“D-Don’t you remember me?” Lalong nalusaw lahat ng lakas ng loob na inipon ko sa loob ng ilang araw dahil sa reaction niya.
Bahagya pa siyang natawa ganoon na rin ang mga kasamahan niya. Dahil doon ay lalo akong napahiya.
“You know, Miss, that is an old trick. Hindi talaga kita natatandaan.”
“N-Nagkakilala tayo dito.” Tumaas ang kilay niya kaya mabilis akong nagsalita ulit. “May importante lang sana akong sasabihin sayo.”
“What is it?” yamot na tanong niya.
“It's something I'd prefer to say in private.” Paano ko ba sasabihin sa lalaking ito kung parang ayaw naman niyang makipag-usap man lang sa akin? Busy siya sa babaeng kung makalingkis sa kaniya ay tila wala ng bukas.
“Tss! Dito mo na sabihin—”
“Importante kasi! Kahit saglit lang, I need to talk to you,” putol ko sa kaniya. Natatawang kinantyawan siya ng mga kasamahan niya at unti-unti na akong naiinis dahil doon.
“Miss, can’t you see I’m busy?” pagalit na tanong niya. “Kung ano man ‘yan—"
“Fine! I’m pregnant! Nabuntis mo ako!” Sinadya kong lakasan ang boses.
Bigla ay natigil ang mga kasamahan niya sa pagtawa. Natahimik ang mga ito at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Siya naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig sa mukha. Kanina pa ako napapahiya dahil sa kasungitan ng lalaking ito. Pwes! Siya naman ngayon ang mapahiya!
Sa pagkagulat ko ay bigla siyang tumayo at hinila ako sa kamay. Walang imik at mabibilis ang mga hakbang niya palabas ng bar at halos makaladkad na niya ako.
“Ano ba—”
“Anong sinasabi mo?” asik niya pagkarating namin sa labas. Pabigla niya akong binitiwan at halos mawalan ako ng balanse. Tumaas-baba ang dibdib niya sa tinitimping galit.
“T-Totoo ang sinasabi ko. Buntis ako.”
Tumawa siya pero halata ang inis doon. “Paano?”
“Anong paano? May nangyari sa atin kaya nabuntis ako! Ayaw mong maniwala? Gusto mong ipakita ko sayo ang PT ko? Ayan!” inis na sagot ko at ibinato ko sa kaniya ang PT na palagi kong dala. Tumama iyon sa dibdib niya at bumagsak sa sahig. Sinundan ng mga mata niya iyon at makikita doon ang dalawang linya. “May dala pa ako ditong extra kung hindi ka naniniwalang akin yan.”
Napahugot siya ng hininga at tumingala. “I can’t believe it! Ako talaga? Gaano ka kasigurong ako ang ama ng pinagbubuntis mo?” maya-maya ay tanong niya.
“Anong sabi mo? Ang kapal ng mukha mo ah!” Hindi ko na pinag-aksayahang hinaan ang boses ko. Nakaagaw na kami ng pansin sa iilang tao sa paligid kaya hinila niya ulit ako. Nagtungo kami sa kotseng naka-park di kalayuan sa pwesto naming. Pilit na pinaupo niya ako sa passenger’s seat. Nagpumiglas ako pero sa huli ay wala na rin akong nagawa dahil mas malakas siya sa akin.
“Pinagdududahan mo ba ako?” galit na tanong ko nang makaupo siya sa driver’s seat.
“You can’t blame me!” bwelta niya matapos buhayin ang makina ng sasakyan.
Akmang sasampalin ko siya pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko. Nagtama ang aming mga mata at nabasa ko doon ang inis niya. Napatitig ako sa kaniya hanggang sa bitiwan niya ako. Unti-unti ay nawala ang tapang ko nang mapagmasdan ko siya.
Tama siya. I have no reason to be angry with him.
Masakit dahil kailanman ay hindi ito ang pinangarap ko. Totoo naman ang sinabi niya, hindi ko siya masisisi kung magduda siya. Ni hindi namin kilala ang isa’t-isa. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa samut-saring emosyon. Ilang araw na akong nag-iisip. Katulad niya ay hindi ko naman ginusto ang sitwasyon, pero mukhang wala naman akong mapapala sa pagsasabi sa kaniya ng pagbubuntis ko.
Marahas siyang nagbuntong-hininga niya at naihilamos pa ang palad sa mukha. Ilang minuto siyang hindi kumikibo at hindi din nagsasalita. Ano ba ang aasahan ko? Magtatalon at sumigaw siya sa tuwa tulad ng mga napanuod ko sa pelikula?
“S-Sinasabi ko lang sayo para alam mo. I-Ikaw lang naman ang…ang nakagalaw sakin. Hindi naman ako maghahabol sayo,” mahinang sambit ko.
Hindi pa rin nagsalita ang lalaki. Halata sa mukha niya na nahihirapan din siyang iproseso ang mga sinabi ko. Mas halata din ang disgusto niya at gusto kong masaktan para sa batang dinadala ko. Kahit naman hindi ko ginustong mabuntis ay hindi nangangahulogang wala akong nararamdaman sa batang dinadala ko.
“S-Sige. Aalis na ako,” paalam ko dahil hindi ko na matagalan ang pananahimik niya. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan nang magsalita siya.
“Wait!” Pigil niya sa akin.
Nilingon ko siya at sinalubong ako ng mga mata niya. “I’m sorry. Naalala na kita.”
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kaniya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
“I know I tried to ask you to marry me that night, but the baby isn't part of the agreement.”
“Wala naman akong planong magpakasal sa iyo eh! Hindi ‘yon ang dahilan kaya kita hinanap.”
“What is your reason then? Hindi ba hinanap mo ako dahil gusto mong panindigan ko ang baby na ‘yan?”
Hindi ako nakaimik. Ano nga ba ang gusto kong mangyari?
“Hindi ko alam. N-Nagugulohan ako. Basta gusto lang kitang mahanap at sabihin sayo, h-hindi ko din alam ang gagawin ko pagkatapos kitang mahanap,” amin ko.
Isang nakabibinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Diretso siyang nakatingin sa unahan ng sasakyan. Nakatitig sa kawalan. Mukhang malalim ang iniisip niya. Ako naman ay lalong hindi makali sa pwesto.
“Accept my proposal then,” he suggested.
Marahas akong napalingon sa kaniya. I didn't even think about getting married to him at all!
“What? I can’t believe you! Gagamitin mo pa talaga ang sitwasyon para sa personal mong interes?” Hindi ko naitago ang inis.
“So, what exactly are you suggesting? Don’t tell me na magpapa-abort ka--”
“Of course not!” Tiningnan ko siya ng masama ngunit tila hindi naman siya apektado. Sinalubong lang niya ang tingin ko.
“Look Miss, do you think it will be easy for me to believe what you say? Basta ka na lang pupunta sa akin at sasabihing buntis ka at ako ang ama? I don’t even know if you’re telling the truth. Pero handa akong paniwalaan ka, pwede naman akong magrequest ng test pagkalabas ng baby. Basta pumayag ka lang—”
“Sinasabi ko sayo ikaw ang ama nito! Kung ayaw mong maniwala, kalimutan mo na ang sinabi ko! Wala kang kwenta!” Alam kong namumula na ako sa inis at panliliit sa sarili dahil sa mga sinabi niya. Mabilis kong binuksan ang pinto ng sasakyan niya at lumabas. Nagmartsa na ako paalis ng lugar na iyon pero naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso. Muli ko siyang hinarap.
“Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto mong mangyari. I’m just being rational. Sabi mo ay buntis ka kaya papakasalan kita kahit hindi pa ako sigurado kung sa akin nga ‘yan. Matutulongan mo din ako sa problema ko. Parehong convenient para sa ating dalawa.”
Kung tutuusin ay tama siya. Kaya lang hindi ko maiwasang masaktan. Kasalanan ko din dahil pumunta ako sa kaniya ng walang malinaw na plano. Hindi buo ang isip ko kung ano ba ang gusto kong mangyari.
“H-Hindi ko alam kung matatanggap ko ang inaalok mo. Masyadong sagrado para sa akin ang kasal.” Marahil mahirap paniwalaan lalo na sa tulad kong may hindi magandang reputasyon. Hindi ko iginalang ang kasal nina Dom at Lucy noon.
“Pag-isipan mong mabuti. Pareho tayong makikinabang dito. Sinabi ko na sayo ang mga kondisyon ko at mapapag-usapan pa natin ‘yon ng maayos. Kailangan natin ang isa’t-isa sa ngayon.
“Ganoon ka na ba ka-desperado?” imbes ay sarcastic na tanong ko.
“Wala kang idea kung gaano kalaki ang nagbabadyang mawala sa akin dahil lang sa gusto ako makita ni Lolo na maikasal. Here is my number. Pag-isipan mong mabuti,” inabot niya sa akin ang calling card niya.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko dahil tinanggap ko iyon. Walang imik na tinalikuran ko siya at naglakad na palayo. Sinulyapan ko ang pangalan na nakalagay sa card.
Damian Rodriguez.
So, Damian Rodriguez pala ang pangalan ng ama ng magiging anak ko?
Gusto kong maiyak. Alam ko na agad na mahal ko ang magiging anak ko, pero hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa ama niya. Nanghihinang napaupo ako sa kama pagkarating ko sa apartment. Alam kong isang kabaliwan pero pinag-iisipan kong mabuti ang mga sinabi ni Damian. Mas makabubuti ba para sa amin ang tanggapin ang alok niyang kasal?