Hiwaga Ramdam ko ang tensyon sa hangin hanggang sa hapag nang maghapunan. Minabuti kong ipagpaliban na lang muna ang natitirang activities para sa araw na iyon dahil sa nangyari. "What's this? Salmon?" Ang totoo, sa pagitan lang naman ni Alister at Elcid ramdam ang tensyon. The others seemed fine as usual. Si Cal ay madaldal pa rin na animo'y walang naganap na alitan. Palibhasa ay nagawa nya lahat ng gusto nya kanina dahil sa pag-kansela ng nalalabing gawain. "No.. A lobster dish," "Really? It doesn't look like one," My phone beeped. Dinampot ko iyon at binuksan sa ilalim ng mesa. My co-anchor in broadcasting sent me files containing voice exercise pieces. Karagdagan iyon sa ilang naipadala nya na nung nakaraan. May airing kasi kami sa unang araw ng klase. I acknowledged the receipt

