Cloud’s Point of View Saturday. Pinaalis na naman ako sa bahay ni Mommy. Ayaw ko namang umuwi sa penthouse ko sa Makati. Pupunta na lang ako sa Country Club. Nakatunganga sa porch ng bahay ko dito. Ayaw kong pumunta Club Zero, nandoon sila Mark na tsismoso. Ayaw ko ring pumunta sa Grace Hotel, Lise scrutinizes every movement that I do lately. Tumigil ang kabayo ni Tristan at Renz sa harap ng bahay ko. Bumaba ang mga ito na may dalang maliit na cooler na nakalagay sa gilid ng kabayo ni Tristan. “Ikaw na ang dinalaw namin,” Tristan said. Umupo sila sa mga couch na nasa harap. “Anong problema, pre?” tanong ni Renz. “Tamlay mo e.” “Wala naman. Ayaw ko lang ng maingay,” I replied. “Midlife crisis na ba?” biro ni Tristan. I chuckled. “Ang tagal pa ng mid-life.” Natahimik kaming tatlo. Sa m

