Kabanata 27: His Plan? Eve Henderson's Point Of View Ala-singko palang ng umaga ay gising na ako at nag iikot sa T.U Gusto ko makalanghap ng sariwang hangin. Nakakamiss din ang eskwelahan na 'to. Habang naglalakad ako ay may nakita akong babaeng nakaupo sa bench. Nakasalamin at seryoso at gumuguhit sa'kanyang kwaderno. Lumapit ako at bago ko pa masilip ang ginuguhit niya ay naagapan na niya ito ng sara. Nang magtama ang mga mata namin ay hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay kilalang kilala siya ng puso ko na para bang ang saya saya ko. Wait? Don't tell me natotomboy ka sa'kanya, Eve? Maganda siya. Masasabi ko 'yon kahit may suot pa siyang eyeglasses, mas nakadagdag pa nga iyon sa nakaka intimida niya'ng aura. Yung para bang isang tingin mo lang sa'kanya ay masasabi mo na hi

