Umakyat ako dala ang malinis na body towel, at shower gel sa mga kamay ko. Ngayong araw siya maliligo, at paliliguan ko siya. Wala naming kaso sa ‘kin ‘yon kasi kaya ko naman pero ang hindi ko gamay ay ang dilim. Paghinto ko sa harapan ng kwarto niya ay nilapit ko ang tenga sa gawi ng pintuan. Wala akong ibang marinig, kagabi malakas ang iyak niya, e. Umayos ako ng tayo saka dahan-dahang kumatok sa pintuan niya.
“S-Sir,” sambit ko at napatikom ng bibig. Huminga ako ng malalim para kumuha ng buwelo, “Paliliguan na po kita,” dagdag ko. Hinawakan ko ang doorknob at sinubukang buksan iti pero naka- lock. Binaba ko ang mga kamay at naghintay ng tugon mula sa kaniya. Nawalan na ako ng pag-asa. Kung hindi ngayon, kailan? Baka hindi pa siya naliligo magmula ng iniwan siya, naku!
Pabalik-balik akong naglakad habang kinakagat ang mga mga daliri ko. Nagsimula akong kabahan, bakit hindi man lang siya nagsasalita? Dapat kung ayaw niya tinataboy niya ako. May nangyari kayang masama sa kaniya? Napatakip ako ng mukha sa takot. Baka hindi niya nakayanan ang sitwasyon at sinakal ang sarili. Please, ‘wag naman po sana. Hindi pa rin ako mapakali. Muli kong kinatok ang pintuan niya.
“Sir! Okay lang po ba kayo?” nag-aalala kong tanong sa kaniya. Napapadyak ang mga paa ko. nilakasan ko ang pagkatok ng sunod-sunod, “Sir! H-Hindi niyo naman siguro b-binitay ang sarili niyo ‘no?” nauutal kong sambit. Napatampal ako ng sarili. “Ano ba ‘tong pinagsasabi ko?” bulong ko.
Nawala ang pag-aalala at kaba ko ng makitang gumalaw ang sikadura ng pintuan. Dahan-dahan kong binaba ang mga kamay mula sa bibig at nanatiling nakaawang ang mga labi.
“BAKIT KA BA SUMISIGAW?! DO YOU REALLY WANNA DIE RIGHT NOW?” malakas niyang tanong sa ‘kin. Napatakip ako ng bibig.
Umiling ako ng ilang beses, “Ah, naku hindi po, sir! Nag-aalala lang po ako sa inyo at baka ano ang ginawa mo sa sarili mo,” sagot ko sa kaniya ng may pagmamadali, “Ano po ba ang ginawa niyo, sir?” kuryoso kong tanong. Itinulak ko ang pintuan sakto lang para makapasok ako. Hindi ba talaga puweding buksan ang ilaw? Nakakatakot talaga ang kwarto niya, feeling ko ilang minuto merong gagapang na ahas sa likuran ko. I closed the door softly.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa ng mga lalaki kapag umaga, Maria?” mapaglaro niyang tanong. I nibbled my lower lip. Kinakabahan talaga ako kapag nandito ako sa loob ng kwarto niya, nawawala ako sa tamang pag-iisip.
Pinilit kong mag isip sa tanong niyang ‘yon. Ano ba ang ginagawa nila kapag umaga. Nang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin ay uminit ng husto ang pisngi ko. Iniling ko ang ulo at pinipilit iwakli ang imahe ng isang lalaking hawak ang kaniyang sarili. Hindi ko alam kung saan babaling sa sobrang hiya. Kahit hindi naman niya alam kung ano ang hitsura ko ngayon.
“S-Sorry po, sir. Hindi ko po sinasadyang malaman,” mahina kong sabi sa kaniya.
I heard him laughed darkly. Hindi siya tawa na nasisiyahan kagaya ng nariring natin. Parang may nakabarang bagay sa lalamunan ko.
“Let’s get going, Maria. I don’t want you to stay longer.” Tumango ako sa kaniya. Narinig ko ang paglalakad ako niya at ako ay nanatiling nasa puwesto ko. Humigpit ang hawak ko sa mga gamit.
“Sir,” tawag ko sa kaniya na parang batang nawala sa lugar na hindi siya pamilyar, “Hindi ko po alam kung saan banda ang banyo niyo,” sambit ko. Hinakbang ko ng isang beses ang mga paa ko. Paano ba siya nakakakita dito? Umiilaw ba ang mga mata niya? Bumuntong-hininga ako. I stiffened when I heard his footsteps coming. Niyakap ko ang mga gamit na hawak ko. kumabog ng malakas ang dibdib ko na parang tinatambol ito ng madaming tao.
Mabilis pa sa kidlat ang paghawak niya sa pulsuhan ko saka niya ako hinila. Ang lamig ng palad niyang nakahawak sa ‘kin. Hinayaan ko siyang dalhin ako sa lugar kung nasaan ang banyo niya. Pumintig ang tenga ko ng makarinig ng pagbukas ng pintuan. Hay salamat naman. Ipinahawak niya sa ‘kin ang krystal na nakatayo.
“That’s the wall of my bathroom,” he said. Ang mahigpit na hawak niya kanina ay naging maingat na, “This is an open door.” He pulled me inside. Bumangga ang paa ko sa edge ng bathtub niya. Siguro gawa ito sa porcelana. Kahit hindi ko nakikita ay namamangha ako, “In front of us is my bathtub.” Ang gwapo naman pala ng boses niya kapag hindi sumisigaw. Napangiti ako, isa-isa niya kasing tinuturo sa ‘kin ang mga bagay- bagay.
“Thank you, sir. Mabait naman pala kayo,” sambit ko at ngumiti ng napakatamis, kasingtamis ng mga kendi.
Bigla siyang bumitaw mula sa ‘kin. Napatikom naman ang bibig ko at binawi ang kamay. Pinaandar niya ang gripo ng malakas. Siguro gusto niyang punuin ito. I overheard the splashes of water, that means tumungtong na siya sa bathtub. Hindi ko alam kung saan ako pepermi.
“Come here, Maria,” sabi niya sa ‘kin. My eyes become round.
Napalunok ako ng malalim, “Ha? Saan po, sir?” tanong ko sa kaniya. Nagda-dalawang- isip ako. Tumambol na naman ang dibdib ko.
“Dito, sa taas ng bathtub. Paliliguan mo ako, hindi ba?” tanong niya sa ‘kin. Agad naman akong napatango. Hindi pakali ang mga paa ko.
“O-Opo, sir. T-Teka, saan ko po ilalagay ang tuwalya at gel mo?” kinakabahan kong tanong sa kaniya pabalik. Napakagat ako ng ibabang labi. Biglang may humila sa hawak ko. Hindi na ako nagtaka pa, si sir na ‘yon. Bumuga ako ng malakas na hangin. Huminto ang pagbuhos ng tubig. Pinagpapawisan ako ng malamig at tanging kabog na lamang ng dibdib ko ang naririnig ko ngayon. Humugot ako ng lakas ng loob bago iniwan ang tsenilas sa sahig. Una kong inapak ang mga kanan kong paa sa tubig, nanindig naman ang balahibo ko sa sobrang lamig. Sa pangalawang paa ay muntikan ko na siyang matapakan.
“Ay! Sorry po!” mabilis kong tugon. Hanggang tuhod ko ang tubig. Para akong nasa pool.