Nagawa kong makalabas ng bar kahit pasuray-suray ako. Ilang beses ako nakabangga at nabangga ng mga taong papasok at papalabas ng bar. Tila lalo akong nalalasing habang tumatagal. Pagdating sa parking ay sumandal ako sa isang maliit na puno para magpalipas ng pagkahilo. Parang umiikot ang paligid ko at mariin kong ipinikit ang mga mata. Bigla ay naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa braso ko.
“Miss? Okay ka lang? Hatid ka na namin?”
Nagmulat ako at namataan ko ang dalawang lalaki sa harapan ko. Itinuon ko ang mga mata sa lalaking nakahawak sa braso ko. Nakasuot siya ng jacket, cap at may hikaw pa sa kaliwang tainga. Naamoy ko din ang pinaghalong alak at matapang na pabangong gamit nito.
“N-No thanks, I’m fine,” tanggi ko. Bahagya ko pang hinila ang braso sa pagkakahawak niya.
“Come on! Hindi kami masamang tao. Mukhang hindi mo na kayang umuwi mag-isa. Anong address mo? Ihahatid ka na namin.” Hinila niya ulit ang braso ko kaya malakas kong binawi iyon.
“Okay lang ako. Kaya ko pang umuwi,” sagot ko habang itinatago ang kaba.
“Tsk! Pakipot ka pa, eh! Sa itsura mong ‘yan mukhang dito ka na makakatulog. Mas gusto mo ‘yon?” sagot ng isa pa. Hinawakan din niya ako ng mahigpit sa pulsohan na agad kong ikinairita.
“Ano ba? Kaya ko ang sarili ko! Bitawan nyo nga ako!” sigaw ko sa dalawa at pilit kong hinigit ang kamay at braso ko pero hindi nila ako binitawan. Bagkus ay ngumisi pa ang mga ito.
“Lumalaban pare,” tumatawang baling ng isa sa kasama.
Bigla ay malakas nila akong hinila at kinaladkad patungo sa isang sasakyan. Kinabahan ako lalo pa at nahihilo pa rin ako. Nagpumiglas ako pero higit na malakas sila sa akin at natutumba ako sa tuwing pipilitin kong tumayo mag-isa. Maya-maya ay may narinig akong pamilyar na boses.
“Hey Tom, she’s with me.”
Nilingon ko ang nagsalita at hindi ako nagkamali. Siya ang lalaki na kanina lang ay iniwan ko sa loob ng bar. Should I trust him? Kanina lang ay hinalikan niya ako ng walang kaabog-abog.
Napalingon ang isa sa mga lalaki at tila ito natigilan. “Damian.”
“Sorry, hindi namin alam na kasama mo siya,” sagot ng isa na agad akong binitiwan. “Sorry Miss.”
Damian pala ang pangalan niya. Hindi ko manlang nagawang itanong kanina.
“Yeah. So, excuse us.” Hinawakan ako ni Damian sa kamay at hindi ko naman magawang magprotesta. Mas okay na sigurong sa kaniya ako sumama kaysa sa dalawang lalaking ito. At least kahit papaano may alam ako sa pagkatao niya. Inalalayan niya ako hanggang sa makasakay ako sa passenger’s seat ng sasakyan niya.
“Where do you live?” seryosong tanong nito pagkasakay sa sasakyan. Nakahinga ako ng maluwag sa tanong niya. At least, he intends to drive me to my apartment. Malapit lang iyon kaya ilang minuto lang ang inabot ng aming byahe.
Agad umikot ang aking paningin pagbaba ko sa sasakyan. Para akong lalong nahilo dahil sa bilis niyang magdrive. Inalalayan niya ako papasok ng building at naiilang ako sa pagkakalapit ng aming katawan. Kinuha ko ang susi sa sling bag ko pero nahirapan akong buksan ang pinto kaya inagaw na niya sa akin ang susi at siya na ang nagbukas ng unit ko.
“Thank you,” mahinang bulong ko.
Naiilang ako habang pinagmamasdan ko siyang magsusi ng pinto ng unit ko. He turned to face me, and our eyes met. Napigil ko ang paghinga dahil para akong nahipnotismo ng mga mata niya. Kaydilim niyon at tila nalulunod ako sa mga titig niya. Napansin ko ang paggalaw ng kaniyang malalantik na pilik nang bumaba ang mga titig niya sa aking labi. Napalunok ako at tila napansin niya iyon dahil muling sinalubong niya ang titig ko. He seemed to read my thoughts as his hands went up towards my nape. Naramdaman ko nalang ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko kasabay noon ay ang pagbukas ng pinto ng unit ko. We made our way into my one bedroom apartment with our lips locked together. His kiss was passionate, and I reciprocated it with equal ferocity. Para akong nauhaw. I missed Dom so much pero alam kong hindi si Dom ang lalaking kaulayaw ko ngayon. Wala na akong pakialam. Hindi ko alam kung dulot ba ito ng nagrerebelde kong puso.
Narinig ko ang pag-click ng lock ng pinto ko and I felt relieved. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mga kamay niya sa laylayan ng suot kong t-shirt. Napaungol pa ako ng kumalas siya sa akin pero hindi na ako nakaangal nang itaas niya ang t-shirt ko para hubadin iyon. Awtomatikong dumako din ang mga kamay ko sa butones ng suot nyang long sleeve. Matapos kong tanggalin ang mga butones ay kusa niyang hinubad iyon. Underwear at bra ko nalang ang natitira sa aking saplot ng dumako ang mga kamay niya sa aking binti at iginiya iyon para pumulupot sa kaniyang baywang. Nagulat pa ako ng bigla niya akong buhatin kaya napahawak ako sa balikat niya. I could feel his manhood between my thighs because of our position.
“What’s..your..name again?” putol na putol na tanong ko. Hindi ako makapagsalita ng diretso dahil hindi niya tinitigilan ang mga labi ko.
“Damian,” sagot naman nito. “Where is your bed?”
“Damian. Hmn,” ungol ko habang nakapikit. Hindi ko na nagawang makasagot dahil agad niyang sinakop ang aking labi. Itinuro ko nalang sa kaniya ang pinto ng kwarto ko.
“Damian. Damian, I’m not usually like this,” bulong ko nang sandali niyang iwan ang labi ko. Ayaw kong isipin niya na isa akong pakawala dahil sa ginagawa namin ngayon. Maaaring hinusgahan na ako ng madaming tao dahil sa naging relasyon ko kay Dom, pero alam ko sa sarili kong hindi ako kasing sama tulad ng iniisip nila.
“I’m not like this,” ulit ko pero hindi sumagot si Damian. Patuloy lang ito sa paghalik sa akin hanggang sa leeg ko. Nagawa niya akong dalahin sa kwarto ng walang kahirap-hirap at ibinaba niya ako sa kama. My eyes were drawn to his naked body as he took off his remaining clothes. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay hindi ko siya kayang tingnan ng diretso. Pero iba ang gabing ito. Bumalik si Damian sa kama at agad kong inabot ang kaniyang labi. Ang mga kamay naman niya ay naglakbay buhat sa leeg ko pababa. Tumigil iyon sa kanang dibdib ko pagkatapos ay bumaba ulit hanggang sa tiyan ko. Mariin kong naipikit ang mga mata ng dumako iyon sa p********e ko. Napaungol ako sa sensasyong dulot noon at tuloyan na akong nawala sa katinuan.
Probably I'll regret all this tomorrow, but for the time being, I'm content to let myself be engulfed by his passionate kisses.
Bahala na!