Chapter: 19
First date nila Jenn at Ryan, kaya kahit sa simpleng lugar lang ay masaya na si Ryan na kasama si Jenn.
Hindi matanggap nila Julia at Lea ang ginawa ni Jenn na dalhin sila sa iskwater na lugar.
Pero walang alam si Jenn sa plano ng dalawa sa kanya, para sa kanya akala niya totoong kaibigan sina Julia at Lea.
Kaya kahit si Analiza ay hindi na niya pinapansin dahil akala niya hindi totoo kaibigan.
Umuwi na sina Jenn at Ryan kahit simple lang ang date nila ay masaya naman ang dalawa.
Natikman ni Ryan ang kumain sa kalye, Pero dito niya naisip na masarap maging mahirap.
Dahil nakikita niya kay Jenn ang pagiging masaya kahit wala maraming pera ay masaya siya at sama sama sila ng kanilang pamilya.
Hindi katulad niya marami nga silang pera pero, bihira lang niya nakakasama ang kanyang mga magulang.
Parang hindi sapat kay Ryan ang maraming pera gusto niya ng may nag aalaga sa kanya, at kasama niya ang parents niya araw araw.
Dahil simula noong bata pa siya hindi niya nararamdaman na nagkaroon ng buo pamilya.
At ng makauwi sina Jenn sa kanilang bahay ay, masaya ang magulang ni Jenn na hinatid ni Ryan ang kanilang anak.
Pero para kay Alissa hindi pa rin niya makalimutan ang panlalait ng Mommy ni Ryan sa kanila ni Jenn.
Kaya sasabihin sana ni Alissa si Ryan pero, hindi niya nagawa dahil sinabihan ni Jenn na okay na sila ni Ryan at magkaibigan na sila.
At ayaw ni Jenn masira ang pagiging magkaibigan nila.
Kaya hindi na kinausap ni Alissa si Ryan dahil nakinig siya sa kanyang anak na si Jenn.
Hindi maipaliwanag ni Alissa bakit parang may nagbago kay Jenn, sa una ay nag papartime job pa siya pero ngayon puro nalang cellphone ang hawak ni Jenn.
At halos hindi na siya tumutulong sa kanilang tindahan.
Hindi alam ni Alissa kung ano ang nangyayari sa kanyang anak. Dahil simula nang maging kaibigan niya si Ryan nagsimula nagbago ang kanilang anak na si Jenn.
Hayaan muna ni Alissa si Jenn sa lahat ng mali ginagawa niya dahil, gusto muna niya obserbahan ang anak.
Papasok na sana si Jenn ng school, at humingi siya ng baon sa kanyang ina, binigyan na ni Alissa si Jenn ng tulad ng binigay niya kay Jenn na baon niya dati.
Pero, hindi na tulad ng dati si Jenn, ayaw na niya na sa konting pera dahil wala daw mabibili ang ibinigay ni Alissa sa kanya.
Nagtaka na naman ulit si Alissa sa kilos ni Jenn, dahil hindi naman siya ganun dati. Hindi mahalaga sa kanya ang baon basta makapag aral lang siya.
" Jenn, marami na akong napapansin sayo pero ayaw ko lang magsalita dahil akala ko kahit kailan hindi ka magbabago."
Hindi na sumasagot si Jenn,
" Yan ba ang itinuro ng mga bago mong kaibigan? Akala mo hindi ko napansin na iba na ang mga kaibigan muna dinala mo dito."
" Jenn, anak napansin moba ang aarte nila,"
" Nay huwag niyo naman po pagsabihan ng ganyan ang mga kaibigan ko, kahit mahirap lang tayo, nakipag kaibigan din sila sa akin. Bakit kasi mahirap pa tayo.."
" Bakit ka nagagalit Jenn, at bakit mo nasabi yan! Hindi ka naman ganyan dati? Pakiusap Jenn, huwag ka ng sumama sa mga kaibigan mo bad impluwensya sila sayo.".
" Ayaw ko lumaki ka ng ganyan Jenn, hindi ganyan ang pag palaki namin sayo, ayaw ko tularan mo ang masamang ugali ng mga kaibigan mo."
Galit na si Alissa dahil malaki na ang pinagbago ni Jenn simula ng maging kaibigan niya sina Lea at Julia.
Pero para kay Jenn, ayaw ng magulang niya na bigyan siya ng kalayaan na pumili ng maging kaibigan. At para kay Jenn, akala niya ayaw ni Alissa na maging masaya siya.
Kaya umalis si Jenn na galit kay Alissa, hindi gawain ni Alissa na mag walk out kahit nagsasalita pa ang nanay niya.
Naging masama ang ugali ni Jenn at marunong nang lumaban si Jenn, dahil yan ang tinuturo nila ang maging matapang si Jenn kahit nasa maling pamamaraan siya.
Hindi alam ni Alissa kung anong gagawin niya kay Jenn para bumalik sa dati, yon mabait at kuntento sa kung ano man meron siya.
Pumasok sa school si Jenn, nakita niya si Analiza na malungkot at walang kaibigan, naalala ni Jenn yon una sila nagkita ni Analiza.
Gusto sana niya lapitan ng biglang dumating ang dalawa niyang kaibigan.
" Jenn kanina kapa? "
" Kararating ko lang at__"
Hindi naituloy ni Jenn ang kanya sasabihin dahil nadaanan na nila si Analiza, at hindi man lang pinansin ni Analiza.
Namimis na ni Jenn ang dating samahan nila ni Analiza, kahit walang pera hindi sila nag woworry kahit wala silang pera, gumawa sila ng racket para magkapera.
Pero ngayon sina Julia at Lea ang kasama niya nahihiya na siya magtrabaho dahil ayaw niya na makita ng mga kaibigan nila na poor ang kasama nila sa tropa.
" Jenn, napapansin ko kanina kapa tahimik? May problema kaba?" Please tell me, if you have any problems baka makatulong kami sayo?"
Ang sabi ni Lea,
" Nag away kasi kami ng nanay ko kaninang umaga, ayaw niya na sumasama ako sa inyo."
" For what? May nagawa ba kami kasalanan sayo, Jenn totoo kami na kaibigan sayo ayaw lang namin na hindi ka maging masaya kaya, gusto namin ipa enjoy sayo ang buhay ng teenagers."
" Mga parents namin hindi sila nagagalit at gumawa sila ng paraan para mabigyan kami ng magandang buhay, damit at mga kailangan namin sa araw araw."
" Hindi katulad ng nanay mo"! Sorry Jenn, pero ang nanay mo gusto niya hindi mo maranasan ang masayang life ng dalaga. Gusto niya ang Sundin mo ay henerasyon nila na nasa bahay lang at hindi man lang nakatikim ng kalayaan."
Ang sabi ni Julia,
Napaisip si Jenn na baka tama ang sinasabi ng mga kaibigan niya,
" Jenn huwag kang mag alala mag eenjoy tayo, mamaya."
Ang sabi ni Julia,
" Saan tayo pupunta baka lalo ako pagagalitan,"
" Basta mag enjoy kayo kalimutan ang problema, wala naman tayo pasok bukas."
At kumindat si Lea kay Julia, magkasundo ang dalawa sa kanyangñ plano kaya kaagad sumang ayon.
Dahil depress si Jenn sumasama kay Lea at Julia.