Cloud’s Point of View Hindi pa pumapasok sa pintuan si Yumi, alam kong nasa labas siya. Dinadala ng hangin ang pabango niya. Dahilan para maitungga ko ang isang bote ng beer. Kanina pa ako lasing. Hindi ko na nga kilala ang nasa paligid ko. Si Yumi lang. “Don’t do anything stupid,” bulong ni Renz. “Hoy, anong binubulong mo?” sita ni Audi. “Nakakapagselos ang closeness niyo ah,” sabi pa nito. “Ang ganda ng mga kasama nila Lise sa kabilang table,” nginuso ni Neil ang table nila Yumi. “Iyong singer dito ni Mark iyong isa. Girlfriend ni Rivero. Iyong La Sallista,” Nick replied. “E iyong mahaba ang buhok?” tanong ni Audi. “Ay, hindi ko kilala. Pero maganda rin iyong maputi. Iyong chinita,” puna ni Neil. Si Yumi. May boyfriend na ‘yan. Kaya nga ako naglalasing e. Kaya siguro galit sa kanya

