"As long as the Master is in the war, the battle is not lose" Kabanata 47: Her words is absolute Eve Henderson's Point Of View Napakabilis ng pangyayari at nalaman ko na lang na may mga likod na nakaharang at nakapalibot sa akin. Sky, Zion, Francisco at King. Anong...bakit nandito sila? Naaninag ko rin sila Aki, Rage, Yuan, Peter, Morgan, Christian, Harold, Jacob, Rebecca, Carissa, Darius at Manong Ichiro. May naramdaman akong kamay na humawak sa kamay ko at pagtingin ko dito ay seryoso ang mukha nito na nakatingin sa mga Elders na napatayo na sa kanilang kinauupuan. "Anong ibig sabihin nito, Master Eros?" (Don Deux Hebert) malamig na tanong nito. Ngayon lang 'to nagsalita. Sumuyod ang tingin nito sa buong palasyo na ngayon ay napapaligiran na pala ng mga tauhan ng Thurston Org, He

