Pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay naglakad na ako patungo sa kwarto ni Travis. Sinigurado kong nakasara na ang lahat ng ilaw para hindi naman gano’n ka laki ang bill. Humikab ako ng ilang beses bago kumatok sa pintuan. Hindi ko na lang inisip ang nangyari kanina. Nagiging akward kasi kaming dalawa, e. Pagkatapos kong kumatok at dahan-dahan ko itong binuksan. Sumilip muna ako, nakapabukas pa naman ang ilaw kaya pumasok na ako. Pagsara ko ng pintuan ay inikot ko ang paningin ko. I saw him standing in beside his window. May hawak siyang wine glass na may lamang inomin. Saan ba niya ‘yan kinuha? Huminga ako ng malalim. Nakatulala lang siya habang nakatingin sa labas. “Sino ang tinitingnan mo?” tanong ko sa kaniya. Hinakbang ko ang mga paa ko patungo sa kaniya. He glanced at me shock.

