Napakunot ang noo ko nang pumasok ang sasakyan ni Crista sa isang subdivision. Bawat bahay na madaanan namin ay malalaki at nagtataasan ang gate ngunit karamihan sa mga iyon ay kapansin pansing mga luma na ang disenyo. Parang katulad noong sa mansion ni Don Milo. “Dito ko itinago si ate Lucy,” paliwanag ni Crista na nabasa marahil ang pagtataka ko. Pumasok ang sasakyan niya sa isang malawak na bakuran. Inilibot ko ang mga mata. Luma na ngunit malaki ang bahay na nasa harapan ko. Kaylawak din ng garden sa harapan ngunit napansin kong ang mga damo ay may kataasan na at ang mga halaman ay hindi na naalagaan. Nagkalat din ang mga tuyong dahoon sa paligid dahil sa isang sulok ng bakuran ay may malaking puno. “Dating bahay namin ito. Hindi na naalagaan nila Mom and Dad. Paminsan minsan na lan

