Nilagay ko muna sa malaking batya ang mga ito at nilagyan ng powder. Mamaya ko na ‘to kikiskisin. Tumayo ako at naglakad-lakad sa bakuran namin. Yes, namin dahil dito rin ako nakatira, e. tumingala ako sa puno ng mangga. Ang taas naman nito, paano ko siya maabot? Naghanap ako ng puweding gawing pangkalabit sa bunga pero wala.
“Sayang, ang sarap sana tingnan, e,” sabi ko sa sarili. I put my hands over my waist. Nakakainsi dahil hanggang titig na lamang ako.
Tatalikod na sana ako ng makita si manong Lando a parating at may dalang mga bag na gawa sa banig. Lumiwanag ang mukha ko ar kumaway sa kaniya.
“Manong!” tawag ko sa kaniya. Halos mapunit ang mukha ko, ilang linggo na akong walang makausap ng maayos.
Tumawa siya sa ‘kin, “Maria, andito ka pa rin pala? Akala ko meron na naming bagong kasambahay si sir, e,” natatawa niyang sambit. Kung ano ang hitsura niya sa una naming pagkikita ay gano’n pa rin ngayon. Busy nga talaga ata siya sa plantasyon. Gusto ko ring mamasyal doon. Ngayon lang din kasi ako nakakita ng mga magsasaka sa personal.
Marahan ko siyang pinalo, “Grabi naman kayo. Hindi naman ako gano’n ka weak ‘no!” depensa ko sa sarili. Inabot niya sa ‘kin ang dalwang bag.
“Nasanay lang ako na paiba-iba ang tao dito. Pakilagay na lang ‘yan sa ref ni sir. Sabihin mo bagong harvest ang mga ‘yan,” sabi niya. Napanganga ako habang nakatitig sa mga bag na ngayon ay hawak ko.
“Ang daming gulay naman nito.” Komento ko. tumango siya sa ‘kin, “Salamat, manong.”
“Walang ano man. Teka, hija.” Nagtaka naman ako kung ano ‘yon. Lumapit ang bibig niya sa tenga ko habang nakatakip ang palad niya na parang may ibubulong, “Kamusta si sir? Okay ba siya?” mahina niyang tanong na parang ayaw marinig ng iba.
Napanguso ako saka tumango, “Opo, okay naman siya. Bigo lang talaga siya,” sabi ko sakaniya. He nodded his head as his response. Bumalik ulit ang mga tingin ko sa ibabaw ng puno ng mangga.
“Alam mo kasi, hija. ‘Yang si sir, sobrang bait niyan. Sinasabi ko sa ‘yo, lahat ng tao dito ay kaibigan niya,” he said proudly. Alam ko naman ‘yon, he seems kind pero kasi iba rin ang nadudulot ng sakit na nararamdaman sa pakikitungo nila sa ibang tao.
“Manong, puwedi bang makisuyo?” I clasped my hands together. Lumabi ako. I wiggled my eyelashes, pleading. Nagkamot siya ng ulo habang nakangiti.
“Oo naman, hija, basta kaya ko.” Tumango ako sa kaniya.
Itinuro ng hintuturo ko ang bunga sa ibabaw naming. Nagkatinginan kaming dalawa at binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Sabi niya parang hindi na yata niya kayang umakyat sa taas pero pipilitin daw niya para makuhanan ako ng bunga.
“Manong, ‘yong nasa kanan po!” sigaw ko mula dito sa baba. Nasa taas na siya, kung ako ‘yan mahuhulog ako dahil sa pagkalula. Tumawa ako ng malakas. Nanginginig daw ang mga binti niya. “Kaya mo ‘yan!”
“Eto ba ‘yon?” tanong niya sa ‘kin at hawak ang maling bunga. Umiling ako ng ilang beses, “Saan banda?”
“’Yong nasa kabilang bunga, manong!” tugon ko. Meron siyang dalang plastic para daw hindi mahulog. Ang dami na ng kinuha niya kaya pinababa ko na siya. Maghahanap ako mamaya ng bagoon. Ang mahal kaya nitong mangga sa Manila, dito libre lang, e. Binigay niya sa ‘kin ang supot. Isa-isa kong tiningnan ang mga laman nito, “Ang lalaki na pala, hindi niyo ‘to benebenta?” tanong ko sa kaniya. Napaupo si manong sa lupa at nakataas ang damit. Hanggang ngayon hinihingal pa rin siya.
He shook his head, “Hindi, hija. ‘yong mga nandito para lang sa mga taong nakatira sa bahay na ‘yan,” sagot niya sa ‘kin. Naiintindihan ko naman. Siguro family use lang gano’n. nagpaalam na siyang umuwi dahil kakain daw muna siya sa bahay nila. Nagpaalam na rin ako, kakain na muna ako nitong mangga. Pumunta ako sa kusina at binalatan ito gamit ang peeler. Hindi ko na kailangang kutsilyo ang gamitin dahil may ganito sa bahay niya. I slice it all. Nilagyan ko si sir sa magkaibang platito.
“Meron pala ditong bagoong!” masigla kong sabi. Agad ko itong tiningnan. Mukhang mamahalin. I opened it, inamoy ko ito at napapikit sa sarap ng amoy, “Wow, ang sarap nito.” Nilagyan ko ng bagoong ang pinggan ko at gano’n din kay sir. Inuna ko muna siya kaysa sa aking sarili. Umakyat ako sa kwarto niya.
Kumatok ako ng dalawang beses, “Meron akong manggang iiwan sa tapat ng pintuan mo. Kuhanin mo na lang,” sabi ko sa kaniya. Akma akong tatalikod dahil sa pagtatakam kung kumain ay narinig kong nagsalita siya.
“Sinong nagsabi sa ‘yong kumuha ka ng mangga do’n?” matigas niyang tanong. Nanlaki ang mga mata ko. I gulped, paano niya nalaman na sa harapan ako kumuha?
“Saan po?” maang-maangan kong tanong sa kaniya. Napakagat ako ng mga daliri. Bawal bang kumuha do’n? kakasabi niya lang na gawin ko ang gusto kong gawin kanina, e.
“Sa harapan, Maria. ‘Wag na ‘wag kang pumitas doon.”
Napapikit ako sa kaba. Ano na naman kaya ang gagawin niya? “Uhmm… hindi naman ako kumuha sa harapan na mangga, sir. Binigyan lang po ako ni manong Lando,” pagdadahilan ko. para akong binagsakan ng langit at lupa sa sagot niya. Patay!
“Really? Dahil sa pagkakaalam ko, walang ibang puno ng mangga sa plantasyon ko kung ‘di ang nasa bakuran ko lang,” sagot niya sa ‘kin. Napaawang ang mga labi ko. gusto ko na lang magtago sa ilalim ng lupa. Magsisinungaling na nga lang hindi pa nakalusot.
“Talaga po? Saan kaya ‘to kinuha ni manong?” napatampal ako ng mukha, “Sige po, bababa na muna ako.” Paalam ko sa kaniya at agad nang tumakbo paalis a harapan ng kwarto niya. Kung maasim ang mangga ay mas maasim ang mukha ko dahil sa pagkahiya kanina. Kaya siguro sinabi kanina ni manong na para lang ‘to sa mga taong nakatira dito.
Ipinagsawalang bahala ko na lang ‘yon at ipinagpatuloy ang pagkain. Sa totoo lang, mas masarap talaga kainin kapag bagong pitas.