Isang buwan na ang lumipas magmula nang umuwi ako sa amin sa probinsya. Magmula noon ay naging madalas ang pangungumusta sa akin ng mga magulang ko. I'll admit that I still miss Dom a lot, but I've made the decision to move on with my life. Unti-unti ay naayos ko ang trabaho at hindi na ako madalas pag-initan ni Maam Abigal.
“Lunch break na, hindi ka kakain?” tanong ni Nina sa akin nang mapansing hindi ako umalis sa pwesto ko.
“Hindi na siguro. Masakit ang ulo at tiyan ko,” sagot ko.
“Uminom ka na kasi ng gamot. Ilang araw mo na rin iniinda 'yan ah? Or magpa-checkup ka na, baka mamaya kung ano na ‘yan”
Sa lahat ng katrabaho ko, si Nina lang ang maayos akong pinapakitunguhan. Karamihan sa mga kasamahan ko sa Finance Department ay walang ginawa kundi pagtsismisan ako. Isa na roon ang malditang si Jona. Iniisip ko nga kung paanong natanggap siya at mga alipores niya sa trabaho, may degree nga sila pero ugaling kanto naman. And because our office occupies only two levels of the building, the rumors that they are beginning spread quickly. Nagsimula ang lahat nang malaman nila na may naunang asawa ang boyfriend ko noon na si Dom. Akala mo ay kay lilinis nila, nilayuan nila ako at hinusgahan ang buo kong pagkatao. Ako ang naging paborito nilang topic araw-araw.
“S-Salamat. Lilipas din siguro ito,” sagot ko at inayos ang pwesto. Ang plano ko ay iidlip muna ako para magpalipas ng antok. Naramdaman kong lumabas na si Nina ng opisina namin kaya ipinikit ko na ang mga mata.
Bigla ay naalimpungatan ako sa marahang pagtapik sa akin ng isang kamay at namulatan ko si Nina.
“Hindi ka na kumain? Ala una na, baka dumating na si Maam Abigail at makita ka,” paliwanag niya.
Napabalikwas ako sa sinabi niya. Akala ko ay ilang minuto pa lang akong nakapikit! Bigla akong tumayo at noon ako lalong nakadama ng pagkahilo. Napahawak ako sa table ko at agad naman akong inalalayan ni Nina.
“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya. Napansin ko din ang nagtatakang tinginan sa akin ng mga kasamahan ko sa opisina. Bahagya pang bumulong ang isa kay Jona at parang gusto kong mainis. Ni hindi man lang nila itinago ang bulongan.
“O-Oo. Salamat. Excuse me, punta lang ako sa restroom,” sagot ko dahil naramdaman kong tila nasusuka ako. Mabilis akong humakbang patungo sa restroom.
Malapit pa lang ako sa restroom ay umaalon na ang tiyan ko. Binilisan ko ang mga hakbang ngunit tila hindi ako aabot kaya tinakbo ko na iyon. Pagdating na pagdating ko doon ay nagsuka ako ngunit wala naman akong mailabas dahil hindi naman ako kumain ng tanghalian. Mula sa malaking salamin ay namataan ko si Jona na pumasok din sa room. Pumwesto siya sa likuran ko at nakakalokong ngumiti.
“Kaya pala madalas kang absent ha,” nakangising komento niya.
“Ha?” kunot-noong tanong ko. Ano na naman kaya ang ibig niyang sabihin?
“Huwag mo na kaming lokohin Elyse! Halatang-halata ka na. Nabuntis ka na ng kinabitan mo ‘no?”
Namutla ako sa sinabi niya. Buntis? Ako? Imposible dahil lampas dalawang buwan na kaming hiwalay ni Dom at nagkaroon pa ako ng period last month! Imposible namang---
Natutop ko ang bibig sa biglang naalala. That night! I slept with that stranger!
Hindi si Dom ang huling lalaking nakagalaw sa akin!
Napansin ni Jona ang pagkatulala ko at tila nabasa niya ang laman ng isip ko. Dahil doon ay lalong lumawak ang pagkakangisi niya.
“Tsk! Ayan kasi, hindi ka nag-iingat eh!” bulong niya sa akin saka nasisiyahang lumabas ng CR. Sigurado akong ipagkakalat na niyang buntis ako kahit pa hindi pa naman siya sigurado. Pero wala na akong pakialam doon, dahil ang isip ko ay nagulo sa naging usapan namin.
Pagbalik ko sa pwesto ay nakita ko agad ang tingin sa akin ni Jona at iba pa naming kasamahan. Kinuha ko ang cellphone at pasimple kong binuksan ang period tracker app ko. Nanlumo ako nang mabasa ang nakasulat doon. Nine days na akong delay. Halos maiyak na ako sa sobrang pag-aalala at hindi ako makapag-focus sa trabaho.
Pagsapit ng alas singko y media ay nagmamadali agad akong lumabas ng opisina. Bago ako umuwi sa apartment ay dumaan muna ako sa drugstore at bumili ng tatlong pregnancy test. Pagdating sa apartment ay kinuha ko agad ang mga iyon sa bag. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang isang PT. Hindi ko na matukoy kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala na nasa ganito akong sitwasyon ngayon. I don't have a husband or a boyfriend, yet I'm holding a pregnancy test in my hands.
Bahagya kong ipinatak ang urine sa sample well. Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba habang iniintay ang resulta. I was stunned to see two brilliant stripes on the result window after only a few seconds.
“No..No!” I held the pregnancy test with trembling hands. I just stood there staring at it. Ilang segundo pa at tila nawalan ako ng lakas at napaupo ako sa sahig ng banyo. Hindi ko na rin napigilan ang pagtakas ng mga luha sa aking mata.
Anong nagawa ko?
