ANDREI POV
Nandito ako ngayon sa Principal’s office at kanina pa ako sinisigawan ng Principal.
“Mr. Fvcker, are you listening?”
“Yes Ma’am,” sagot ko.
“Pang ilan na ito Mr. Fvcker? Hindi por que anak ka nang may-ari ng school na ito ay puwede mong gawin ang mga gusto mo.” sermon niya sa akin.
“But Ms. K, hindi ko naman po kasalanan eh, hindi ba girls?” nagpapa awang sabi ko. Sasagot na sana sila ng magsalita na naman si Ms. K. Ang Principal.
“Mr. Fvcker, isa pa iyan sa mga problema ko sa’yo! Masyado kang ano sa mga babae.”
“What?”
“Mr. Fvcker, sa tuwing nagkikita tayo dito sa office ko ay iisa lang lagi ang kaso mo. Lagi ka nalang involve sa away ng mga babae rito! Lagi na lang involve ang pangalan mo. I’m sorry to say this pero tinawagan ko na ang parents mo and anytime ay papunta na sila rito.” W-what?
“But Miss K!” angal ko ng mapatigil ako dahil sa boses na iyon.
“Andrei Fvcker!” Oh God! Kinakabahan akong lumingon sa likod ko at tama nga ako. Nandito na ang dragon!
“M-Mom?”
Kitang kita ko ang galit sa mukha ni Mom samantalang nasa likod naman niya si Dad na halata mong walang palag sa boksingerang Nanay ko. Bakit ba kasi under ka, Dad? Understanding? Dahan-dahang lumapit sa akin si Mom at ako naman ay natatakot na humahakbang paatras.
“M-mom! Please. A-Aray!” sigaw ko nang pingutin niya ang tainga ko.
“Hindi ka na talaga nagbago na bata ka. Kahit bata ka pa napakalandi mo na sa mga babae. Hindi ko aakalain na hanggang ngayon na nasa college ka na ay ganiyan ka pa rin. My Goodness, Andrei!”
“Mom, I’m sorry. Please, I’m sorry,” naiiyak na sigaw ko dahil sobrang sakit na ng tenga ko.
“No, Andrei. Matagal ko nang nababalitaan na nilalandi mo ang mga babae dito and I can’t believe it na totoo pala.”
“M-mom. D-don’t tell me?”
“Dapa!” Sa sobrang takot ko sa nanay ko ay kaagad akong dumapa sa sahig at heto na nga.
“Aray!” sigaw ko nang sinimulan na niya akong hatawin sa puwet.
Daing lang ako nang daing habang hataw naman nang hataw si Mom sa puwet ko. Pagkatapos niya akong hatawin sa puwet ko nang sampung beses ay nakita ko na nagulat sina Ms. K, Tiffany at Melody samantalang napa face palm na lamang si Dad sa kahihiyan na ginawa ni Mom. Buti na lang at wala rito sina Ren at Tres dahil kung nagkataon ay panigurado na tatawanan ako ng mga iyon.
“Pinapasakit mo ang ulo ko, Andrei. Ikaw talaga!” at napa pikit naman ako habang pinoproteksyunan ang ulo ko nang balak akong batukan ng Nanay ko. Napalingon si Mom kina Tiffany at Melody na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa kanilang nasaksihan.
“Oh, hello there pumpkins,” pagbati niya sa dalawa.
“H-Hello po, Tita.”
“Habang tumatagal lalo kayong gumaganda.” At ikaw naman Mom, habang tumatagal lalong nagiging sadista!
“Tiffany and Melody. You can go back to your rooms.” Sabi ni Principal K at nagpaalam naman ang dalawa.
“How about me, Principal K?”
“This is an issue about you Mr. Fvcker kaya naman kailangan nandito ka.” Sabi ni Principal K kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang umupo habang kaharap ko naman sina Mom and Dad.
“Mr. and Mrs. Fvcker, this is not the first time na, na-office ang anak niyo. Sa katunayan nga niyan ay lagi siyang nandito sa office ko dahil lang sa iisang rason. At iyon ay dahil sa lagi siyang pinag-aawayan ng mga babaeng nilalandi niya dito sa school.”
