Chapter 6

1096 Words
Habang nagtatrabaho ako ay nanatili siyang tahimik. Ako naman ‘tong si kwan, daldal ng daldal. Nawawala na rin ang pangangamoy ng kwarto niya. Siguro inumin ‘to. “Mabango pa ba ‘yang bedsheet mo, sir? Papalitan ko po ng bago,” sambit ko. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung saan babaling dahil hindi nakaukit ang hitsura ng kwarto niya sa utak ko, sa madaling salita hindi ko gamay ‘to sa dilim. “You can take this off and change this,” sagot niya sa ‘kin. Parang gusto ko naming biruin siya dahil sa pagiging kalmado ng pananalita niya. “Paano po ‘yan, sir? Hindi ko alam kung saan banda ang kama niyo,” ani ko saka nagkibit balikat. Sa sobrang dilim kahit ang night mode sa mga mata ko ay hindi makakita. “That’s not my problem,” suplado niyang sagot. So anong gagawin ko? mangangapa na naman sa dilim? Hays...buhay ‘to oh. Kailangan ko talagang paghirapan para magkapera. Nilabas ko muna ang mga gamit ko. napangisi ako dahil tuluyan na talagang bumango ang kwarto niya. Pagpasok ko sa loob ay nagsimula akong mangapa, ang katapat ng pintuan ay maliit na mesa na nilapagan ko ng pagkain no’ng nakaraan. “Sir Travis, pasensya na po kung meron akong mahawakan na hindi dapat.” Ngumiwi ako at nagkamot ng batok. “Hindi ko po kasi talaga nakikita ang dinadaanan ko, e,” sabi ko. advance na paumahin para sa mga bagay na mababasag ko. Pray for me please… Teka, napahinto ako ng maalala ang mga bagay na tinatapon niya at nababasag, “Sir, saan po ninyo tinatago ang nababasag na gamit niyo po?” kuryoso kong tanong. Todo ngapa pa rin ako at hindi alam kung saan na nagpupunta, “Kayo rin po ba ang nagtatapon nito?” dagdag ko pa. “Kasama ba sa trabaho mo ang pakialaman ang buhay ko, Maria?” tanong niya pabalik sa ‘kin. Parang may yelo siyang pinupukol sa ‘kin at hindi ko maiwasan. “Ah, kasi, sir. Kasama sa trabaho ko ang alamin kung may maitutulong po ako,” I reasoned out. Napatikom ako ng bibig nang biglang tumama at bumangga ang tuhod ko sa isang matigas na bagay, “Aray ko, nasaan na ba ako?” tanong ko sa sarili. Napatalon-talon ako para mawala ang sakit. Hinawakan ko ang bagay na ‘yon hanggang sa makakapa ako ng isang malambot na bagay. Nasa kama niya na yata ako. “You can do whatever you want outside this door but not here inside, Maria. Sa kwartong ‘to ako ang masusunod,” malamig niyang sambit. Pakiramdam ko nasa tenga ko ang mga labi niya habang nagsasalita. Naninindig kasi ang mga balahibo ko sa batok. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Sa ilang linggo ko dito ngayon lang kami nagkaroon ng ganito kahabang pag-uusap. Pero kapag nag-uusap kaming dalawa para akong kinilabutan lagi. Hindi ko alam kung anong klaseng kilabot. “Opo, sir. Hahayaan ko na lang po kayong magbasag lagi. Kapag po kailangan niyo ako nasa kabilang kwarto lang ako,” bilin ko sa kaniya. Tumingala ako para kumuha ng lakas sa paggalaw dahil sa tingin ko unti-unti itong nawawala bawat hakbang na ginagawa ko. He cleared his throat, “Just be in time, Maria. Masama akong magparusa,” mapaglaro niyang sambit. Napakagat ako ng labi. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Napalunok ako ng malaki. “S-Sir, kapag natagalan po ako ibig lang sabihin no’n ay may ginagawa ako,” nangangapos ang hininga ko sa kaba. I should calm myself baka bigla akong atakehin sa puso. Naglakad ako hanggang sa unahang bahagi ng kama. Alam kong nandito siya. Mahigpit kong hinawakan ang bedsheet. “Not acceptable reason, Maria.” Naestatwa ako sa kinatatayuan ng may pumulupoy bigla sa beywang ko. Hindi ako makagalaw dahil sa kaba at nawawala ako sa wisyo, “Alam na alam mo kung gaano ka ikli ang pasensya ko ‘di ba?” mahina niyang tanong sa tabi ng tenga ko. Ibang-iba ang boses niya, sa tingin ko malaki siyang tao, ni isang litrato wala akong nakita sa buong bahay na ‘to. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa ‘kin kaya napayuko ako. Half of me is scared and half is not. “S-Sir, opo, opo!” tugon ko. “Tama ‘yan, Maria. Kailangan mo lang na sundin ako para wala tayong problemang dalawa,” bulong niya. Something is tickling me. I nodded my head, “Opo, susundin kita. Puwedi ko na po bang kunin ang kumot at bedsheet mo?” kinakabahan kong tanong sa kaniya. Nanatili pa rin siyang nakahawak sa beywang ko. Para lang akong niyayakap ng isang kaluluwang hindi ko makita. Ilang segundo ang lumipas ng dahan-dahan niyang hubadin ang braso niya mula sa ‘kin. Doon na ako nakahinga ng maluwag. I heard his footsteps walking away, nakasunod ang titig ko pero hindi ko siya maaninag. Narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan na sa tingin ko ay mula sa banyo niya. Binilisan ko na lang ang pagpapalit ng kaniyang bedsheet at comforter bago pa siya nakalabas sa banyo. “Tapos na po, sir. Aalis na po ako.” Humakbang na ako ng ilang beses ng maisipan kong humingi ulit ng permiso, “Sa susunod sana kurtina naman dahil madami na po ‘yang dumi,” usal ko at tipid na ngiti. Sana ganito lang siya lagi para walang sigawan. “Paliguan mo ako sa susunod na araw,” tanging naging sagot niya sa ‘kin. Kumunot naman ang noo ko. “Paano po? Saan?” tanong ko sa kaniya. Sa pagkukulong niya ata wala na siyang alam na gawin. Bumalik ata siya sa pagkabata. “In the bathroom, of course.” “Na madilim po?” paninigurado kong tanong. Tumaas ang dalawa kong kilay sa paghihintay ng sagot niya. Sumimangot ako, bakit ang tagal niyang sumagot? Nawala na rin ba ang mga alaala niya? Nakakainis. “Yeah, probably,” tipid niyang sagot. Umirap ako. Hindi naman niya makikita. Mahigpit kong hinawakan ang mga beddings sa mga braso ko, “Ano po ang gusto niyong hapunan?” para naman magkaroon siya ng ganang kumain kung paborito niya ang lulutuin ko. “I don’t know,” he replied. Bumagsak ang balikat ko habang naglalakad palabas mula sa kwarto niya. Wala yata siyang alam sa mga putahe. Ipinagsawalang bahala ko na lang ‘yon. Kulay abo pala ang beddings niya. Kung hindi ko pa sinabi sa kaniya na kailangan kong labhan ang bedsheet niya, ayaw pang ibigay, e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD