"We're all in the same game; just different levels. Dealing with the same hell; just different devils." Kabanata 26: Mask and Rules Napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ang nagkalat na walang buhay na katawan sa paligid ko. Oh god what's happening? Sino ba ang mga ito. Anong kailangan nila? "E-Eve...s-siya 'yon..." di ko namalayan na nasa likuran ko na pala si Mary at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa likuran ko. Kitang kita ko ang takot sa mga mata niya...kung bakit ay hindi ko alam. Samantalang si Elric ay yumuko na tila nagbibigay galang sa taong nasa likuran ko. Napaigtad ako ng may kumuha sa braso ko na nakabenda. Dugdubdugdub. "Stubborn..." malamig na sambit nito pagharap ko ay nakita ko mukha nito na may suot na maskara at tanging ang luntian lang nito'ng mga mata ang

