Nakahinga ako ng maluwag matapos kong makita ang switch. Pinailaw ko ang lahat ng bombilya. Napahanga ako sa buong lugar, ang ganda ng mga gamit at halatang mamahalin. Ang sofa nila ay halatang sobrang lambot hindi kagaya ng kahot na upuan naming. Pagtingin ko sa pintuan ay nakita ko ang basag na vase. Agad ko itong dinaluhan at niligpit. Patay! Mukhang mamahalin pa.
“Unang araw pa nga lang, nakabasag na ako,” naiinis kong bulong. Tiningnan ko ang phone para tawagan si nanay lita. Mabilis akong tumayo ng makitang walang signal ang cellphone ko. Naglakad ako paikot ng bahay pero wala talaga, “Paano ako makakatawag do’n kung walang signal?” tanong ko sa sarili. Napabuntong hininga ako at binaba ang phone. Wala talaga kahit isang guhit lang. nawalan na ako ng pag-asa. Sa gitna ng bahay merong mataas na hagdan patungo sa pangalawang palapag. Umakyat ako. Hindi ko alam kong ano ang gagamitin kong kwarto dito. Pagdating ko sa taas ay dilim na naman ang bumungad sa ‘kin. Pinailaw ko ang ilaw. Doon ko nakita ang nakahilerang mga kwarto. Kumatok ako sa unang kwartong nakita. Isinandal ko ang tenga malapit sa kwarto.
“GO AWAY! I DON’T F*CKING NEED YOU!” he shouted. Napaatras ako ng ilang beses.
“Hala, sir! Sorry po, nagising ata kita!” sagot ko sa kaniya. Hinawakan kong mabuti ang bagahe ko.
“SHUT UP! DON’T EVER COME NEAR HERE!” sigaw niya ulit. Napatakip ako ng tenga matapos sumunod ang ingay ng pagkabasag ng bagay na gawa sa kristal. My face crumpled.
“Sir, tama na po,” sabi ko, “Baka po magkasugat ka,” dagdag ko na may pag-aalala. Kagaya lang rin siya ng ama kong lasinggero. Wala na ibang ginawa kung ‘di ang uminom at magbasag ng gamit. Kaya naubos ang gamit namin, e.
Tinuloy niya pa rin ang pagbabasag.
“OO NA! AALIS NA AKO, BASTA ‘WAG KA LANG MAGBASAG!” buong lakas kong sigaw. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa nerbyos. Sa wakas at tumigil na rin siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi lang ata ito ang unang sigawan na maririnig ko. Naglakad ako at naghanap ng bakanteng kwarto, sa huli ay ang katabi niyang kwarto ang inuukupa ko. Mabuti ‘to at malapit sa kaniya, ano mang oras ay mapupuntahan ko siya. Kailangan ko ring alagaan ‘yon. Bakit ba kasi hindi siya tinutulungan ng mama niya.
Inayos ko ang mga gamit sa cabinet. Tumalon-talon ako sa malambot na kama, “Wow, ang lambot naman nito. Tiyak na magugustuhan ‘to ng mga kapatid ko,” bulalas ko habang tumatawa. Nilinisan ko muna ang maduming kwarto bago naisipang tumungo sa kusina para magluto. Bigla ko naalala kanina ang sinani ni manong Lando na pakainin siya.
Habang nagsasaing ay naghihiwa ako ng mga gulay. Punong-puno ang ref niya ng pagkain. Ang swerte naman niya. Pakanta-kanta ako sa kusina. Hinugasan ko muna ang mga kakailanganin bago nagluto. After cooking I tasted the pinakbet, gusto kong maging bet niya ‘to. Masarap kaya akong magluto.
“Ang sarap!”
Ngumiti ako ng matamis bago sinalin ang gulat sa malaking mangkok. Nilagyan ko siya sa panibagong mangkok na para lang sa kaniya. Pagkatapos kong maghanda ay dinala ko ito sa pataas. Sana magustuhan niya. Maglilinis na lang ako ng buong bahay pagkatapos kumain. Ang dami kasing alikabok, hindi ko alam kung kalian ang huling nilinisan ito.
Dahan-dahan akong kumatok sa pintuan.
“Sir Travis, ako po ito si Maria. Nagluto po ako ng pagkain para sa inyo,” magiliw kong sabi. Baka kasi bigla na naman siyang magwala. Maingat kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Sumilip ang ulo ko sa loob, wala akong makita masyado. Napatakip ako ng ilong, “Ang baho naman dito. Nakakatulog pa ba siya dito?” mahina kong tanong.
Nang tuluyan na akong nakapasok ay nangapa ako. When I already touch a wide place dahan-dahan at maingat kong nilapag ang pagkain. Pagtayo ko ng maayos ay nanindig ang balahibo sa leeg ko nang makaramdam ng kung may ano sa likuran ko.
Umatras ako hanggang sa tumama ang likuran ko sa pader. Nasaan na baa ko? Baka ibang dimension na ‘to ng kwarto niya. Gumapang ang mga kamay ko habang nanginginig ang mga binti. I heard footsteps, parang kagaya ng sa pelikula ang tunog nito. Nagmamadali na ako para buksan ang ilaw, kumakabog ang dibdib ko sa takot.
When I finally touch the button ay may pumigil sa kamay ko. My eyes widened. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na tunog sa mga labi ko. I can feel his breathing in my neck. Kakaiba ang amoy niya. Hinila ko paalis ang kamay kong nasa switch pero ayaw niyang bitawan. Napakagat ako ng ibabang labi. Ang higpit ng pagkakahawak niya.
“S-Sir,” nauutal kong untag.
“Who the hell tell you that you can enter my room?” may diin niyang tanong sa ‘kin. Hindi ako makahinga ng maayos. I heard him gritting his teeth, “You can’t turn on the lights. Don’t act like you are the boss,” sabi niya at huli ko na nalaman na tinulak na pala niya ako palabas ng pintuan. Tumama ang puwet ko sa sahig. Sumama ang mukha ko.
“Aray ko po,” bulong ko at minasahe ang ang bandang puwetan. Kung gaano kalamig ang kwarto niya gano’n din ka yelo ang boses niya. Hanggang ngayon tumatayo pa rin ang mga balahibo sa braso ko. Huminga ako ng malalim saka tumayo. Napatakip ako ng tenga nang magsimula na naman siyang magbasag. Ilang mura ang narinig ko mula sa kaniya.
“Sir, kumain na po muna kayo bago kayo magbasag!” sabi ko. Ano ba kasi ang problema niya? Gaano ba kaganda ang babeng ‘yon? At hindi siya maka- move on.
“YOU DON’T F*CKING CARE!” pasigaw niyang sagot sa ‘kin. I held my chest. Grabi naman ‘tong si sir. Dapat na siyang mangumpisal, ang dami na kasi niyang kasalanan, “I DON’T WANNA EAT THIS FREAKING FOOD! I HATE THIS!”
“Sir, ako na lang po ang i-hate niyo, ‘wag ang pagkain,” ani ko. Napalabi ko. Kawawa naman siya, dapat siguro tulungan ko siyang mag-move on. Pero hindi pa naman ako nagkakaroon ng boyfriend, e. Wala akong ideya. Uunahin ko na lang sigurong linisan ang kwarto niya, ang baho sa loob. Sana magustuhan niya ang niluto ko.
Napapadyak ako paalis sa harapan ng kwarto niya. Maglilinis na lang muna ako ng buong bahay.