Chapter 4

1125 Words
Sa mga sumunod na araw ay naging busy ako sa pagpupunas ng mga gamit niya. Ang gaganda ng mga ito. Hindi ko alam kung bakit siya nahilig sa mga vase o baka sa mama niya ‘to. I am humming a song while wiping the window. Kapag ganito ang bahay ko pananatilihin ko itong malinis lagi. Konting punas at walis ng mga bahay ng gagamba ang ginawa ko. Kaya siguro sa likuran ng bahay dumaan si manong Lando kasi may daan pala do’n patungo sa taniman ng mga pechay. Natatakot akong lumabas dahil baka hanapin niya ako. Patingin-tingin lang ako mula sa bintana. Bumaba ako mula sa bintana at nagpunas ng mukha. Pawis na pawi ako. Ikaw ba naman kumuha lahat ng agiw sa bahay na ‘to. Binubuksan ko rin lahat ng bintana para naman maliwanag at hindi ito nagmumukhang haunted house ‘tong bahay. Matapos kong ilabas ang mga dumi ay umupo muna ako sa malambot na sofa niya. Sinandal ko ang balikat ko at pumikit. “Ang sarap naman pala nito, dapat umutang ako noon kay Tiya Lorna,” sabi ko sa sarili, pagkatapos ng ilang minutong pahinga ay nagtungo muna ako sa itaas. Balak kong maligo muna bago magluto ng lunch naming dalawa. Ang boring ng bahay na ‘to, wala man lang akong makausap. Sa ilang araw kong pamamalagi dito hindi man lang nagawi si manong Lando. Minsan din akong nakakakita ng dumadaang manggagawa pero nahihiya naman akong magkipag- usap sa kanila. Pinaadar ko ang shower sa banyo. Noong una, hindi pa ako marunong gumamit nito. Natatawa ako sa sarili at feeling ko ang mangmang ko talaga. Nagsabon ako ng katawan, hindi ko masasabing sexy ako dahil hindi ako kailanman nagsuot ng mga sexy na damit, wala akong pambili, e. Mahaba at mataba ang buhok ko. Ang dami ngang nagagandahan dito, lagi nakaterentas ang buhok ko at nakasuot ng bestidang hapit sa katawan. Paglabas ko ng kwarto ay fresh na fresh ang feeling ko. Sa totoo lang hindi ko pa nakikita ang mukha ni sir. Pero sa tingin ko gwapo siya. Ngumisi ako. Nagtungo ako sa kusina habang iniisip ang mukha niya. Natigilan ako sa paglalakad. “Naliligo pa kaya siya?” tanong ko sa sarili. Napailing ako. Biglang sumagi sa isipan ko ang paglapit ng katawan niya noon sa sa ‘kin. Wala naman akong naamoy no’n. tumango-tango ako, “Siguro nga naliligo siya. Pero hindi nga lang siya kumakain ng maayos,” sabi ko. Bumuntong-hininga ako. I opened the fridge. Kumuha ako ng limang talong at itlog. “Torta na lang muna tayo, sir,” bulong ko sarili. Pinakuluan ko ito at kinuhanan ng balat. Hinipan ko ang kamay ko dahil sa init. Ilang ulit kong shinake ang kamay ko na parang baliw, “Ano ba ‘yan, baka biglang magutom ‘yon. Patay ako,” sabi ko sabay iling. Pagkatapos ng paghahanda ay sumandal na ako sa countertop at naghintay kong kalian maluluto ang priniprito ko. Nilagay ko na ang lahat ng pagkain sa tray. Naghiwa din ako ng prutas para sa kaniya. Pumaroon na ako. Nakinig muna ako sa harap ng pintuan. Wala naman akong marinig. Dahan-dahan akong kumatok sa pintuan. “Sir, heto na po ang pagkain niyo,” sambit ko. Naghintay ako ng sagot sa kaniya. Napanguso ako. “Papasokin ko na ba?” tanong ko sa sarili. Napakamot ako ng ulo. Wala naman akong