My own "Wala na ba tayong nakalimutan?" I passed the last carry-on to Elcid and he then loaded it to the car. Sinilip ko ang loob ng kotse upang pasadahan ng tingin ang mga naroon. Tulad ng madalas, ang chevrolet express nila Davion ang gamit naming sasakyan. Aysen's already all set on the driver seat. Katabi niya si Aki na tulog na habang suot ang hoodie sa ulo. Sa likod ay abala si Davion sa phone habang ang katabi niyang si Cal ay nakasandal sa backrest at naka-krus ang mga brasong natutulog. Alister on the other end of that row has his airpods on while looking outside the window. Sa gitna at tapat ng nakabukas na pinto ay mag-isa namang nakapwesto si Rae sa tabi ng bintana sa dulo. Nang marinig ang pagsarado ni Elcid sa likod ng kotse ay pumasok na rin ako upang tabihan si Rae.

