ANDREI POV Umaga na at ngayon na magsisimula ang palaro ng school at ang lahat nang tao ay nasa oval. Bawat estudyante ay may suot sa ulo na bandana at nakabase sa color ng bandana na iyon kung anong team sila nabibilang. Red ang suot ko meaning team red ako, sina Ren naman ay blue, si Tres ay yellow. Hinanap ng mata ko si Princess A at nakita ko na color white iyong sa kaniya. Sayang! ''Good morning and welxome to the opening of Fvcker University Sports Contest!'' malakas at puno nang energy na sabi ng Emcee at nagsigawan naman ang mga estudyante. ''Today, for our first game, we will call this Snatch It! Ang bawat kalahok na kasali ay dapat na makuha ang bandanang suot ng kaniyang kalaban. Kung sino man ang may pinakamaraming makukuha na bandana ay unang puntos kaagas para sa kaniyang

