Maria’s POV Nagpagpag ako ng kama para maghanda nang matulog. Sinigurado kong nakasara ang mga bintana sa kwarto ko. Plano ko sanang mamasyal sa plantasyon pero hindi ko alam kung papayagan ako ni sir. Gusto ko talagang libotin ‘to. Sa Manila walang magsasaka kaya namamangha ako kapag nakikita sila. Ang mga pinaghirapan nila ay siyang kinakain naming. Tumatak sa isipan ko ang mga sinabi noon ng teacher, kung walang magsasaka ay wala kaming makakain. Hindi naman kami kagaya nila na may alam sa pagtatanim. Kaya dapat kaming magpasalamat sa pinaghihirapan nila. Humiga ako sa kama saka nagtakip ng katawan gamit ang makapal na kumot. Kapag araw medyo mainit pero kung gabi ang lamig ng simoy ng hangin. Kakatapos ko lang din ang pagtawag sa mga kapatid ko. Napag-alaman kong may honor daw si bu

