ANDREI POV Paalis na ako ng bahay para pumasok nang tawagin ako ni Mom. ‘’Andrei!’’ tawag n'ya at napalingon naman ako. ‘’Yes, Mom?’’ tanong ko at napansin ko na palinga-linga siya habang may tinatago sa likod. ‘’Mom?’’ tawag ko. ‘’A-Andrei,’’ tawag n'ya sabay labas ng isang sobre. ‘’Yes?’’ ‘’A-Alam mo naman iyong tinutuluyan ni Tres, hindi ba?’’ tanong n'ya at tumango ako. ‘’G-Gusto ko sanang ibigay mo ito sa kapatid mo," sabi ni Mom. Inabot ko naman ang ibinigay n'ya at tinignan ang nasa loob. Isang cheke. ‘’Mom?” pagtatanong ko. ‘’H-Hindi ko matitiis ang kapatid mo Andrei, kaya naman hayaan mong gamitin nila ang perang iyan. Huwag mo sanang ipaalam sa Daddy mo at sanan din ay hindi malaman ni Zea at Tres na sa akin galing iyan,’’ sabi ni Mom at napatango naman ako bago ngumi

