takot man ay para sa kanyang magulang hahanapin nya ang kanyang kapatid na matagal na nyang inaasam na matupad. Nag palinga-linga sya sa kalsadang hindi alam kung saan papunta at paano maguumpisa. " Manong, pwede po magtanong?" aniya sa matandang tricycle driver nang makalapit sya rito. Agad naman tinanggal ng manong ang kanyang suot na sumbrero at napangiti nang mapatingin kay Lira " Ano yon iha? " sagot nito " Alam nyo po ba kung saan ito? " pagkatapos ay pinakita ni Lira ang address kung saan sya patungo. Tumango tango naman ang matanda nang mabasa ito. " Ay oo naman iha, kaya lang ay medyo may kalayuan nga lang mula dito " muling sagot ng matanda " Mag-antay ka dine papuntang sakayan ng Jeep at ibaba ka sa baryo tapos sasakay ka ng habal-habal. Mga ilang kilometro pa ay makakarating ka rin " lihim na napalunok si Lira sa dami ng direksyong sinabi ng matanda, hindi pa sya nakaka alis sa kinatatayuan ay parang nahihilo na sya sa layo nito. Mas mapapadali sana kung nagdala sya ng sasakyan, bagay naman na wala sya at malamang na hindi ito mangyayari dahil paniguradong tututol ang kaniyang magulang. Muli nyang tiningnan ang kalsada, madalang ang mga dumadaan na sasakyan at ang ibang tao ay halos naglalakad. Binalingan nya muli ang matanda, pinagkatitigan at mukha namang mapagkakatiwalaan. " Okay lang po ba na kayo na lang ang maghatid sa akin? " Halos ilang oras nang sakay ng tricycle si Lira, malayo man ang destinasyon na kanyang pupuntahan ay napapayag nya ang matandang driver nito. Sino ba namang hihindi sa kanyang alok kung ang ibabayad nya ay sing halaga ng isang buwang kita nya sa pamamasada. Tanghali na ng makarating si Lira, labis-labis naman ang pasasalamat ng matanda nang matanggap ang sobra-sobrang bayad na binigay nito. Agad nya hinubad ang kanyang suot na shade at pinagmasdan ang tahimik na baryo. Probinsyang- probinsya ang lugar na ito, malayo sa lugar na kanyang kinalakihan. Ang bawat tao ay mukhang sanay sa pamumuhay na meron sila, mababakas sa kanilang mukha ang saya. Nagsimula na sya maglakad at naghanap nang mapagtatanungan. Hindi naman sya nahirapan at agad na tinuro ang bahay. " Sa bandang dulo ineng, makikita mo ang bahay ng pamilya Francisco " hindi pa man nakaka-alis si Lira nang muli magsalita ang kausap. " Pangalawa ka na sa naghahanap sakanila buhat ng lumipat sila ditto, siguro ayaw pa rin makipagusap ng kanilang dalagang apo kaya ikaw na amo na lang ang pumunta " natigilan si Lira sa kanyang narinig, marahil ang tinutukoy nya ang kanyang inutusang investigator. Pero isa ang nagpabilis lalo ng t***k ng puso nya ng marinig nya ang dalagang apo. Mabilis na tinungo ni Lira ang bahay ng pamilyang Francisco, bumungad sa kanya ang isang bahay na gawa sa kawayan. Ang laki nito ay sapat na sa isang pamilya. Napapaligiran din ng mga halaman ang kanilang bakuran. Nagitla si Lira sa malakas na tahol na lumabas na aso, mabuti na lang ay may maliit na gate na nakaharang at hindi sya malapitan. Maya – maya ay may lumabas sa bahay. " Sino yan? " tanong ng isang matandang babae. May kaliitan ito at may hawak na baston sa kamay. Malabo na rin ang mata dahil pilit sya inaaninag nito. " Magandang tanghali po, ako po si Lira " sagot niya, ngunit parang mahina na rin ang pandinig nito. Kaya muli nyang inulit ang kanyang sinabi, medyo nilakasan na nya ang kanyang boses para masiguradong maintindihan na ito ng matanda. " Ako po si Lira, kayo po ba si Cora Francisco? " napangiti si Lira ng tumango ito. Sa kanya namang likuran ay may isang batang lalaki na sumulpot at bahagyang nagtago sa mahabang damit ng matanda. Nginitian ito ni Lira at kinawayan. Napansin nyang may binulong ang matanda sa batang lalaki at tumango-tango. Maya-maya ay patakbong lumapit na ito sakanya. " Ano daw po ang kailangan nyo? " tanong ng paslit. " May hinahanap kasi akong