Chapter 10 – Introducing my Fake Lover

1743 Words
Mahihinang katok ang nagpabalik sa akin sa kasalukoyan. Binabasa ko noon ang agreement na ipinabigay sa akin ni Damian. Marahil sila Nanay na ang dumating kaya mabilis kong itinago iyon sa cabinet ko saka naglakad patungo sa pinto.               “Elyse!” masayang bungad ni Ate Vicky saka mahigpit akong niyakap. Sa likod niya ay sila Nanay at Tatay na tipid ding nakangiti sa akin. Kasama din nila ang dalawang anak ni Ate Vicky.               “Pasok kayo,” aya ko sa kanila.               “Pasensya ka na, ang dami namin na nagpunta dito. Heto at dinalhan ka namin ng mga sariwang prutas at gulay,” ani Nanay habang minamasdan ang loob ng apartment ko. Inabot ko ang isang basket ng samo’t-saring gulay at prutas.               “Okay lang Nay. May panlatag naman po ako diyan. Sa sahig nga lang matutulog ang iba.”               “Ay naku! Okay na sa amin iyon!” sagot agad ni Ate Vicky habang inilalapag ang mga bag na dala.               “Kailan tayo mamamasyal Mama?” tanong ng pamangkin kong si Victoria sa ina.               “Bukas pa tayo mamamasyal. Ngayon magpapahinga muna tayo kasi gabi na at nakakapagod magbyahe. Kaya behave muna kayo diyan.”               Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Hindi ko lubos maisip na magaganap pa ang tagpong ito. Akala ko ay habang-buhay na nila akong hindi patatawarin. Kasi nga akala ko ay habambuhay na kami ni Dom. Nabura ang ngiti ko pagkaalala sa lalaki. Hindi na kami nagkausap matapos kaming maghiwalay. Marahil masaya na siya ulit kay Lucy. Ano na kayang pinagkakaabalahan niya? Tulad dati ay mahilig pa rin ba siya sa mga sasakyan? Ilang car shows na kaya ang napuntahan niya?               “Elyse, natutulala ka na diyan,” untag sa akin ni Ate Vicky. Maang na tiningnan ko siya dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya. “Sabi ko anong plano natin bukas? Saan tayo mamamasyal? Excited ang mga bata.”               “How about Ocean Park?” tanong ko.               “Gusto ko doon!” panabay na sigaw ng mga pamangkin ko. Nagtatalon pa ang mga ito sa excitement.               “Hindi nyo pa nga alam kung ano ‘yong Ocean Park, gusto nyo na agad?” natatawang sagot ni Ate Vicky sa mga anak.               Bigla kong naalala si Damian. Ang balak ko ay ipaalam na kina Nanay ngayon ang tungkol sa kaniya kaya kailangang makahanap ako ng tyempo. Inintay ko muna silang maayos ang mga gamit nila. Habang namamahinga sila sa maliit kong sofa ay saka ko sila nilapitan.               “Nay, Tay, may sasabihin sana ako sa inyo,” simula ko.               Agad silang natahimik, halata ang kaba sa mukha. Si Tatay ang unang nakahuma. “Ano iyon anak?”               “Bukas po…may ipapakilala po ako sa inyo. Si..Si Damian po.” Pinakatitigan ko sila, umaasa na sana ay hindi sila magalit.               “Sino naman ang Damian na iyon Elyse?” ani Nanay.               “Nay, boyfriend ko po.”               Natigilan si Ate Vicky at hindi ko naman mabasa ang reaksyon ni Tatay. Akmang magsasalita si Nanay kaya mabilis ko siyang pinutol.               “Pero binata po siya Nay! At..At pupunta po siya bukas para makilala niyo siyang mabuti. Mabuti po siyang tao..isa pa ramdam ko pong m-mahal po niya ako.”               Nabitin sa ere ang sasabihin dapat ni Nanay. Nagkatinginan sila ni Tatay at sa huli ay nagbuntong-hininga siya. “Matanda ka na Elyse, sana lang ay totoong maayos iyang--ano nga ulit ang pangalan niya?”               “Damian po.”               “Iyang Damian na ‘yan. Aayaw ko lang naman na mapapasama ka at masaktan sa huli. Ano pa bang magagawa namin gayong gusto niyang pumunta sa amin at makipagkilala ng maayos.”               Noon ko napakawalan ang hininga na pinipigil. “S-Salamat po Nay. Tay?”               “Eh sabi nga ng Nanay mo, tao namang gustong makipag-usap niya sa amin kaya natural lang na harapin namin siya ng maayos,” sagot din ni Tatay.               “Salamat po.”               Marahang tumango lang sila Nanay at Tatay at nasisiyahang ngumiti naman sa akin si Ate Vicky. Makalipas ang ilang oras na kwentuhan ay nagdesisyon na kaming tumulog.               KINABUKASAN ay puno ng kaba ang dibdib ko. Ngayon ang araw na ipapakilala ko si Damian sa kanila. Sana naman ay dumating siya kahit pa alam kong busy siyang tao. Matapos ang checkup ko ay pinag-usapan namin ang mga mahahalagang detalye tungkol sa pekeng relasyon namin.               “Happy Birthday!” Napapitlag ako sa malakas na sigaw nila Ate Vicky. “Oh, kiss nyo na si Tita Elyse!” utos niya sa mga anak. Mabilis namang sumunod ang mga ito at pinupog ako ng halik sa pisngi. May iniabot din silang regalo sa akin na nakabalot pa.               “Twenty-Seven ka na! Yuck tanda na! Dapat mag-asawa ka na!” pang-iinis sa akin ni Ate.               “Hayaan mo, malapit na.”               Nang-aasar na tinitigan ako ni Ate Vicky. “Hmm. Ikaw ha! Hindi mo naikwento sa akin ang Damian na ‘yan! Tagal nating nagkwentuhan sa bahay eh!”               Pinilit kong maging normal ang reaksyon. “Eh kasi galit pa si Nanay at Tatay noon.”               “Sus! Oh siya, magbihis ka na at kumain. Gayak na sila Nanay at Tatay kanina pa. Pinakialaman ko na ang kusina mo at nagluto na ako tutal birthday mo naman.”               Nagtext ako kay Damian para ipaalala ang lakad namin kahit pa nabanggit ko na ulit sa kaniya kahapon. Sana lang talaga ay hindi niya nalimutan. Makalipas ang isang oras ay bihis na ako. Lumabas na kami ng apartment at maglalakad na sana ako para kumuha ng tricycle nang biglang may pumaradang itim na SUV sa tapat namin. Napatigil ako sa paghakbang nang bumaba ang sakay noon at mamataan ko si Damian na papalapit sa amin. Hindi din nakatakas sa pandinig ko ang mahinang pagsinghap ni Ate Vicky sa tabi ko pagkakita sa kaniya.               My Gosh napakagwapo niya! He's dressed casually in a gray long-sleeve t-shirt and denim jeans. Kitang-kita ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Bahagya siyang ngumiti pagkakita sa akin at napalunok ako ng laway. Nilingon ko sila Nanay na noon ay nakanganga din sa lalaking dumating. Pagbaling ko ulit kay Damian ay nagulat pa ako nang bigla niya akong salubungin ng halik sa pisngi. Natigilan ako at napatitig ako sa kaniya pero blanko ang mga mata niya. Mukhang pinaghandaan lang niyang mabuti ang pagpapanggap namin ngayon.               “Happy birthday!” Nakangiting iniabot niya sa akin ang isang paper bag. Nang makahuma ay sinilip ko ang laman niyon at agad akong napatingin sa kaniya. “H-Hindi ba mahal itong phone na ito?”               “Nah, it’s okay. Make use of it. Do you like it??”               “Syempre naman. Thank you.” Binalingan ko sila Nanay dahil ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi dahil sa paraan ng pagtitig niya kahit pa alam kong palabas lang niya iyon. Akala mo ay totoong namamangha siya sa akin. Hindi ko alam na sanay na sanay din palang umarte itong si Damian. “Nay, Tay, si Damian po. B-Boyfriend ko.” Mukhang na-estatwa din sila Nanay sa pagdating ni Damian dahil hindi sila nakapagsalita agad. “Magandang araw po.” Gustong tumaas ng kilay ko sa pagiging magalang ni Damian. Malayong-malayo sa Damian na nakilala ko sa apat na beses na nagkaharap kami. “Magandang araw naman sayo. Ikaw nga ba ang nobyo nitong anak ko?” si Nanay ang naunang makabawi.               “Opo. Pasensya na po kayo kung ngayon ko lang kayo nagawang harapin--”               “Naiintindihan namin. Matagal din kasi kami nitong si Elyse hindi nagkausap.”               “Nay,” angal ko.               “Mabuti pa ay lumakad na tayo kasi sayang ang oras,” salo naman ni Ate Vicky.               “Right! Let’s go. Sumakay na kayo sa sasakyan,” aya ni Damian. “San ba ang plano nyo?” bulong niya sa akin.               “Sa Ocean Park daw.” Napansin kong wala si Damian na kasamang driver. Naiilang ako habang nakaupo sa tabi niya sa unahan habang panay naman ang tanong sa kaniya nila Nanay at Ate Vicky. Maingat naman siya sa mga naging sagot niya.               “Ikaw ba totoy ay talagang binata?” hindi na napigilang itanong ni Nanay habang nasa byahe pa rin kami.               “Hundred percent single po, Nay,” natatawang sagot ni Damian. Napasulyap din siya sa akin at bahagyang ngumiti. Sa ginawa niya ay parang tumalon ang puso ko. Agad kong pinagalitan ang sarili. Hindi ko dapat malimutan na nagpapanggap lang kami!               “Mabuti naman kung ganoon,” komento ni Nanay.               “Elsa, tama na nga iyang mga tanong mong ganiyan. Nakakahiya sa kaniya at saka sa anak natin,” saway ni Tatay.               “Oo nga naman Nay. Birthday pa naman ni bunso ngayon,” segunda ni Ate Vicky.               “H-Huwag po kayong mag-alala..alam naman po ni Damian ang relasyon ko kay Dom. W-Wala po kaming inililihim sa isa’t-isa.”               Naramdaman ko ang pananahimik ng mga kasama namin. Si Tatay ang naunang magsalita. “Ganoon ba. Kung gayon ay napakaswerte nitong anak namin sayo, Damian. Bihira ang lalaking tulad mo. Sana lang ay mahalin mo siya ng tunay at huwag mo siyang sasaktan.”               Napalunok ako ng laway sa sinabi ni Tatay. I am suddenly overwhelmed with guilt. Tumungo ako sa takot na baka mahalata nila ang kakaibang reaction ko. Napaigtad pa ako nang biglang hawakan ni Damian ang kamay ko at bahagyang pisilin iyon.               “Yes po. I know about her past relationship, and I don’t think she’s at fault. I won’t judge her. Tanggap ko po ang anak niyo. I am glad that her previous relationship didn’t work out because I got the chance to be with her.”               Wala sa loob na napatitig ako kay Damian. Kung hindi ko lang alam na nagpapanggap lang kami ay baka mapaniwala niya ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam na ganito siya ka-seryoso sa proposal niya.               “Sis, kilig na kilig ka diyan ah?” untag sa akin ni Ate Vicky. Noon ko lang na-realize na nakatitig pa rin ako kay Damian. Sinulyapan naman niya ako at hindi nakatakas sa aking paningin ang bahagya niyang pagngisi. Alam kong namula ako sa pagkapahiya pero hindi ako nagpahalata. Kung alam lang nila Nanay at Tatay ang totoo, baka sabihin na naman nila ay layuan ko ang lalaking ito. Ngayon ko lang nararamdaman ang bigat nitong pinasok ko. We're messing with our family's emotions. We are deceiving them. Pero kung ito lang ang paraan para maprotektahan namin ni Damian ang interes ng bawat isa, ay handa kaming gawin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD