ANDREI POV
Umaga na at pagkakataon nga naman, sabay-sabay pa kami nina Ren at Tres ngayon. Nagbatian naman kaming tatlo at sabay-sabay na naglakad. Pagpasok namin sa gate ay naka-abang na ang mga babae sa amin. Napangisi naman ako dahil sa aming tatlo, ako ang may pinakamahilig sa mga babae, si Ren naman ang good boy at si Tres naman ang joker ng tropa.
“What a sweet welcome of my Princesses,’’ nakangiting sabi ko habang binabagtas namin ang papunta sa department namin. HRM department.
‘’Look, all of them are walking together!’’
“Right, bihira na lang kasi sila magkasabay sabay, hindi ba?’’
‘’Kaya ang swerte natin at nakita natin silang sabay-sabay ngayon pumasok.’’ Bulungan ng mga babae sa paligid.
‘’Good morning boys!’’ bati ni Tiffany na bigla na lang bumungad sa amin. Sa katunayan ay maganda talaga si Tiffany, sexy rin siya at isa siya sa mga pinagkakaguluhan ng mga lalaki rito pero sorry na lang ang mga lalaki dahil sa akin nagpapakabaliw ang kinababaliwan nila.
“Hi, Tiff!” sabay-sabay na bati namin sa kaniya. Lumapit naman ako kay Tiffany bago siya hinalikan sa pisngi
‘’Good morning, milady,’’ wika ko saka ako kumindat sa kaniya at napatawa naman ito.
‘’Good morning too, Drei,’’ nakangiting pagbati niya. Wow, improving na siya. Hindi na siya nauutal kagaya dati kapag kausap ako..
“Look, it’s Tiffany!’’
‘’Yeah, kung ayaw niyong pagkumparahin kayo ni Tiffany, lumayo kayo sa kaniya.’’
“Ngayong nandito na si Tiff wala na tayong pag-asang mapansin nina Andrei.’’
‘’Katawan pa lang ni Tiffany talo na ako.’’ Bulungan na naman sa paligid. Nagsialisan naman ang mga babae at nagpaalam na din sina Tres na mauuna na raw sila. Grabe, mga takot talaga sa atensyon.
‘’So, Andrei. Are you free tonight?” tanong niya.
‘’I’m sorry, Tiff. Binatang Pilipino ako at conservative din ako. Ligawan mo muna ako bago mo makuha ito,’’ sabay turo ko sa katawan ko.
‘’Silly Andrei, I just wanted to take you out. Maybe a date?”
‘’ Of—‘’ pero panandaliang natigil ako nang dumaan sa gilid ko ang pamilyar na amoy na iyon at tama nga ako. "Sure, Tifanny. Let go out for a date later,’’ sinadya kong lakasan ang pagkakasabi ko para makita kung bigla bang mapapatigil iyong babaeng iyon pero nag dare-daretso lang siya nang lakad.
"Okay, see you later Andrei,’’ natutuwang sabi ni Tiff at hinalikan muna ako sa cheeks bago umalis.
Tutal hindi ko naman alam ang pangalan niya, tatawagin ko na lang siyang Taiga tutal parang magkaugali naman ang dalawang iyon. Parehong ilag sa mga gwapo. Naglakad na ako papunta sa janitor’s room at kinuha ang walis na gagamitin ko para magwalis sa oval. Pambihira talaga oh! Naglakad ako papunta ng oval dala-dala ang walis tingting at napatingin naman ako sa araw.
‘’Napakainit!’’ sabi ko sa sarili ko.
‘’Seems like, you are doing your punishment now, Mr. Fvcker.’’ Lumingon ako sa gilid ko at doon ko nakita ang mangkukulam na nagpapahirap sa akin..
‘’Yeah right,’’ bored kong sabi sa kaniya.
‘’Pagbutihan mo ang trabaho mo, Mr. Fvcker. Malay mo magbago ang isip ko at bigla ko na lang sabihin na tapos na ang punishment mo,’’ sabi nya at nilagpasan ako. Natuwa naman ako sa sinabi niya kaya nilapitan ko siya dala-dala ang walis ko.
‘’Really Principal K?’’ nakangiting tanong ko.
‘’Iyon ay kung masa-satisfied ako sa paglilinis mo. It’s all depends on you Mr. Fvcker,’’ sabi niya at iniwan na ako ro'n. Kapag pinagbuti ko ang paglilinis, baka matuwa sa akin si Principal at patigilin na niya ang parusa ko.
‘’Awesome!’’ natutuwang sabi ko bago excited na magwalis kahit na mainit.
ASTRID POV
Nandito ako ngayon sa may cafeteria nang may kumalabit sa akin kaya napatingin ako rito.
‘’Hi!’’ nakangiting pagbati niya.
‘’Ikaw pala Ben,’’ bored kong sabi. Napataas naman ang kilay ko ng nag pout siya. Problema nito?
‘’It’s Ren, Princess A. Ren."
‘’Kaya nga. Ano ba ang sinabi ko?’’ nakataas ang kilay na tanong ko kahit na alam kong nagkamali ako.
‘’Sabi mo Ben,’’ nakangusong wika nito.
‘’Bingi ka lang talaga,’’ sabi ko at tumalikod na bago naghanap ng table. Nang makahanap na ako ng table ay iniwan ko na si Ben doon sa kinatatayuan namin kanina. Abala ako sa pagkain ng magsigawan na naman ang mga tao rito. Nandito na ang playboy.
‘’Ohmygosh!’’
‘'Ang hot mo sweetheart!’’
‘’Wet look, shocks!’’ Sigawan nila. Hindi na ako nag-abala pang tumingin pero nabastos ako nang bigla siyang umupo nang walang paalam.
‘’Don’t you know the word manners?’’ sarkastikong tanong ko.
‘’Of course I know,’’ nakangiting sabi niya.
‘’Then please kahit minsan, paki-apply naman sa sarili mo.’’ Umayos ito nang upo at pinatong ang mga siko niya sa table bago pinatong ang mga palad niya sa mukha niya
‘’Alam mo, maganda ka sana ang kaso masungit ka,’’ sabi nito sa akin.
‘’Wala akong pakialam sa sinasabi mo Mr. Fvcker.’’
‘’Alam mo Bagay sana tayo,’’ sabi niya at napatingin naman ako sa kaniya.
‘’Pwede ba? Tigilan mo nga ako sa mga kahibangan mo, kung sa tingin mo bagay tayo, pwes, mali ka dahil tao ako,’’ masungit na sabi ko sa kaniya at sumimangot naman siya.
‘’Bakit ba ang rude mo sa aking babae ka?’’
‘’Bakit ba ang tanong mo? Babae ka ba?’’ asar ko sa kaniya na ikinagulat niya.
‘’A-Ako? B-babae?’’ gulat na sabi niya sabay turo sa sarili niya.
'’Yah, para ka ngang babae,’’ walang ganang sabi ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya naman napaatras ako.
‘’Hindi ako babae, gusto mo patunayan ko?’’ tanong niya habang nakatingin ng daretso sa mata ko. Tinulak ko naman ang mukha niya at nagmadaling tumayo.
‘’No thanks, sa iba na lang,’’ sabi ko bago umalis ng cafeteria. Hindi ako gano'n ka-ignorante para hindi malaman ang tinutukoy niya. Kahit hindi pa ako tapos kumain ay napilitan tuloy akong umalis.
Punyeta ka talaga, Andrei!