Labis na pagod at antok, iyan ang madalas kong maramdaman sa mga nakalipas na araw dahil sa epekto ng pagbubuntis. Madami na rin akong pagkain na iniiwasan dahil bumabaliktad ang sikmura ko sa amoy pa lang ng mga iyon. Hindi ko pa magawang magpa-checkup dahil sa pag-aalinlangan. Takot ako na baka may makakita sa akin na katrabaho. Isa pa, ni wala akong alam na clinic o kilalang magaling na OB-Gyn. Wala naman akong mapagtanungan sa opisina at mas lalong hindi ako makakapagtanong kay Ate Vicky. Hindi madali ang itago ang sitwasyon ko lalo pa at mas dumami ang mga matang palaging nakamasid sa mga kilos ko. Isa na rin sa kanila ay ang boss ko mismo.
Alam kong ipinagkakalat ni Jona na buntis ako at iniisip nilang si Dom ang ama. Hindi naman ako nagkukwento sa kanila na hiwalay na kami ni Dom. Ang totoo, hindi ko din naman sinasabi sa kanila ang relasyon ko kay Dom. Hindi ko alam kung saan nila nalaman ang tungkol sa lalaki at pati na rin ang tungkol sa dati niyang asawa. Pwede ngang maging private investigator si Jona at mga alipores niya dahil sa galing nila mag-imbestiga. Hindi ko alam kung ano ang problema nila sa akin dahil paborito niyang pakialaman ang buhay ko. Lunch break na noon nang biglang tumawag sa akin si Ate Vicky.
“Hello, ate.”
“Elyse! Ano kasi..pinatawag ako nila Tatay..”
Medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Ganito yata talaga kapag may itinatago sa pamilya, sobrang paranoid.
“B-Bakit daw?”
“Malapit na daw kasi ang birthday mo. Kung makakauwi ka daw ba dito o kung hindi ka naman pwede eh kami na lang ang bibisita sayo? Gusto nilang magkasama-sama tayo. Ewan ko ba sa mga ito at ako pa ang pinapagtanong. Nahihiya pa magsabi sayo.”
Narinig ko ang boses nila Nanay at malakas na tumawa si Ate Vicky. Mukhang katabi lang niya sila Nanay at inaasar ang mga ito. Kung gayon ay naalala nila ang kaarawan ko. Tuloyan na nga akong napatawad nila Nanay at sila na mismo ang gumagawa ng paraan para mabawi namin ang mga taon na hindi kami magkaayos. Agad ang pag-ahon ng lungkot nang maalala ko ang sitwasyon. Paano ko kaya sasabihin sa kanila na buntis ako?
“Elyse?” Boses ni ate Vicky ang nagpabalik sa akin sa kasalukoyan.
“Ha? Ahh..”
“K-Kung busy ka naman sa birthday mo—”
“Ah hindi ate! Sige, punta kayo dito para makapamasyal na rin tayo.”
“Sigurado ka? Wala ka pang ibang plano?” nagdududang tanong niya.
“Oo naman! Syempre mas gusto ko kayong kasama. Iniisip ko lang kasi kung saan magandang mamasyal.”
“Ah, okay sige sabihin ko kina Nanay. Andito nga sila at naghihintay ng sagot mo.”
Lalo akong hindi mapakali pagkatapos ng pag-uusap namin ni ate Vicky. Hindi ko magawang sabihin sa kaniya ang kalagayan ko. Buong akala ko ay maibabalik ko na sa normal ang takbo ng buhay ko, iyon pala ay lalong magiging magulo. Hindi ko inisip na magbubunga ang isang beses na pagniniig namin ng Damian na ‘yon. Oo nga pala, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya tinatawagan. Hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ko kahit pa gabi-gabi kong pinag-iisipan ang alok niya sa akin.
Wala naman talaga akong balak tanggapin ang alok ni Damian, ang kaso parang hindi ko kayang magalit sa akin muli ang pamilya ko. I don't want to embarrass them again. Natuon ang mga mata ko sa tiyan ko. Kung pagmamasdan ay parang wala namang nagbago sa akin bukod sa lalo akong namayat. Hindi ako makakain masyado dahil sa paglilihi at isa iyon sa mga ikinababahala ko. Mapait akong napangiti. Noon, ini-imagine ko ang sarili na buntis sa anak ng taong mahal ko. Pagkatapos noon ay magkasama kami ng mahal ko na magpapa-checkup at magpaplano para sa baby. Pero ngayon, paano ko gagawin iyon? Natatakot na rin ako na baka napapabayaan ko na maging ang bata sa sinapupunan ko dahil kahit anong vitamins ay wala pa akong iniinom.