tao, pakisabi kay Lola ang pangalan ko ay Lira. Lira Sebastian. " mabilis na tumakbo pabalik ang bata at agad na sinabi ito sa matanda, nagtaka siya nang biglang magiba ang expression nito. Gulat at mukhang hindi makapaniwala sa narinig. Inalalayan ng bata ang matanda sa paglalakad papalapit sa kanya. " Sebastian? Ang sabi mo ay isa kang Sebastian? " nagtataka man ay tumango si Lira. Nagpa linga-linga ang matanda sa paligid, sinisiguradong walang ibang tao ang nakakita sa kanila, hanggang sa binuksan na nila ang maliit na bakod at pinapasok na sya. Mas namangha si Lira sa kanyang nakita sa loob, mas malinis at mas maaliwalas ito kesa sa labas, meron din itong kumpletong gamit. Para bang nagtungo sya sa isang bahay- bakasyunan. " Thank you " aniya sa bata ng abutan sya nito nang maiinom, ramdam nya ang paninitig nito sa kanya na parang nakita na sya nito noon pa. kaya nginitian nya ito na sya namang iwas ng bata at mabilis na tumabi sa kanyang lola. " Ang sabi mo ay hinahanap mo ang iyong kapatid, tama ba? " basag sa katahimikan ng matanda. " Opo " Mabilis na sagot ni Lira. Napahinga nang malalim ang matanda " Matagal ko na po hinahanap ang kambal ko. Bago pa man po ako magtungo dito, nag imbestiga na ako at nalaman kong kayo ang nakakuha sa kanya " Paliwanag nya pa " Kung gayon, wala dito ang hinahanap mo " pormal na sagot nito, napa kunot noo naman si Lira. " Imposible ho " peke syang natawa. " Marami akong ebidensya na nagpapatunay na kayo ang pinagiwanan noong sanggol pa lamang ang kambal ko " saglit na tumigil si Lira at may kinuha sa kanyang bag, nilabas nya ang isang litrato at hinarap sa matanda. " Sila, kilala nyo sila hindi ba? Ang taong nag nakaw sa kapatid ko. Kilala nyo ang Rage Morris na ito at ang kasama nyang si Rick " kitang kita ni Lira kung paano bumakas ang takot sa mukha ng matanda. Alam nyang kahit papano ay maaaninag o makikilala nito ang mga nasa litrato pero mas nabahala ang matanda ng marinig nya ang mga pangalan nito. " Hi-hindi ko alam ang sinasabi mo, hi-hindi k-ko kilala ang mga t-taong t-tinutukoy mo " halos manginig na at mangaralgal na ang boses ng matanda. Maging ang batang lalaki ay napahaplos sa kanyang lola Nakaramdam ng awa si Lira ngunit desperado na sya mahanap ang kanyang kapatid. " Huwag nyo akong lokohin, kaya kong patunayan sa inyo na kayo ang nakakuha sa kambal ko. Ipakita nyo na sya sa akin kung ayaw nyong magdala pa ako dito ng mg pulis at ng abugado " pinal at lakas loob na saad ni Lira. Mas lalong nabahala ang mag lola sa kanyang sinabi. Ayaw na sana nya umabot sa ganitong pag-uusap pero ito lang ang naisip nyang paraan upang malaman nya ang katotohanan. Tumayo ang matanda habang nakahawak sa tungkod at alalay ng paslit. " Alam ko malayo pa ang binyahe mo, pero hindi na kita muli matatanggap dito sa pamamahay ko. Wala dito ang hinahanap mong kapatid. Makaka alis ka na " natigilan si Lira sa sinabi ng matanda, nagsimula na itong tumalikod paalis sa kanyang harap. " Magkano ba ang kailangan nyo? " napahinto ang matanda sa kanyang paglalakad. " Magkano ang binayad nila sainyo para itago nang ilang taon ang kapatid ko? Dodoblehin ko... o kahit triple pa basta magsabi lang kayo ng totoo " hindi maiwasang mapataas ang boses ni Lira. Para sa kanya ay hindi sya papayag na mapunta sa wala ang kanyang pagpunta rito. " Kung patuloy nyo syang itatago... magkita na lang po tayo sa korte " akmang aalis na si Lira ng marinig nya ang pagtawag ng bata sa matanda. " Lola!!! " mabilis na nilingon ito ni Lira, halos matulala at maestatwa sya ng makitang nakahiga na sa sahig ang matanda habang ang bata ay naka alalay sa ulo nito. Ngunit bago pa man sya makakilos ay isang malakas na boses ang lalong nagpahinto sa kanya. Mula sa boses ng babaeng kanyang matagal na hinahanap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD