CHAPTER 1
Yumi’s Point of View
Traffic, too bad, nakaka-badtrip. Mapapakanta ka na lang sa gitna ng EDSA. Buti pa ang EDSA may forever. Forever traffic. Papunta pa naman ako kay Christine. Kung bakit ba kasi sa Valenzuela pa gustong makipagkita, e galing pa ako ng Pasay para sa contract ng air bus na inaarkila niya.
“Hello, Ms. Christine. Yumi here,” I called her para naman masabihan. “Where the hell are you? Quarter to nine na!”
“Nasa EDSA Magallanes. Baka ma-late ako. Traffic na kasi.”
“Hay nako, Yumi. I am on my way to Tagaytay. Sa Grace Hotel na tayo magkita.” I closed my eyes and count one to ten.
“Okay, sige. Hihintayin kita sa office ni Ms. Lise.”
“Whatever,” sagot nito at binaba na ang tawag.
“Kainis!” Bwisit na bwisit ako. Wala pa namang malapit na u-turn spot dito.
Gutom na gutom ako pagdating ko sa Grace Hotel. Pansamantala akong nakikigulo sa studio ni Ms. Lise. Wala pa kasi akong office. Free Lance kasi ako kaya hindi ko pa naiisipang mag-open talaga ng office. For now, tie up lang ako kay Ms. Lise.
“Yumi? Akala ko may meeting ka?” Nagulat si Ms. Lise nang makita akong pumasok sa studio niya.
“Nagbago ang isip ni Christine ng papunta na ako sa Valenzuela. Dito na raw kami magkita sa studio mo.” Inabutan ako ng cupcakes ni Ms. Lise. Palaging mayroong stock na cupcakes si Ms. Lise sa studio niya.
Kumuha ako ng isa at mabilis na kumain. “Hindi ka pa kumakain?” tanong nito. Umiling ako.
“Nagmamadali kasi akong kuhanin ang contract sa RS Aviation. E sa Pasay pa iyong office,” I explained to her. Inabutan niya rin ako ng mineral water. Bless you, Ms. Lise.
“Bakit parang may something sa inyo ni Christine? Hindi naman sa nakikiaalam ako,” tanong ni Ms. Lise. “Well, nakikiaalam ako,” biglang bawi nya.
“I know she’s a brat. Ilang beses din siyang nagpalit ng contract sa akin. I know rin na kaya ka nasa sa situation na ‘to is because of me. Kung hindi ko sinabing kailangan ka nilang kuhanin or else hindi ko siya iko-cover, wala ka sa ganyang nakakalokang situation. Sorry, Yumi. Hindi ko alam talaga.”
“Naku, Ms. Lise wala iyon. Utang ko sayo lahat ng client ko. Okay naman sa akin ang event na ito. One of a kind. Hindi pa ako nakapag-organize ng one-month birthday celebration at iyong party sa eroplano ang pinakagusto ko.” Nahihiya ako na nahihiya si Ms. Lise sa akin because of Christine.
“Talagang mainit lang ang dugo sa akin ni Christine. Kahit noong high school pa kami,” I replied to her earlier question.
“Magkakilala na kayo dati pa?” tanong nito. “Classmate kami noong high school,” I answered her.
“At mukhang hindi kayo friends,” Ms. Lise guessed. Umiling ako.
“May mga bagay po na kahit matagal na, mahirap kalimutan,” I replied. “Mukhang malalim ‘yang hugot mo ah. Malalaman ko ba ang dahilan kung ano ang ginawa niya sayo?” nakangiting tanong ni Ms. Lise.
I was about to tell her when Christine came. As always, she’s wearing branded clothes at looking fresh lagi. She’s pretty kahit noong high school pa kami. Pero noong high school, mahinhin siya. Tago ang pagkamaldita. Mayroong kwento, kaso hindi ko muna iisipin ngayon. Kailangan kong magtrabaho.
“Oh. Hi, Ms. Lise.” Nagbeso siya kay Ms. Lise. Ms. Lise always has a smile on her face pero dahil siguro matagal ko na siyang nakakasama, alam ko ang tunay na ngiti niya kaysa na ngiting pang client.
Nagulat ako sa kasama ni Christine— John Guevarra. Pero hindi ko pinahalata na nagulat ako. Cool lang kahit ang lakas ng t***k ng puso ko.
“Oh, Yumi, nandito ka pala. Sorry hindi kita napansin,” baling ni Christine sa akin.
“You remember John, right? John baka hindi mo siya natatandaan, siya si Mayumi. Yumi na siya ngayon,” sweet pero may pagka-sarcastic ang pagkakasabi ni Christine. Tumango lang ako. Of course, natatandaan ko si John. Tandang-tanda ko nga.
Parang kumakanta sa isip ko si Elsa. Don’t let them in. Don’t let them see. Be the good girl you always have to be.
“I have your contract for Airbus that you need to sign.” I gave her the contract and a pen. Kinuha niya ang contract at tinaboy ang ballpen na binigay ko. Kinuha niya ang of course parker niya sa bag.
“Hindi mo ba muna babasahin bago mo pirmahan?” I asked her. “No. Money is not an issue. Kaya nga nand’yan ka para magbasa. Where will I sign?” she asked back.
Hindi niya napansin pero tumaas ang isang kilay ni Ms. Lise. Tinuro ko lahat ng kailangan niyang pirmahan kahit mayroon ng sign here na sticker na nakalagay.
Lord, mahaba-habang pasensya ang kailangan Mong ibigay sa akin.