Chapter 4 - Rejecting His Proposal

1348 Words
Naalimpungatan ako dahil sa mga kaluskos sa paligid. Nagmulat ako ng mga mata at bahagya pa akong nasilaw sa liwanag na pumapasok buhat sa bintana ng kwarto ko. Mataas na pala ang sikat ng araw. Bigla, parang mga eksena sa pelikula na naulit sa aking isipan ang namagitan sa amin ng estrangherong lalaki na nakilala ko sa bar kagabi. Napahilot ako sa aking sintido. Kaysakit din ng aking buong katawan. I couldn’t believe I actually had a one-night stand with a stranger! Narinig ko ang paglagaslas ng tubig sa banyo kasabay ng mga pagkilos doon. Ibig sabihin ay naririto pa siya sa unit ko? Ano nga ba ulit ang pangalan niya?               Bumangon ako at naupo sa kama. Dumako ang tingin ko sa mga underwears ko na nagkalat sa sahig at agad akong nilukob ng matinding guilt. Napahugot ako ng malalim na hininga at pinunas ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Ano bang pinaggagawa ko sa buhay ko? Oo nga at hiniwalayan ako ni Dom at halos malunod ako sa pagdadalamhati, pero sa ginawa ko kagabi ay lalo kong inilulubog ang sarili. One night stand. Ngayon ko lang ginawa iyon sa buong buhay ko. At dahil iyon sa pagrerebelde! Ngayon ko gustong pagsisihan na hindi ako naniwala sa mga magulang ko noon. Kung pwede lang akong bumalik sa nakaraan, ako mismo ang kakausap sa sarili ko. Sasabihin kong masasaktan lang ako kay Dom. Hihikayatin ko ang sarili na pigilan ang nararamdaman ko kay Dom. Simula nang maghiwalay kami, napabayaan ko na ang lahat. Ang health ko at maging ang trabaho ko dahil sa araw-araw kong paglalasing. Malapit na nga pala ang bayaran ng renta sa apartment at hindi ko alam kung sapat ba ang susweldohin ko dahil madalas ay absent ako sa trabaho. Siguradong mababawasan na naman ang ipon ko. Panay pa naman ako gastos nitong mga nakaraang araw. Madalas ay sa alak napupunta ang pera ko. Napahilot ulit ako sa sintido dahil sa mga naisip.               Asan na kaya si Dom? Masaya ba sila ng asawa niya ngayon? Naiisip man lang ba niya ako?               “Have you considered my offer?” Napapitlag ako sa boses ng lalaki na biglang pumasok sa aking kwarto. Pinagmasdan ko siya na nakatayo na sa harapan ko at isinusuot ang damit pang-itaas. Pinigilan ko ang sarili na humanga sa katawan niya na ngayon ay nakabalandra sa akin sa kaliwanagan ng araw.               Pagak akong tumawa nang maalala ang offer niya. “I will not accept your proposal. Kalimutan mo na lang ang nangyari sa pagitan natin. Pati na rin ‘yong mga kwento ko sayo.”               Tinitigan niya ako sa mukha at iniwas ko ang tingin. Hindi ko kayang salubongin ang mga titig niya matapos ang nangyari sa amin kagabi.               “Are you sure? Think about it,” casual na tanong niya ulit. Sinulyapan ko siya and I was met by his piercing grey eye. Sure, the man in front of me has stunning good looks and undeniable s****l prowess, but I am not crazy to accept his marriage proposal. A proposal that has no romantic value. Nakita lang siguro niya na wala ako sa sarili kagabi at naisip niya na posibleng mapapayag niya ako sa kabaliwan niya. Maaaring mag-isa na ako ngayon at walang direksyon ang buhay, pero hindi sapat na dahilan iyon para magpakasal ako basta-basta. Especially since he is only interested in marrying for his own benefit. Maigi pa ay humanap na lang siya ng ibang baliw na papayag sa gusto niyang mangyari. “Yes, I am sure that I will not accept your proposal. So, just forget that we met and all the things that I shared with you.”               Ilang segundo pa niya akong pinagmasdan pagkatapos ay saka nagsalita. “Okay, if that’s what you want. I’ll leave now.”               