I patted his shoulder, “Sige na, aakyat ako dito pagkatapos kong magluto ng breakfast.” Kumalas na siya sa yakapan naming dalawa. Parang ayaw niya talaga. “Sabay tayo mag- breakfast ha?” aya niya. Nagpakawala siya ng isang matamis na ngiti. Tumango ako. Bumangon na rin ako. “Ah, baby?” tawag niya. Napalingon ako sa kaniya para sana magtanong ng saktong tumama ang mga labi niya sa ‘kin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Malakas na kumabog ang dibdib ko. Pagkatapos niya akong halikan ay ngumisi siya, “Pampasarap lang ng luto mo.” Kumindat siya at kinaway ang kamay niya. Hindi ko mapigilang matulala. Inaamin kong kinilig ako ng husto do’n. Habang naglalakad palabas ng kwarto niya ay nakahawak ako sa bibig ko. Patuloy pa rin ang pag-init ng pisngi ko. hanggang sa ibaba rin ang mga ngi

