“Anong masasabi mo? Sumagot ka! I can’t believe it! Nagpapasok kami ng ahas sa pamilya!” sigaw ni Tita Maricel na lalong nagpanginig sa akin. Anong sasabihin ko? Paano ko ba ipagtatanggol ang sarili? Totoo naman lahat ng sinabi niya. Sapat ba ang sabihing hindi ko sinasadya. Maniniwala ba sila? Dahil iyon lang ang kaya kong sabihin sa kanila. Hindi ko sinasadyang mahalin si Dom noon, at si Damian ngayon. Pero alam kong hindi katanggap tanggap ang ganoong rason. “Elyse, tapatin mo ako. Totoo bang naging karelasyon mo si Dom?” Boses iyon ng mommy ni Damian. Sinulyapan ko siya at hindi ko na napigilan ang mapaluha pagkakita sa reaksyon niya. Nakaguhit doon lahat ng hinanakit niya sa akin. Mariin akong pumikit saka sumagot ako. “O-Opo.” Kitang kita ko nang malaglag ang balikat niya. Tila na

