ASTRID POV Ilang linggo na ang nagdaan at pansin ko na hindi na ako kinukulit ni Andrei at naging madalang na rin ang pagkikita namin. Sa ngayon ay naging maganda na rin ang pagpasok ko sa school. Naglalakad ako mag-isa at kailangan kong pumunta ng library ngayon para sa research ko. Nakatutuwa at nakatagal na ako rito sa school. Ini-scan ko ang ID ko sa computer bago ako pumasok at naghanap ng libro para sa research ko. Individual research kasi na ipapasa next month. Yeah, sa next month pa pero mas gusto ko na mas maaga. Nang makita ko na ang hinahanap ko ay pumuwesto na ako sa isang upuan bago binuklat ang libro. Abala ako sa pag te-take down ng mga information na kailangan ko nang mapalingon ako sa likod ko dahil sa maingay ito. Sinilip ko ito at si Andrei pala iyon na may hawak na l