“Guwapo e.,” bored kong sabi at sinamaan naman ako ng tingin ni Mom samantalang nakipag high five naman si Dad.
“Zyril Ace!” pagbabanta ni Mom.
“Sorry, Wife.”
“Principal K. Sorry po talaga sa kalandian ng anak ko. Alam ko naman po na malandi talaga iyang si Andrei kagaya ng asawa ko pero---”
“Wife?”
“Tumahimik ka Zyril Ace kung ayaw mong pagbuhulin ko kayo nang secretary mong p*kp*k!” Again, gulat na napatingin sa mga magulang ko si Principal K habang ako naman ay halos itago na ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Ano bang kasalanan ko at ganito ang parents na mayroon ako?
“Wife,” tawag ng Ama ko. “Wala nga kaming relasyon ni Love!”
“Tignan mo na!” malakas na wika ni Mom. “May tawagan pa kayo! P*nyeta ka talaga Zyril Ace!” Sabay hampas nito.
“W-Wife, hindi namin tawagan iyon,” sagot naman ni Dad habang sinasangga ang mga hampas ni Mom.
“So ano’ng tawagan niyo? Honey? Sweetypie? Cutiepie? Buko pie? O baka naman ensaymada? K*ngina ka talaga, Fvcker!” Nanggagalaiting sigaw ni Mom.
“P-pero, Wife. Love t-talaga ang pangalan ng secretary ko.”
“Tantanan mo ako sa mga kasinungalingan mo, Zyril Ace. Sasaksakin kita ng ballpen!” sabay tutok ni Mom ng ballpen kay Dad na ngayon ay nakataas na pareho ang mga kamay.
“Mr. and Mrs. Fvcker?” pigil ni Principal.
“I am sorry Principal K. Nalaman niyo pa tuloy ang kalandian ng Mister ko at nang secretary niya. About naman sa kaso ng anak ko, wala namang problema sa akin kung parurusahan niyo siya”
“Mom?!” Sabay tayo ko at napatingin naman sa akin si Mom.
“Umupo ka, Andrei at baka maupakan kita.” Kakamot-kamot ako ng ulo bago umupo. Bakit ba kasi nagmana ako ako kay Dad na under eh. Understanding!
“Oo naman po Mrs. Fvcker,” tila nanalong sambit ni Principal K. “And sa issue ni Andrei, paparusahan ko siya ng 1 week cleaning ng buong oval” W-What?
“But Principal K?” gulat na sambit ko at tumayo “Hindi niyo magagawa sa akin iyan. I am Andrei Fvcker. The only son of Zyril Ace Fvcker who is the owner of this school!”
“Yes,” tugon ni Principal K at pinagsiklop ang kaniyang mg kamay sa ibabaw ng table. “You are Andrei Fvcker. The son of Zyril Ace Fvcker who is the owner of this school but I believe that you are not a deaf. Mommy mo na mismo ang nagsabi na puwede kitang parusahan dahil sa ginawa mong panglalandi sa mga babae kaya sila nag-aaway at sumusunod lamang ako sa patakaran ng school na ito. Kung hindi mo natatandaan, Andrei, pumirma ka ng kasulatan na nagsasabi na dito sa school, hindi ka igagalang ng mga guro mo dahil lang sa anak ka ng may ari ng school na ito.” Sa narinig kong iyon ay kaagad akong lumingon sa aking Ama.
“Dad, please?” pagmamakaawa ko.
“Subukan mo ako Zyril Ace.” Seryosong sabi naman ni Mom. Oh come on! Wala na ba talagang kakampi sa akin?
“A-Andrei, y-your mom is right.” Pigil hiningang sabi ni Dad. Nakita ko na napangisi naman si Mom sa sinabing iyon ni Dad kaya naman nawalan na ako ng pag-asa.
“See?” nakangising wika ni Mom sa akin. “Kaya Goodluck na lang sa pagiging janitor mo ng one week Mr. Andrei Fvcker, the son of this malanding Zyril Ace Fvcker.” sabay tayo at lumabas bago naman sumunod si Dad sa kaniya. I can’t f*cking believe this!