Chapter 21:
Hindi pinalampas ni Ryan ang ginawa ng dalawa kay Jenn, kaya pinatawag niya ito at isinumbong sa school faculty.
Humingi ng sorry ang dalawa na halos lumuhod na sa harapan ni Jenn, inamin nila ang totoo kung bakit sila galit kay Jenn.
Dahil naiinggit siya kay Jenn dahil matagal na sila nagpapansin kay Ryan ay hindi man lang sila mapansin nito.
Pero si Jenn na mahirap at baguhan lang sa school ay marami ng pumapansin sa kanya.
Pati si Karl na kaibigan ni Jenn ay nag alala sa nangyari sa kanya dahil ilang araw lang siya nawala pagbalik niya malalaman na lang niya, na muntik ng mamatay si Jenn dahil hindi makahinga sa abandonadong lugar.
Kaya pinagalitan ang dalawa na gumawa ng masama kay Jenn, at pinarusahan sila ng two weeks suspension na hindi muna pwede pumasok sa school.
At pumunta ang mga parents nila at humihingi ng dispensa sa maling nagawa ng anak nilaat pati kay Jenn at sa magulang ni Jenn ay sila na ang humihingi ng paumanhin sa nagawang kasalanan ng kanilang anak.
At kapag hindi magbigay ng argument ang parents ni Jenn matutuloy ang suspension ng dalawa.
Pero dahil mabait si Jenn at halata sa mukha ng dalawa na nagsisisi sa nagawa nilang mali ay pinatawad na ni Jenn.
At naawa din si Jenn sa magulang nila na humihingi din ng paumanhin sa kanya.
At hinihiling ni Jenn na hindi na mauulit ang nangyari ito.
At masaya ang dalawa na sina Lea at Julia dahil hindi sila na suspended sa school, pero hindi pa rin mawawala ang plano nila na paalisin nila sa campus si Jenn.
At bumalik sa normal sina Jenn at Analiza, sila nang dalawa ulit ang magkasama.
Kahit pinatawad na ni Jenn sina Julia at Lea ay, hindi pa rin palalampasin ni Ryan ang ginawa nila kay Jenn.
Kaya kinausap niya ang dalawa,
" Mamaya pagkatapos ng klase natin magkita tayo sa may puno, sa tabi ng campus dalawa kayo may sasabihin ako sa inyo."
Kinakabahan sina Julia at Lea sa sinabi ni Ryan dahil alam nila na pagagalitan sila dahil sa ginawa nila kay Jenn.
Pero matagal pa ang oras ng labasan nila sa school ay may hinihanda ng plano na sasabihin ang dalawa.
Kaya hindi sila nag atubili pumunta kung saan ang lugar na sinabi ni Ryan.
Hinahanap ni Jenn si Ryan dahil, magpapaalam siya dito dahil maaga siya uuwi dahil susunduin siya ng kanyang tatay.
Pero hindi niya makita si Ryan, nagtataka siya dahil ngayon lang niya hindi makita si Ryan, pinuntahan niya si Analiza na dapat ay uuwi na para itanong kung nakita niya si Ryan.
" Analiza, nakita mo ba si Ryan?"
" Kanina kopa hindi napapansin si Ryan Jenn, bakit mo siya hinahanap?"
" Analiza impossible naman na hindi siya nagsasabi na uuwi na siya, pauwe kana ba? Kasi hahanapin ko muna siya baka anjan lang sa mga tabi."
" Jenn, wait! Samahan kita mamaya na ako uuwi,"
Nag aalala ang dalawang kaibigan ni Ryan na baka may nangyari naman sa kanya.
Pero hindi maisip ni Jenn ang ganun dahil kilala niya si Ryan hindi basta basta naiisahan.
Nakita ni Jenn ang dalawang kaibigan ni Jenn, na parang naghihintay sa kanya sa labas ng gate.
" Luis, nakita mo ba si Ryan?"
Ang tanung ni Jenn,
" Ohhh parang may something na sa inyo ng kaibigan ko ahhh!"
