ANDREI POV
Nakasimangot akong lumabas ng Principal’s office at ngayon ay naglalakad ako sa hallway nang mapatigil ako dahil may narinig akong usapan ng dalawang lalake na tumatakbong dumaan sa harap ko.
“Grabe, Pare. Nabalitaan mo ba na nasa Principal’s Office si Andrei?”
“Wala nang bago, Pare. Hindi na ako magugulat.” Tapos ay nagtawanan sila bago tuluyang makaalis sa paningin ko.
“Oh, shut up!” Sigaw ko habang nakapamulsa ang dalawa kong mga kamay.
“Andrei? Nabalitaan namin na pinarusahan ka.”
“Tutulungan ka namin, Andrei.” Naiinis akong lumingon sa likuran ko kung saan may mga nakahilerang mga babae.
“Get lost!” Sigaw ko at nagsitakbuhan naman sila. Napahawak na lamang ako sa noo ko dahil sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Sinabihan ako ni Principal K na bukas na raw magsisimula ang parusa ko. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. Habang naglalakad ako pabalik ng room ay may biglang tumapik sa balikat ko at nakita kong sina Ren at Tres pala iyon.
“Andrei, ang ganda pala ng Mom mo. Ang kaso mukhang nakakatakot.” Sabi sa akin ni Tres.
“Oo nga ‘tol. Ang hot din ng Nanay mo ang kaso bakit parang galit yata kanina?”
“Pinatawag ni Principal K ang mga magulang ko dahil sa kaso ko.”
“You mean, dahil sa away nina Tiffany and Melody?” tanong ni Ren at tumango naman ako. Pumasok na kaming tatlo sa room namin bago naupo sa pinaka dulong upuan. Napaub-ob na lamang ako sa tuwing naaalala ko na magiging janitor ako bukas!
“Ren! Tres!” nagagalak na tawag ko nang nakaisip ako ng isang napakagandang ideya. “Mga kaibigan ko naman kayo diba?”
“We’re sorry Andrei, hindi ka namin matutulungan.” Sabay na sabi nila.
“What? Why?”
“Nabalitaan namin na whole day daw ang paglilinis mo sa oval and alam mo naman na may klase tayo.” Sabi nila kaya naman lalo akong nawalan ng pag-asa. Oh d*mn it! Give me a break!
ASTRID POV
Excited akong gumising ng maaga dahil ngayon na ang first day of school ko. Kaagad akong naligo, kumain at nagbihis. Nag-ayos ako ng sarili ko bago humarap sa salamin at ngumiti. Excited na ako sa unang araw ng pasok ko and at the same time kinakabahan. Nakuha ko na kahapon ang registration form ko at alam ko na ang room at schedule ko.
Pagkahanda ko na sa lahat ng gamit ko ay agad akong lumabas ng condo bago ako sumakay ng elevator pababa at pumara ng taxi. Makailang minuto ay naihatid na ako ni Manong sa Fvcker University at nagbayad ako bago bumaba. Pagkababa ko palang ng taxi ay ramdam ko na ang titig nang mga estudyante sa akin lalo nang mga lalaki. Na-conscious naman ako sa itsura ko dahil baka hindi bagay sa akin ang uniform or what. Naglakad ako papasok at patuloy naman sila sa pagsunod ng mga mata nila sa akin. Ano ba ang problema nila?
Minadali kong hinanap ang room ko bago ako pumasok at kita ko ang gulat sa mga mata ng mga estudyante na naroon. Rinig ko pa na sumipol ang mga kalalakihan sa likod at tinaasan naman ako ng kilay ng mga kababaihan.. Nandoon lamang ako sa may tapat ng pinto at hindi ko binalak na maupo hanggang sa may nagsalita sa likod.
“Miss?” pukaw nang isang tinig sa akin. “Baka gusto mong pumasok?” mataray na sabi nito kaya naman napalingon ako at isa palang Prof iyon.
“I-I’m sorry, Miss. Bago lang po kasi ako dito.”
“Oh? So ikaw pala yung sinasabi ni Principal K. I’m sorry and please come in.” Sabi niya at nag bow muna ako bago pumasok sa loob at nagpunta sa unahan.
“Okay class, This is Ms. Astrid Bright. New classmate niyo.” Pagpapakilala sa akin ng Prof.
“Hi. Nice to meet you everyone. Please take care of me.”
“Excuse me? Are you somehow related to Ms. Bright? The Wife of Mr. Fvcker?” tanong ng isang babae. Sasabihin ko ba?
“N-no. We are not related.” Tumango naman siya kaya napatingin ako kay Prof at sinenyasan ako na umupo. Umupo ako sa isang bakanteng upuan sa may gilid at hanggang ngayon ay pansin ko pa rin ang mga tingin ng mga kaklase ko sa akin.
“Ms. Bright. Gusto ko lang sabihin na para makahabol ka sa lesson namin ay mag advance reading ka and class. Pahiramin niyo ng mga lectures si Ms. Bright. Okay?” sabi ng Prof at nagsitangunan naman sila.
“Okay class, Today, I will discuss to you the cycles of accountacy.” sabi ng Prrof at nakita ko na nagseryoso na ang mga classmates ko. Nang narinig ko na pag aaralan namin iyon ay hindi ko kinabahan dahil noong nasa states pa lamang ako ay diniscuss na sa amin iyon kaya naman alam na alam ko na.
“We have Ten cycle steps of accountancy and these are Identifying and Analyzing Business Transactions, Recording in the journals, Posting to the Ledger, Unadjusted Trial Balance, Adjusting Entries, Adjusted Trial Balance, Financial Statements,Closing entries,Post-Closing Trial Balance, and ahm. Wait I forgot the last one.” Sabi ng Prof at tumingin sa libro niya.
“The last one is Revising Entries: Optional step at the beginning of the new accounting period.” Sagot ko at natigilan naman silang lahat bago tumingin sa akin. Ang t*nga mo, Astrid! Pakialam pa kasi!
“V-very good, Ms. Bright. Mukhang alam na alam mo na ang ituturo ko.” Nakangiting sabi ng Prof.
“N-Napag-aralan na po kasi namin iyan when I was in states”
“States daw?”
“So. Mayaman siya?”
“Ang talino, grabe!” Rinig kong bulungan ng mga kaklase ko.
“Class, quiet!” sigaw ni Ma’am at tumahimik naman sila.
“Mukhang may isa na rin akong matinong estudyante this school year.” Nakangiting sabi ng Prof habang nakangiti sa akin.
ANDREI POV
“Megan honey, doon pa ang dumi.” Sabi ko kay Megan at tumango naman siya bago nagpunta sa tinuro ko.
“Lilian my pumpkin, kuhanin mo naman ang basurahan doon, please?” sabi ko at tumango naman siya bago tumakbo at kinuha ang basurahan na mabigat bago siya salit-salitan na lumalapit sa mga nagwawalis sa gitna ng matinding sikat ng araw.
“Bianca sweetcake, nililipad sila ng hangin.” Sabi ko sabay turo sa mga kalat na nililipad ng hangin at dali-dali naman niyang hinabol ang mga kalat.
“Ashley Baby, paki abot naman ng juice.” Pa-cute kong sabi at kinilig naman siya bago tumango at inabot sa akin ang juice bago nag walis ulit.
“Venus babe, pakilakasan naman ang pag paypay. Gusto mo bang pagpawisan ang Andrei babe mo?” sabi ko at nilakasan naman nya ang pagpaypay.
This is life! Aanhin mo nga naman ang guwapong itsura kung hindi mo papakinabangan? Nakaupo ako sa isang malilim na parte ng oval habang ang mga babae ko naman ang siyang gumagawa nang trabaho ko. Paano? Nakita kasi nila akong may hawak hawak na walis at siyempre pinagmukha kong kawawa ang sarili ko para tulungan nila ako hanggang sa heto na nga, nandito sila sa oval kasama ko at sila ang gumagawa ng trabaho ko. Pero dahil patas ako, sinabi ko na kapag tinulungan nila ako. Kapalit noon ay isang kiss. Pabor sa akin at pabor sa kanila, and that’s equality.
“Andrei, tapos na,” sabi nila at lumapit sa akin habang pawis na pawis. Gross. Pero ang pangako ay pangako. Tinignan ko ang ginawa nilang paglilinis at napangiti naman ako dahil malinis nga.
“Okay mga sweetheart. Pila pila kayo para sa kiss, okay?” sabi ko at nag-unahan naman sila sa pagpila.
“Okay. For you, Megan honey. Isang kiss.” Sabi ko at natuwa naman sya ng I-kiss ko siya.
“Next is Lilian my pumpkin. Isang kiss din.”
“Bianca sweetcake?” tawag ko at binigay ko rin ang reward niya.
“Ashley baby?” tawag ko at lumapit naman siya habang pinipigilan ang kaniyang kilig.
“And for Venus babe, siyempre hindi ko kakalimutan ang kiss,” wika ko. “Thanks for the help ladies.” Tsaka ko sila kinindatan at namula naman silang lahat. Nakangisi akong lumakad palayo nang maalala ko ang first kiss ko. My first kiss with my Tita Astrid.