ANDREI POV Nang marinig ko ang sigaw na iyon ay dali-dali akong humiwalay kay Tiffany at nakangangang tumingin kay Princess A. ‘’P-Princess A,’’ kinakabahang tawag ko nang dahan-dahan siyang lumakad palapit sa amin kaya naman napapikit na lamang ako at hinihintay na masampal n'ya pero… ‘’Are you okay, Ben?’’ A-Ano? Minulat ko ang mata ko at nakita ko na nakaupo siya sa sahig habang hawak-hawak ang mukha ni Ren. What the— ‘’A-Ayos lang ako,’’ sabi ni Ren habang hindi makatingin kay Princess A. T-Tama ba ang nakita ko na nagba-blush si Ren!? Nakita ko na tumingin si Princess A kay Tres kaya naman gulat na napatingin din si Tres sa kaniya. ‘’Noong sinapak mo si Ben, nasolusyunan ba ang prolema mo? Nawala ba ang galit mo?’’ walang halos ekspresyon na sabi ni Princess A kumbaga na