Kailangan mong magdecide Elyse.
Next week ang birthday ko at darating sila Nanay. May oras pa para magdesisyon ako. Hindi ko pa rin alam kung paano nila tatanggapin kapag ipinakilala ko na si Damian sa kanila. Pero isa lang ang sigurado ako, mas lalong hindi nila matatanggap kung malalaman nilang buntis ako at walang kikilalaning ama. Baka isipin pa nilang si Dom ang ama ng ipinagbubuntis ko.
Binunot ko ang calling card ni Damian buhat sa aking wallet. Sa ngayon, sa tingin ko ay ang offer niya ang pinakamabuti para sa amin ng baby. Bahala na kung isang malaking katangahan ang papasukin ko. Magtitiis na lang ako basta masiguro kong magiging okay kami ng magiging anak ko at ng pamilya ko. Ang sabi ni Damian ay magpo-provide siya financially. Iyon na lang ang iisipin ko. Maiisalba ko pa ang sarili ko sa kahihiyan, gayundin ang pamilya ko. Kailangan niya ako at kailangan ko din siya.
Humugot ako ng hininga bago nag-dial ng numerong nakalagay sa calling card na hawak ko. Nakailang ring iyon bago may sumagot.
“Hello?” Nakilala ko agad ang boses ni Damian, pero hindi ko naman magawang magsalita. Parang umurong yata ang aking dila.
“I'm not sure who you are, but I'm very busy right now. So please don't waste my time if you have nothing to—”
“Si Elyse ito,” mabilis na sagot ko. Siya naman ang natahimik sa kabilang linya.
“You have decided,” maya-maya ay sambit niya.
“Y-Yes. P-Pumapayag na ako. I..I mean..’yong alok mong kasal.” Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko sa tindi ng kaba. Kailanman ay hindi ko inisip na sa ganitong paraan ako papayag na magpakasal. Sana lang talaga ay tama ang desisyon kong ito.
“That’s good news. If you are available tomorrow ay ipapasundo kita diyan sa apartment mo para magkausap tayo ng maayos,” mabilis na sagot niya.
“O-Okay,” iyon lang ang naisagot ko sa kaniya.
Pagkababa ko nang telepono ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Noon ko lang namalayan na pinipigil ko pala ang paghinga habang kausap ko siya. Hindi ko na pinahaba pa ang usapan namin dahil baka may makarinig na naman sa mga alipores ni Jona.
Buong hapon ay hindi ako mapakali. Iniisip ko kung tama nga ba ang desisyon ko. Pero sa tuwing naaalala ko ang pamilya at ang pagbubuntis ko ay nawawala lahat ng agam-agam ko. Kinukumbinse ko na lang ang sarili na tama ang gagawin ko.
KINABUKASAN ay nag-ayos ako para sa pagkikita namin ni Damian. Halos hindi ako nakatulog sa kaiisip kung tutuloy pa ba ako. Napapitlag pa ako ng mag-ring ang aking cellphone.
“Hello?”
“Miss Ramos? Si Larry po ito. Ako po ang inutusan ni Sir Damian na sumundo sayo,” magalang na paalam sa akin ng lalaki sa kabilang linya.
“Ah…O-Okay.” Nawawala na naman ako sa sarili.
“Nandito na po ako sa tapat ng apartment nyo Maam.”
“Sige, sandali lang. Pababa na ako,” sagot ko. Sinulyapan kong muli ang salamin sa kwarto at inayos ang damit saka nagmamadaling lumabas.
Silver gray na luxury car ang tumambad sa aking harapan. Nag-alangan ako kung ito nga ba ang sundo ko, pero bumaba ang lalaki buhat doon at binuksan ang pinto ng sasakyan habang nakatingin sa akin kaya humakbang na ako papalapit dito. Hindi naman ngayon ang unang pagkakataon na nakasakay ako sa ganitong sasakyan. Ang totoo ay magaganda din ang mga sasakyan na dinadala ni Dom sa tuwing lumalabas kaming dalawa noon. Mahilig siya sa sasakyan at alam ko na galing siya sa mayamang pamilya. Iyon nga lang, hindi niya ako nagawang ipakilala sa mga ito.