Umiyak ako nang umiyak. Pinaghahampas ko pa ang sarili sa galit at matinding disappointment.
“Ang tanga tanga mo!” sigaw ko.
Matapos ang ilang minutong pag-iyak ay muli akong tumayo at kinuha ang dalawa pang PT. Sinubukan kong mag-test ulit pero tulad ng nauna ay positive din ang result noon. Doon na ako napahagulgol ng iyak.
Magiging ina ako? At ni wala akong ka-relasyon sa ngayon?
Pumasok sa isip ko sila Nanay at Tatay. Paano ko na naman sasabihin sa kanila ito? Siguradong isa na namang kahihiyan ang dulot ko sa kanila. Baka sa pagkakataong ito ay hindi na nila ako mapatawad. Baka kung ano pa ang mangyari kay Nanay kapag nalaman niyang nabuntis ako ng estranghero. Pinagsusuntok ko ang pader ng banyo sa galit ko sa sarili.
SA KABILA ng takot at magulong isipan ay nagawa ko pa ring pumasok sa opisina kinabukasan. Hindi nakatakas sa akin ang palihim na tinginan sa akin ng mga empleyado maging sa ibang Department. Siguradong kalat na ang tsismis pero hindi ko magawang komprontahin si Jona. Pinilit kong umaktong normal sa harapan ng lahat. Hirap na hirap ako pero hindi ako nagpahalata. Biglang mas lalo akong nakadarama ng pagsusuka at pagkahilo ngayong alam ko nang buntis nga ako.
Habang nagtatrabaho ay isang ideya ang pumasok sa magulo kong isipan. Pagdating ng uwian ay kinuha ko ang maluwang na jacket na dala ko. Hindi ako dumiretso ng apartment at naglakad patungo sa bar kung saan ko nakilala ang lalaking iyon. Sana lang ay makita ko pa siya ulit dito. Ang lalaking ama ng batang dinadala ko.
My mind was in chaos, and I had no idea if I was still doing the right thing. I'm at a loss as to what to do. Eto ba ang epekto ng pakikipaghiwalay sa akin ni Dom? Sa loob lang ng ilang buwan ay napunta ako sa ganitong sitwasyon.
I remembered the marriage proposal from the man I had s*x with that night. Natural ay hindi pa rin ako payag sa gusto niyang mangyari. Isang kabaliwan iyon. Ang mahalaga sa akin ngayon ay mahanap siya. Wala ng iba.
Malapit na ako sa bar nang mapahinto ako sa paglalakad. Nag-alangan ako kung tutuloy pa ba ako. Naduduwag ako. Paano kung hindi siya maniwala na buntis ako? O kung hindi siya maniwala na siya ang ama? Alam kong magmumukha akong sinungaling sa harapan niya pero sigurado ako sa sarili ko na siya ang ama nito. After my breakup with Dom, I hadn't had s*x with anybody else but him.
Pinagmasdan ko ang tiyan ko na ni hindi pa manlang mababakasan ng pag-umbok. Hindi ako handa sa ganitong sitwasyon. Pero wala na akong magagawa dahil nandito na ito. Lakas-loob na pumasok ako sa bar. Desidido na akong hanapin ang lalaking ‘yon! Mula sa isang sulok ay masusi kong pinagmamasdan ang bawat taong pumapasok. Ngunit inabot na ako ng ilang oras sa loob pero ni anino ng lalaki ay hindi ko nakita hanggang sa nagdesisyon na lang akong umuwi.
Doon ako sa apartment muling umiyak. Paano kung hindi ko na siya matagpuan? Kawawa naman ang batang ito, ni hindi niya makikilala ang kaniyang ama.
Ilang araw pa ang lumipas at palagi akong nagtutungo sa bar kahit hindi naman ako umiinom. Tinitiis ko ang puyat at matiyaga akong nag-aabang sa lalaki. Wala akong ibang alam na paraan para mahanap siya dahil ni hindi ko na maalala ang pangalan niya. Ngayon nga ay naririto na naman ako, lumalalim na ang gabi at nakadarama na ako ng pagod. Akmang tatayo na ako para umuwi nang mamataan ko ang grupo ng mga kalalakihan na pumasok sa bar at naupo sa table. Halatang nakakainom na ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagmasdan ang isa sa kanila. Hindi ako maaaring magkamali! Those dark eyes. Bahagya siyang tumawa ng kumalong sa kaniya ang isang sexy na babae.
Siya ang hinahanap ko!
Kahit kinakabahan ay humakbang ako patungo sa pwesto nila. Ni walang pumansin sa akin sa mga ito nang makalapit ako sa kanila. Lahat sila ay busy sa pagkukwentuhan at sa mga babaeng katabi.
“E-Excuse me,” tawag ko sa lalaking pakay ngunit hindi yata sapat ang lakas ng boses ko para marinig niya. “Excuse me!” ulit ko habang nakatingin sa lalaki pero hindi pa rin niya ako narinig. Busy siya sa pakikipaglampungan sa babaeng kasama. Maging mga kasamahan niya ay hindi ako pinansin. Noon ay nilapitan ko na siya at nagtatakang napatingin sa akin ang ilan sa umpok nila. “Excuse me, sir!”
Naagaw ko ang atensyon niya. Nakakunot ang noo na tumingin siya sa akin. Sa kabila ng madilim na paligid ay agaw pansin pa rin ang kagwapuhan niya. Napansin ko naman ang inis sa mukha ng babaeng katabi niya. Tila naghihintay sila sa sasabihin ko kaya muli akong nagsalita.
“I…I need to talk to you.”
Lalong kumunot ang noo ng lalaki. “I’m sorry? Who are you?” tanong niya na nagpabagsak ng panga ko sa matinding pagkapahiya. Hindi ako makapaniwala na hindi na niya ako naaalala man lang!