ANDREI POV August na ngayon at syempre may mga program at simula na rin ng pagkuha ng mga iba’t ibang Unversity clubs sa mga gustong sumali sa kanila. Next next week na rin ilalabas ang list nang mga pasado kaya naman lalo kong pinagbubutihan ang pag-aaral ko. ‘’Class, I just wanted to remind you na next week na ang pasahan ng individual research niyo at kung sino ang makakapag pasa ngayon at tama ang ginawa ay perfect ang makukuha niyang grade sa subject ko,’’ sabi ng Prof ko kaya dali-dali kong kinuha sa bag ko ang research ko at tumayo bago lumapit kay sa kaniya. ‘’Sir, research ko po,’’ sabi ko sa kaniya at gulat naman niya itong tinanggap. ‘’You’re done already?’’ gulat na tanong niya at tumango naman ako habang binubuklat ang ipinasa ko. ‘’Okay. I’ll check this later at kapag ta