Namamawis na ang kamay ko sa kaba habang nasa byahe. Napapansin kong manaka-nakang sinusulpayan ako ng driver pero hindi naman siya nagsasalita. Namalayan ko na lang na nasa basement parking na kami ng sa tantiya ko ay nasa thirty storey building. Parang gusto kong umurong nang makapasok kami loob ng building. Napatingin ako sa pamilyar na letrang “M” na logo ng kilalang Real Estate company sa bansa, ang Millenia Development Corporation.
Nagtungo si Larry sa elevator kaya napipilitan akong sumunod sa kaniya. Pinindot niya ang twenty fifth floor at gusto kong mapadasal.
“W-Wait lang,” pigil ko sa kanya. “D-Dito ba nagtatrabaho si Damian?”
Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Yes Maam,” tipid na sagot niya at bahagyang tumango.
Sino ba si Damian? Nabanggit niya sa akin na nagpapatakbo siya ng isa sa mga negosyo ng lolo niya. Noon ko napagtanto ang apelyido niya.
Hmm. Rodriguez? Teka, ang pagkakaalam ko ay mga Rodriguez ang may-ari ng sikat na Millenia Corporation!
Sh*it! Hindi ko naman akalain na ito ang kompanya na tinutukoy ni Damian!
My heart rate increased, and my knee began to tremble. Gusto ko na talagang umurong pero hindi ko magawa. Bumukas ang pinto ng elevator at lalo akong nanliit. The entire floor is well-lit. A stunning interior complements the gleaming flooring. All the furniture, from couches to tables, workstations to chairs, and cubicle walls, exudes an impression of luxury. Agad na sumalubong sa akin babae na nakasuot ng business suit. Mukhang nasa fourty years old na ang edad niya, maganda at maayos na maayos ang pagkakapusod ng buhok niya.
“Good afternoon, Miss Ramos. My name is Rose. Sir Damian is currently in a meeting. He requests that you wait for him in his office. Please follow me.”
Agad siyang tumalikod at nauna na siyang maglakad sa akin kaya naiilang na sumunod ako. Sana lang ay huwag akong madapa dahil sa panginginig ng aking tuhod. Parang hinahalukay na rin ang aking sikmura sa kaba. May nadaanan kaming dalawang babae na nakapwesto sa pahabang desk. Kapwa sila napatingin ng tumapat kami sa kanila at tipid na ngumiti. Tumigil si Miss Rose sa tapat ng isang malaking pinto. Iminuwestra niya ang kamay at hinintay niya akong buksan iyon. Sa nanginginig na mga kamay ay dahan-dahan kong itinulak iyon pabukas.
Napasinghap ako sa bumungad sa aking opisina. Napakalawak niyon. Tila mas malawak pa iyon sa isang buong Department namin! The glass wall offers a glimpse of the building's surroundings. At the very center is a desk that appears to be made of expensive wood. Maayos na nakapatong doon ang ilang dokumento at lapis pati na rin ang laptop. Kung sino man ang umookupa ng opisinang ito ay masasabing hindi basta-basta ang position sa company. At sa ngayon nga ay alam kong si Damian iyon. Bigla ay para akong nanghina. Namataan ko ang sofa na nasa isang sulok at naupo ako doon. In spite of the sofa's coziness, I still cannot relax. Ilang minuto na akong naghihintay sa loob ng opisina at hindi na ako mapakali. Tiningnan ko ang oras, pasado alas dos na ng hapon. Bigla ay bumukas ang pinto at natuon ang mga mata ko sa lalaking dumating. Nakatayo si Damian malapit sa pintuan habang nakatingin sa akin. Literal na napanganga ako sa kaniya.
He is in a business suit. Bagay na bagay iyon sa kaniya at lalong napakagwapo niyang tingnan. Looking at him now, I could say that his very presence exudes authority. Alam ko namang gwapo siya, pero ang Damian na nakatayo sa harap ko ngayon ay ibang-iba sa Damian na nakilala ko sa bar. Tumikhim siya at noon lang ako natauhan mula sa pagkakatitig sa kaniya.
“Elyse,” banggit niya sa pangalan ko. He walks confidently towards me habang hindi ko inaalis ang mga mata sa kaniya. “Let us discuss my proposal.”