Chapter 6

1059 Words
ANDREI POV Inis na inis na ako kanina pa dahil nagwawalis akong mag isa dito sa oval habang tirik na tirik ang araw! "Bwiset ka talaga, Principal K. Makakaganti din ako sa'yong matanda ka!'' naiinis sabi ko habang winawalis ang mga dahon-dahon dito. ''Andrei, tulungan ka na namin!'' sabi ng isang babae na nakalimutan ko na ang pangalan basta isa siya sa mga tumulong sa akin noon. ''It's okay, sweetcake. I can do this!'' sabay ngiti ko sa kaniya. D*mn it! I can do this? F*ck those words! Halos mamatay na ako sa sobrang init at pagod. Tang*na talaga! Binilisan ko ang pagwawalis ko sa oval at sa sobrang laki nito ay imposibleng matapos ko ito ng dalawang linggo! Alas-kwatro na at tapos na rin ang oras nang paglilinis ko rito sa oval. Dali-dali akong tumakbo papunta sa ABM building at hinanap kaagad ang babaeng iyon pero hindi ko siya nakita! Ang sabi ng mga kaklase niya ay maaga raw umuwi. Sh*t! Naisahan na naman ako! Pagod na pagod kong tinungo ang parking lot at nandoon na ang driver ko. "Daretso bahay po ba tayo, Sir Andrei?" tanong ng driver. "Yes please, I am so d*mn tired!" sabi ko at napapikit. Pagkahatid sa akin sa bahay ay nag daretso ako papasok saka ko nakita si Mom na nagse-cellphone. "How's the oval Andrei?" nang aasar na tanong sa akin ni Mom pagkakita nito sa akin. "Mom please, not now!'' sabi ko at pagod na umupo sa sofa. "What happened, Andrei?" excited na tanong sa akin ni Mom pagkalapit nito sa akin. "Huh? What happened saan?'' nagtatakang tanong ko. "Hmm, sa'yo? May nakilala ka ba? May inaway ka na naman ba o ano? Tell me!" excited at nakangiting sabi niya. Pumikit ako bago isinandal ang ulo kosa couch bago sumagot. "I met a girl."  "Really? Is she pretty?" tanong ni Mom sa akin. Sa sinabing iyon ni Mom ay biglang nag flash sa paningin ko ang mukha ng babaeng iyon bago tumango-tango. "Yeah, very pretty," sagot ko. "What's her name?" pagtatanong pa ni Mom na para bang interesadong interesado siya kay Princess A kaya nagmulat muli ako ng mga mata. "I don't know, Mom. She never said her name,'' sabi ko at tumango naman siya. "But Mom, the weird thing is she seems very familiar. I think I already met her before?'' hindi siguradong sabi ko at halata ko namang nagpipigil ng kaniyang ngiti ang Nanay ko. ''Maybe its just your imagination, sweety,'' nakangiting sabi niya bago ako iniwan doon. Wala si Dad dito sa bahay kaya naman si Mom lang ang nandito. Pumunta ako sa kwarto ko at nakita ko doon si Zea Kylie na nakadapa habang kinikilig na nakatingin sa phone niya. ''What are you doing, Zea?" tanong ko sa kapatid ko. Gulat naman siyang napatingin sa akin at tinago ang phone niya. "N-Nothing, Kuya," kinakabahang sagot nito sa akin. ''You sure? Baka naman pinagpapantasyahan mo na naman si Tres?'' nakangising sabi ko at lalong namula ang mukha niya. ''Kuya!'' naiinis na sigaw niya at napatawa naman ako. Kumuha ako ng damit at lumabas bago naligo at bumalik sa kwatro. ''Kuya?'' tawag sa akin ni Zea ng makahiga na ako sa kama ko at katabi siya. ''A-About K-Kuya Tres, do you think, he already have a g-girlfriend?" pautal-utal tanong niya sa akin. ''Walang girlfriend si Tres at huwag ka ng umasa dahil mas matanda iyon sa'yo nang ilang taon,'' seryosong sabi ko. ''But Kuya! Age doesn't matter when it comes to love.'' ''But for me it does,'' sabi ko. ''Eh paano kung may makilala ka na girl na mas matanda sa'yo nang more than 2 years tapos nagkagusto ka. Ano ang gagawin mo?'' ''What's with the sudden question, Zea?'' nakakunot ang noo na tanong ko. "Just answer me, Kuya!'' nagpupumilit na sabi niya. Tumingin ako sa kisame bago sumagot. ''That would never happen and if its will, I will never hesitate to breakup with her,'' walang pakundangan na sagot ko at napanguso naman siya. ''Kahit naman siguro Kuya na wala kang mahanap hindi ka makakapag asawa, playboy ka kasi1'' sabi niya at napatawa naman ako. ''Eh ikaw nga, ang bata bata mo pa pero gurang na lalake pa ang pangarap mo,'' sabi ko sa kaniya at binato nya ako ng unan. ''Mom, Kuya is bullying me!'' malakas na sigaw ni Zea. ''Andrei Fvcker!'' sigaw ni Mom mula sa labas at hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kapatid ko na nakangisi na sa akin ngayon. "What the— me again!?" ASTRID POV Nakahiga ako ngayon dito sa kama ng kuwarto ko at kausap ko ngayon si Ate sa telepono. ''Hindi ka pa rin nagpapakilala kay Andrei?" ''Hindi pa, Ate'' natatawang sagot ko. ''Why naman, Astrid?'' tanong niya. Bakit nga ba? ''Kasi Ate, gusto ko na siya mismo ang makahula kung sino ako,'' sagot ko at saka ako tumawa. ''Naku! Baka magalit ang baby Andrei ko,'' natatawang sabi niya. ''Ate, kung magagalit si Andrei ng dahil lang doon, napakababaw naman.'' ''Kung sabagay. Sige na, Astrid. Goodnight. Nandito na kasi ang malandi kong asawa,'' sabi niya bago tuluyang ibaba ang tawag.  Kinuha ko ang cellphone ko at nag open sandali ng aking social media account. Una kong tinignan ang notifications ko at puro walang kwenta lang ang mga nakita ko. Sunod naman ang mga messages galing sa mga friends ko from states, nangangamusta sila and lastly is friend request. Nag scroll down ako at in accept ang mga kakilala ko lang hanggang sa nahinto ang pag scroll ko sa isang pangalan. "Zea Kylie Fvcker'' Kaagad ko namang in-accept at tinignan ang timeline niya. Mayroon doong pictures niya kung saan kasama sina Ate, Kuya Uno at siyempre si Andrei. Tinignan ko ang iba pang mga pictures niya doon at napansin ko sa isang picture kung saan naka tag si Andrei, pinindot ko ang name ni Andrei at tinignan ang mga pictures niya. Tinignan ko rin ang mga friends niya at halos lahat ng mga iyon ay puro babae. Playboy talaga, grabe! Tinignan ko ang pinaka luma niyang post at natigil ako sa isang picture. Isa itong picture naming dalawa noong mga bata pa kami na may caption na ''I miss this girl!'' Napangiti naman ako sa nabasa ko. I miss you too, Andrei. At saka ako nagpasya na mag log out na at matulog tutal tapos na naman ako sa mga assignments ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD