Chapter 4

1136 Words
ANDREI POV Ngingisi-ngisi akong naglakad papunta ng Principal’s office. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto at tumambad sa akin si Principal K. “Hi Principal!” nakangiting pagbati ko sabay upo sa  upuan na nasa harap n'ya. “What are you doing here Mr. Fvcker?” tanong nito habang nakabalandra na naman sa aking mukha ang masungit nitong ekspresyon. ‘’Gusto ko lang sanang ibalita sa inyo na nalinis ko na ang oval na ako lang mag-isa,”  proud na sabi ko pero ngumisi siya. “Ikaw nga ba ang naglinis Mr. Fvcker? Oh ang mga nauto mo na namang mga babae?” tanong niya at gulat naman akong napatingin sa kaniya. “H-How did—" “Alam ko na ang bawat pasikot-sikot ng bituka mo Mr. Fvcker. Sa tingin mo hindi kita binigyan ng bantay?” nakangiting tanong niya. “B-But Principa—" “Kaya I decided na gawing two weeks ang parusa mo.” “What!?”  Sigaw ko at bigla akong napatayo. Nag cross arms na sumandal si Ms. K sa kaniyang swivel chair at tumingin sa akin. “Any problem Mr. Fvcker? Patas lang ako sa'yo Andrei. Kung sana ay ginawa mo ang parusa mo at hindi mo ipinagawa sa iba, oh, edi sana naka isang araw ka na?"  tanong nya at napaisip naman ako. “Principal K. Hindi ba kayo naaawa sa gwapong nilalang na nasa harapan n'yo? Paglilinisin n'yo ako ng dalawang linggo sa oval samantalang sikat na sikat ang araw?”  sabay turo ko sa labas. “Well, it’s not my problem anymore Mr. Fvcker. Good luck and you may leave now,”  sabi niya kaya hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. “Seriously!?” sabay padabog akong lumabas at narinig ko naman siyang tumawa. That Witch! Habang naglalakad ako ay may naririnig akong usap-usapan. “Did you see her, bro? D*mn, she’s so hot!’’ Huh? ‘’Oo naman, bro, chixx na chixx, Pare. Amoy imported!’’ Imported? Chocolate ba pinag uusapan nila?’’ ‘’Kaya nga pre, maligawan nga.’’ Ligaw? Hindi ko na lang binigyan pansin ang naririnig ko at naiinis pa rin na naglalakad. “Andrei!” napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko sina Ren. “Pre, you should see the new girl. T*ngina ang sexy!’’ ‘’Oo nga, Pre! Napakaganda talaga!’’ Maganda? ‘’Paanong may new girl dito na nakalampas sa akin?” tanong ko. “Hindi na importante Iyon, Bro. Basta tara na!’’ at hinila nila ako sa ABM building. ‘’Maganda ba talaga?’’ tanong ko. ‘’Hindi lang, Pare. Dyosa yata ang isang iyon!’’ Sumilip kaming tatlo sa bintana ng room at pinasadahan ko ng tingin ang mga babae don. “ Sino ba diyan?” nagtatakang tanong ko. “Ayon, 'Drei! Iyong maputing iyon,’’ sabay turo niya sa isang babae na may kahabaan ang buhok at napaka elegante ng dating. Ang ganda nga. Napangisi ako nang makita ko siya. ‘’Walang aagaw, She’s mine,’’ pagbabakod ko. Tutal naman ay excused ako nang dalawang linggo dahil nga maglilinis ako ay tumambay na muna ako sa tapat ng room na iyon samantalang bumalik naman sina Tres at Ren sa room. May magandang side din pala ang ginawa ko. Habang naghihintay ako do'n ay panay naman ang kindat ko sa mga babaeng dumadaan sa harapan ko. Iyong iba naman ay kinakausap ako at sino ba naman ako para tanggihan ang grasya na kusang lumalapit? Nang sa wakas ay tapos na ang klase nila at nakalabas na ang teacher ay kaagad naman akong pumasok sa loob at nagsigawan ang mga babae. ASTRID POV Kaaalis lang ng Prof ko at abala ako sa paglalagay ng gamit sa bag ko para pumunta sa next class ko nang biglang nagsigawan ang mga kaklase kong babae. Napatingin naman ako sa harap at nakakita ako ng isang lalake na daretsong nakatingin sa akin. Problema nito? Iniwas ko ang paningin ko at inayos na ng mabuti ang gamit ko. Patayo na sana ako nang magulat ako ng nasa likod ko na iyog lalaki. “Hi my princess!”  nakangiting pagbati ng lalake. “S-sino ka?” nawi-wirduhang tanong ko. “Oh? Hindi mo ako kilala? Ang sakit naman no'n, my Princess sweetcake. Prince Charming mo, hindi mo kilala?’’ sabi niya na may pahawak hawak pa sa dibdib niya. Ano bang pakulo ito? “Pwede ba, Mister? May kailangan pa akong gawin at the same time may hinahanap ako kaya please!”  sabi ko at tumalikod pero nahila niya ako nang malakas kaya naman muntik na akong mahulog ng hinawakan niya ang bewang ko para pang-support at napahawak naman ang kamay ko sa leeg niya. “Not so fast my princess sweetcake darling,’’ nakangising sabi niya sa akini at partida, gano'n pa rin ang posisyon namin! “M-Mister. A-ano ba ang—” “Saka mo na lang akong tawaging Mister kapag kasal na tayo, my princess sweetcake  darling pumpkin. Kung hindi mo ako kilala, magpapakilala ako”  at saka niya ako itinayo. “My name is Andrei Fvcker. The son of Kyla Suzzane Fvcker and Zyril Ace Fvcker at ang taong papana ng puso mo para kapag niligawan kita, sasagutin mo ako ng matamis mong Oo.” W-What? S-Siya si Andrei? Pinasadahan ko siya ng tingin ang kabuuan niya lalo na ang mukha niya at hindi ako makapaniwalang siya si Andrei. ‘’Gusto ko ang pagtitig mo babe, pero alam mo, conservative kasi akong tao. So, ano ba ang pangalan ng magandang binibini na aking kausap?”  tanong niya. H-Hindi nya ako makilala? Napangisi naman ako nang may maisip akong kalokohan. Kaagad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya at nakita ko na nagulat siya pero ngumiti rin kaagad. ‘’Does my name seems so important, my Prince A? Why don’t you just call me Princess A?”  mahinhin na sabi ko sa kaniya. Napangisi naman siya sa sinabi ko at hinapit ako sa bewang bago tumingin sa mga mata ko. “I like your idea, My Princess A,”  sabi niya pero ikinagulat ko na bigla na lang niya akong hinalikan sa gilid ng labi ko. “A warm welcome kiss for my Princess A,”  sabi niya at iniwan akong nakatanga doon sa room. Tulala lang ako sa ginawa niya ng marinig ko na namang nagsalita ulit siya. “By the way My Princess A, a red full cap brassiere that you’re wearing turns me on.  36 B cup? Not bad my Princess A,”  sabi niya at nagsigawan naman ang mga nakarinig. W-What the f*ck, A-Andrei!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD