Kabanata 46: Elders "Paliparin mo at dalhin ako kay, Eros" "B-but-" Hinila niya ang kwelyo ng piloto at mariing tiningnan sa mga mata... "Susundin mo ang sinabi ko, nagkakaintindihan ba tayo?" malamig na sambit niya. Tila nahipnotismo at napasailalim niya ang piloto sa kakayahan niya at wala sa sariling tumango ito. "Bilisan mo sa pinakamabilis na paraan" "Masusunod!" ●●●●●○○○●●●●● "Eros Thurston, the Master of the Underworld...the Mafia Lord, the Legendary Ruler...it's a privilege to see you again after so many years," sa likod ng ngising sambit ng isa sa mga Elders na si Don Felipe Gunner ay ang hindi mapapantayang kaba habang pinagmamasdan ang nilalang na...may hawak na ulo, duguan ang mga kamay nito at ang espada nito'y balot ng dugo tulad ng kasuotan nito. Isang nakakapangil