Tumalikod na siya at lumabas ng kwarto. Buhat sa nakabukas na pinto ng kwarto ko ay nakita kong diretso siyang naglakad patungo sa main door ng unit ko. Umalis na siya at ni hindi manlang ako nilingon. Naiwan akong nakatulala sa pintong nilabasan niya. I'm left with an even stronger sense of emptiness. Ano ba ang ini-expect ko? Napailing ako at nagtungo na rin sa banyo para ayusin ang sarili. Hindi na ako nakapasok sa trabaho ngayong umaga kaya pipilitin kong makapasok ng lunch. Mabilis akong naligo at nagsuot ng uniform. Ilang minuto pa at nakipagsapalaran na ako sa traffic para makarating sa opisina. “Jane! Bakit absent ka na naman kanina?” tanong sa akin ng katrabaho kong si Nina pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa office namin. Sa lahat ng kasamahan ko sa Finance Department ay siya lang ang masasabi kong may malasakit sa akin kahit na hindi naman kami maituturing na magkaibigan. Hindi pa man ako nakakasagot sa tanong niya ay tinawag na ako ng Head namin na si Maam Abigail. “Miss Ramos! To my office!” Halata ang iritasyon sa tono niya. Agad akong naglakad patungo sa opisina niya. Nararamdaman ko ang mga mata ng katrabaho ko na nakasunod sa akin. Isa na roon si Jona na nakakaloko ang tingin. “Anong nangyayari sayo Elyse? Ilang araw kang absent! My God! Pinabayaan mo na ang trabaho mo! Malapit na ang swelduhan at ikaw ang nasa payroll pero hindi ka pumapasok! Ang dami-dami pang reklamo ng empleyado sa sweldo nila last month dahil puro mali daw ang kaltas mo! Hindi mo pa naayos lahat ‘yon at magsuswelduhan na naman! Hirap na hirap mag-adjust ang mga kasamahan mo sayo. I don’t need an incompetent employee like you!” sigaw sa akin ni Maam Abigail.               “M-Maam, sorry po. Hindi na po mauulit—”               “Talagang hindi na mauulit dahil tinatanggal na kita sa trabaho!”               “Ho? M-Maam, p-please huwag po. Please give me another chance. Pangako, aayusin ko na po ang trabaho ko,” pakiusap ko sa kaniya. Hindi umimik ang boss ko na napapailing habang nagsasalita ako. Tila final na ang desisyon niya kaya nakiusap ako ulit. “L-Last chance na Maam. Nakikiusap po ako sa’yo. Parang awa nyo na po. Hindi na po ako a-absent. Aayusin ko po lahat ng mali ko sa payroll.”               “Napakaraming chances na ang ibinigay ko sayo Miss Ramos! Hindi ka naman dating ganyan!”               “A-Alam ko po ang mga lapses ko Maam. N-Nagkaproblema lang po kasi ako—“               “Pwes! Wala akong pakialam sa problema mo! Ang kailangan ko, ayusin mo ang trabaho mo!”               “Bigyan nyo lang po ako ng isa pang pagkakataon Maam, aayusin ko na po,” naiiyak na pakiusap ko. Hindi ko afford mawalan ng trabaho ngayon.               Marahas na bumuntong-hininga si Maam Abigail. “Siguraduhin mo lang Miss Ramos. Isang absent mo pa at wala ka ng trabahong babalikan! Ayusin mo ang payroll ngayon. Kung kinakailangang mag-overtime ka ay gawin mo! Basta dapat matapos mo lahat 'yan ngayong araw! Kunin mo din sa HR lahat ng memo mo doon. Isang-isa na lang Miss Ramos at tatanggalin na kita kaya wag mong sasayangin ang pagkakataong ito.”               Labis ang pasalamat ko na binigyan pa ako ng pagkakataon ng boss ko. Bigla akong natauhan sa mga pinaggagawa ko sa mga nagdaang buwan. Muntik na akong mawalan ng trabaho dahil sa kapabayaan ko. Hiyang-hiya ako sa mga katrabaho dahil alam kong pinag-uusapan nila ako. Tulad ng dati ay binalewala ko na lang iyon.               Tulad ng utos ni Maam Abigail ay tinapos ko lahat ng trabaho ko. Nag-overtime ako para lang ma-reconcile lahat ng mga mali ko sa payroll sa nakaraang cut-off. Gabing-gabi na ng matapos ako. Nasa byahe ako noon pauwi nang tumunog ang cellphone ko. “H-Hello?” kinakabahang sagot ko. Somehow, umaasa ako na sana si Dom ang tumatawag sa akin. “Elyse, anak..”               Nagulat ako dahil si Tatay ang nasa kabilang linya. Ngayon lang nangyari ito na tinawagan nila ako makalipas ang ilang taon.               “Tatay? Bakit po?” Narinig ko ang pagbuntong-hininga sa kabilang linya. Tila nag-aalangan siya sa sasabihin. “T-Tay, bakit po? May problema po ba?” “Anak, nasa hospital si Nanay mo. Isinugod namin siya kanina lang. Makakauwi ka ba dito?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD