ANDREI POV Dalawang araw na kami dito sa resthouse at ngayon ay nasa swimming pool kaming lahat. Kaming mga lalake na naka shorts lang, si Tiffany na naka two piece, si Zea na nakasando at short and ang girlfriend ko naman na nakapajama at sweatshirt. ‘’Andrei! Bakit naman ito ang pinasuot mo!?’’ naiinis na sabi ng girlfriend ko dahil pinagtatawanan siya ng mga kasama namin. ‘’Babe, mas okay na iyan kaysa naman sa mangitim ka,’’ sabi ko. ‘’Malamang mangingitim ako! Mag si-swimming nga eh,'’ sabi n'ya at pumapadyak ka. Hindi ba n'ya na appreciate ang effort ko at pinagdala ko siya ng pajama at sweatshirt? ‘’Eh, ano ang gusto mo? Iyong suot mo kanina na kagaya nang suot ni Tiffany?’’ sabi ko at napakamot na lang siya ng ulo. Sinubukan n'ya kasi niya magtwo piece kanina at pinagalit