Ang sabi ni Ronald,
" Ano ba kayo, ang sasama ng isip niyo kaibigan lang kami ni Ryan, at hindi siya katulad niya. Ano ba nakita niyo ba si Ryan ng makaalis na kami."
Ang naiinis na sabi ni Jenn sa dalawang kaibigan ni Ryan.
" Huwag kayong mag alala nandoon lang si Ryan sa may puno, kinakausap ang dalawang salbahe na mga studyante, alamo Jenn ikaw ang dahilan kung bakit niya ginawa yon, kaya naisip ko ikaw ang nagpapabago ng ugali ni Ryan."
Ang sabi ni Luis,
" Kaya kung ligawan ka niya huwag mong sasaktan dahil minsan na yan nasaktan katulad mo rin kaibigan din niya."
Ang sabi ni Ronald,
Umalis si Jenn at Analiza hindi na niya pinatapos ang sinasabi ni Ronald, dahil nag aalala si Jenn na kung ano ang gawin ni Ryan sa dalawa.
Eh! Tapos narin ang isyu sa kanila ni Julia at Lea.
"Besh narinig mo sinabi ng mga kaibigan ni Ryan, besh bakit parang ako na ang kinikilig!"
At ngumiti si Analiza kay Jenn,
" Isa kapa besh, kasama kana rin ng dalawang mapang asar na iyon."
Hindi pinansin ni Jenn ang lahat ng sinabi nila, at si Ryan ang gusto niya makita.
" Pare, ang Suplada ni Jenn, nakita mo hindi man lang sinagot mga sinabi mo? Pero maganda talaga si Jenn kahit simple lang siya manamit. Ka magugustuhan ng kaibigan natin."
Ang sabi ni Ronald.
Malayo palang si Jenn ay nakita na niya sina Lea at Julia na kausap si Ryan, parang may pinapagawa si Ryan na hindi nila kayang gawin.
" Ryan, ano ginagawa mo?"
" Jenn mabuti at nandito ka pinapatamaan ko sa kanila ang ilong nila at gusto ko nga iparamdam sa kanila na ikulong sila sa room, tulad ng ginawa nila sa iyo."
" Pero kapag inulit nila ikulong ko sila ng hindi palalabasin ng tatlong araw, tignan natin kung kaya nila at mabuhay sila."
Ang galit na sabi ni Ryan, umiiyak ang dalawa sina Julia at Lea. Humihingi ng sorry at hindi na nila uulitin.
" Ryan please, tama na? At salamat sa pagtatanggol mo sa akin, pero Ryan huwag kang gagawa ng mali, bahala na ang panginoon na maningil sa kanila. At kung sincere sila sa Paghingi nila ng tawad,
" Patawarin natin, dahil ang panginoon nga nagpapatawad tayo pa kaya na tao lang at ginawa lang niya."
At hinawakan ni Jenn ang kamay ni Ryan habang nagsasalita.
At pinabayaan na ni Ryan sina Julia at Lea, dahil nakinig siya sa lahat ng mga sinabi ni Jenn.
Dahil alam niya na tama ang lahat ng sinabi ni Jenn.
At umalis na sila, kanina pa naghihintay ang tatay nila Analiza at Jenn, balak sana ihatid ni Ryan si Jenn pero nakita niya ang tatay niya sa labas na naghihintay sa kanya.
Nagpaalam na si Jenn sa mga kaibigan niya at umuwi na silang lahat.
" Anak bakit kayo lang ang naiwan sa paaralan?"
" Tay, kasi__"
Hindi naituloy ni Jenn ang sasabihin niya dahil ayaw niya mag alala ang kanyang tatay.
" Ano yon anak?"
" Tay, kasi may pinagawa sa amin ang teacher namin kaya nahuli kami sa pag uwi."
Para kay Jenn, masarap sa pakiramdam na may taong nagtatanggol sa kanya kahit wala silang relasyon ni Ryan, ay nararamdaman niya ang pag iingat niya dito.