mapagtatanongan, baka biglang may sumagot sa tabi ko na multo, matapon ko pa ang pagkaing niluto ko. Pinihit ko ang sikadura ng pintuan. Napapikit ako at nananalangin na sana hindi ako makakagawa ng ano mang tunog. Pero hindi pa ako nakakapasok ay umingay ang pintuan. Napamulat ako ng mga mata. “WHAT THE F*CK ARE YOU DOING HERE AGAIN?!” he shouted that almost break my eardrums. Hindi ako makatakip ng tenga dahil may hawak akong tray ng pagkain. Sa boses na nilabas niya ay parang bumuga siya ng napakalakas na hangin dahil sa paglipad ng buhok ko. My brows knitted. Nakakainis ang isang ‘to. Kung puwedi ko lang paluin ang ulo niya para magising sa katotohanan ay ginawa ko na, pero kasi…siya ang boss ko. Hindi ako puweding mawalan ng pasensya sa kaniya. “NANDITO AKO PARA SA PAGKAIN NIYO, SIR!” sigaw ko pabalik sa kaniya. I rolled my eyes. “ARE YOU RAISING YOUR VOICE AT ME? SERIOUSLY?” he asked loudly. Dapat hindi na ako sumigaw. Lalo lang umiinit ang ulo niya sa ‘kin. Napanguso ako at surrender na. Huminga ako ng malalim, “Sorry po, sir. Ikaw din kasi ang naunang sumigaw, e. Gusto lang naman kitang pakainin,” mahina kong sagot sa kaniya. Tinulak niya ang pinto kaya tumama ito sa ulo ko. Napadaing ako at suminghap ng malakas. My face hardened. Iba din ‘to ah? Mabait naman talaga ako, e. hays… kalma lang, Maria, kumalma ka lang. “Dapat mong tandaan na hindi ka puweding basta-bastang pumasok sa kwarto ko,” matigas niyang tugon. Alam kong nakakunot ang noo nito. Alam na alam ko ang mga ganiyang ugali, suplado kamo. Nagtaas-baba ang ulo ko sa pagtango, “Opo, sir. Hawak ko na po ang pagkain niyo,” sabi ko sa kaniya. Itinulak ko ito papasok. Wala man lang akong natanggap na sorry mula sa kaniya, ang sakit kaya ng noo ko. Marahas niya itong kinuha sa kamay ko at tinulak ang pintuan, my lips parted. Sobrang harsh niya. Hanggang kailan kaya siya magiging ganito? Hanggang sa sumara ang pinto ay nakalabas lang ako dahil sa tulak niya. Nanatili akong nakatingin sa saradong pintuan. Kailangan kong maging malapit sa kaniya para gumaan ang loob niya sa ‘kin. Kumatok ulit ko, “Si--,” hindi pa natapos ang sasabihin ko ay nagsimula na naman siyang magbasag sat nagsisigaw. No’ng nakaraang gabi ay narinig ko siyang umiyak. Siguro sobra siyang nasaktan kaya hanggang ngayon hindi niya pa rin magawang magsimula muli. Kung may magagawa lang ako, wala ba siyang malapit na kaibigan? ‘yong alam kung ano ‘yong ugali niya. “Don’t ever come back here! Lumayas ka na! Iwan mo na rin ako!” I held my chest, “Ako po? Gusto mo pong lumayas ako?” paninigurado kong tanong sa kaniya. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Hindi pa ako puweding umalis ‘no. He groaned loudly, “F*ck you!” he yelled, “You hardheaded bastard,” sabi niya. Tumaas ang dalawang kilay ko. Hindi naman ako gano’n ka mangmang para hindi maintindihan ang sinasabi niya. Siguro kailangan ko na lang sakyan ang mga sinasabi niya. Ngumisi ako habang kinakagat ang ibabang labi. “F*ck me, sir!” I answered. Napatakip ako ng bibig dahil sa pagpigil ng tawa. Ayoko naman na marinig niya ang pagbibiro ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD