Chapter 11 - Unwavering

2024 Words
Si Damian ang nagbayad ng entrance namin sa Ocean Park kahit na tumanggi ako. Panay naman ang hingi ng pasensya at pasalamat nila Nanay sa kaniya. Gayunpaman ay hindi naman maitago ang saya nila lalo na ng mga pamangkin ko habang namamasyal. Kami ni Damian ay magkasabay na naglalakad at nahuhuli sa kanila. Hindi nakaligtas sa akin ang mga humahangang tinginan sa kaniya ng mga nakakasabay namin. Paano ba namang hindi? Para siyang isang modelo na napadpad sa lugar na ito. Halata ang inggit sa mata ng mga kababaihan sa tuwing titingnan ako. Ang totoo ay sanay na naman ako sa ganoon. Kahit si Dom noon ay madalas din siyang makaagaw ng atensyon sa tuwing lumalabas kami. Ang kaibahan lang noon, imbes na maging proud ako ay nilalamon ako ng insecurity dahil sa likod ng isip ko ay alam kong hindi ako ang tunay na nagmamay-ari sa kaniya kundi si Lucy. Nabubura lang lahat ng insecurities ko noon sa tuwing sinasabi ni Dom na pareho na sila ni Lucy na walang intensyong makipagbalikan sa isa’t-isa. At naniwala naman ako sa kaniya. “You’re spacing out.” “Huh? I’m sorry.” “You're thinking about your ex, aren't you?” seryosong tanong niya. “Hindi ah!” “I know that look. You're obviously thinking about him.” “Hindi nga! Iniisip ko lang kung…kung mapapaniwala din ba natin ang family mo.” “Sundin mo lang ang mga sinasabi ko sayo at—” “Elyse! Damian! Magpicture kayo dito dali!” Naputol ang pag-uusap namin sa malakas na pagtawag sa amin ni Ate Vicky. Wala kaming nagawa kundi lumapit sa kanila. “Kanina pa tayo namamasyal pero wala man lang kayong picture na dalawa. Sige na kayo naman ang magpapicture.” Tatanggi sana ako pero nakita ko si Damian na naglakad sa lugar na itinuro ni Ate kaya napilitan na rin akong sumunod. Nag-ready naman si Ate para kumuha ng picture. “Bakit naman parang ang layo nyo? Pwedeng mas close pa para magandang tingnan?” Hinapit ako ni Damian sa baywang at bahagya pang tumama ang noo ko sa kaniyang dibdib sa ginawa niyang paghila sa akin. Ninenerbyos na sinulyapan ko siya pero matamis lang niya akong nginitian. Animoy gandang-ganda nga siya sa akin. Alam kong namumula na ako sa hiya dahil sa nag-iinit kong pisngi. Hindi ko din maintindihan ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa simpleng pagngiti niya sa akin. Masama ito. Isang malaking kahibangan lahat ng nararamdaman ko ngayon! Namataan ko ang nasisiyahang si Nanay habang nakamasid sa amin. Mukhang hindi naman siya nagdududa sa aming dalawa. In fact, mukhang masayang masaya pa siya. “What are you? A teenager? You blush whenever I touch you,” bulong niya sa puno ng tainga ko pagkatapos namin magpa-picture. Parang tumirik lahat ng balahibo ko sa ginawa niya pero hindi ako nagpahalata. Bagkus ay inirapan ko siya at namewang. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. “Nabibigla lang ako sayo! Kanina ka pa ha!” Tinitigan niya ako habang nakangiti. Awtomatikong bumilis ang t***k ng puso ko. To be honest, I'm fascinated by his eyes. Gosh! Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang epekto niya sa akin? “Elyse, wala ng atrasan ito. Bukas ay may pupuntahan tayo.” “Ha? Saan?” “We'll need to look for an engagement ring,” casual na sagot niya. Bago pa man ako makapagsalita ay nakalapit na sa amin si Ate Vicky. “Elyse, tingnan mo oh! Ang gaganda ng kuha nyo, halatang kilig na kilig ka bunso!” kantiyaw niya sa akin habang ipinapakita ang mga kuha namin ni Damian. Mahinang tumawa si Damian at wala sa loob na inirapan ko siya. Pinagmasdan ko ang mga pictures. Sa itsura namin ay walang mag-aakalang nagpapanggap lang kaming magkasintahan. Animoy inlove na inlove kami sa isa’t-isa. Matapos naming mamasyal ay kumain na kami ng tanghalian. As usual ay si Damian ang sumagot ng lahat ng gastos. Namasyal din kami sa park at nagpalipas ng oras. Ang totoo ay nahihiya ako sa kaniya dahil baka madami siyang trabaho sa office pero andito siya at nagsasayang ng oras kasama kami. “Sorry for wasting your time.” Nakaupo kami noon sa isang bench habang busy sa pamamasyal sila Nanay. “This isn't a waste of time for me. It's more about carrying out our plan. Oo nga pala. Mahalaga din sa kaniya ito dahil ang position niya sa company ang nakataya. For him, this is business. “Oo nga p-pero hindi mo naman kailangang gumastos ng malaki. N-Nahihiya tuloy ako sayo.” “Why? Didn’t your ex-boyfriend treat you during your birthday?” “Syempre tini-treat niya ako ‘no! Kaya lang hindi naman tayo…I mean hindi naman kita..,” hindi ko maituloy ang sasabihin. Nagbuntong-hininga siya saka nagsalita. “Just make sure na hindi ka aatras Elyse. I was hoping you could focus on what I'm asking you to do.” “S-Sure. Huwag kang mag-alala hindi ako aatras.” Kung saan ako humugot ng tapang para sabihin iyon sa kaniya ay hindi ko na alam. Natapos ang maghapon namin ng maayos. Gabi na nang magdesisyon kaming umuwi. Enjoy na enjoy ang pamilya ko habang ako ay binabagabag ang kalooban. Wala silang ideya kung ano ang tumatakbo sa isipan ko. Pagkatapos ngayon, siguradong ako naman ang ihaharap ni Damian sa pamilya niya. Nakaka-pressure lang kasi mabilis siyang nagustuhan ng pamilya ko. Eh ako kaya? Paano kaya ako tatanggapin ng pamilya niya? “Salamat sayo Damian sa pagsama sa amin ngayon. Sana mga minsan ay makarating ka sa amin sa probinsya,” baling ni Tatay sa kaniya. “I really hope to get there po.” “Oh siya, mauna na kami sa taas. Elyse, hindi mo ba siya aakitin muna sa loob?” tanong din ni Nanay. “Ah, hindi na po ako magtatagal. May mga trabaho pa po akong naiwan na kailangang tapusin,” tanggi ni Damian. “Napakasipag naman pala niyang boyfriend mo, Elyse!” kinikilig na sabat ni Ate Vicky. Tipid ko lang silang nginitian. Kapag nalaman nilang si Damian ang nagpapatakbo ng Millenia Development Corp, ano kaya ang magiging reaksyon nila? “Oh sige, mauna na kaming pumasok sa loob. Sumunod ka agad Elyse ng makapahinga ka agad,” paalam ni Nanay. “I will see you tomorrow evening,” baling sa akin ni Damian nang makaalis sila Nanay. “Okay. Saan tayo magkikita?” “I'll pick you up after work. I was hoping you had read the agreement by then.” “Okay. Dadalhin ko bukas.” Sa pagkabigla ko ay biglang bumaba ang ulo niya sa akin at hinagkan ako sa pisngi. Napigil ko ang paghinga at napaawang ang aking mga labi. “Happy birthday!” Nakangisi pa siya at mukhang nasisiyahan sa reaction ko. “H-Hindi kasama sa usapan natin ‘yan ha!” Singhal ko pero wariy kulang iyon sa diin. Tumawa lang siya saka naglakad patungo sa sasakyan. Hinintay ko siyang makasakay at buhayin ang makina pero imbes ay ibinaba niya ang bintana ng driver’s seat. “Get inside.” “Ha?” “I said, you get inside first.” Agad akong tumalima. Nakakainis ang Damian na ito ah! Hindi kasama sa usapan ang maging mabait at sweet siya sa akin. Mas gugustuhin ko pang masungit siya. Pagkapasok na pagkapasok ko sa apartment ay sinalubong agad ako ni Ate Vicky ng mga tanong tungkol kay Damian. Kung ano-anong kasinungalingan na lang ang naimbento ko at pilit kong iniba ang usapan. Masaya kaming nagtatawanan nang tumunog ang cellphone ko. Wala sa loob na sinagot ko ‘yon habang tumatawa sa mga biro ni Ate Vicky. “Hello?” “Happy Birthday. K-Kumusta ka na?” Agad nabura ang ngiti sa aking labi nang makilala kung sino ang tumawag. Mabilis akong naglakad papasok sa kwarto ko. “Dom? B-Bakit ka napatawag?” Napapikit ako ng mariin. Bakit siya nagpaparamdam ngayon? Nami-miss ko siya pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ngayong kausap ko na siya. Nasaktan ako sap ag-iwan niya sa akin dahil mahal ko siya, pero kalakip din noon ay ang galit. “I know its your birthday today. And..and I missed you..a lot. Galit ka pa ba?” “Oh talaga? Bakit? May nangyari ba sa inyo ni Lucy kaya ka biglang nagparamdam?” “I just want to greet you Elyse—” “I don't think it's right for you to still call me after what happened between us, Dom. Thank you for the greeting but I have to go—" “No, wait! Don't hang up Elyse, please,” mabilis na tutol ni Dom. Natigil ang balak kong pagputol sa tawag niya. I know somehow, I still wanted to talk to him. I'd like to know what he's been up to over the past months na hindi kami nagkausap. Higit sa lahat nais kong madinig na sabihin niyang isang malaking pagkakamali ang desisyon niyang iwanan. But I know it’ll only complicate my situation and my feelings. I am getting married soon. Maayos na rin ang relasyon ko sa pamilya ko, at walang magandang idudulot kung magkakalapit kaming muli ni Dom. “Please maniwala ka, hindi ko sinasadyang saktan ka. Nasaktan din ako noong pinili kong iwan ka. I should have told you the reason. Lucy is nothing. I am not in love with her.” “What? Ano bang sinasabi mo? Pwede ba! Huwag mo akong gulohin! Kung iniisip mong pwede kang bumalik sa akin oras na nagkagulo kayo ni Lucy, pwes nagkakamali ka!” “I am telling the truth, Elyse. I still love you,” mariin na sagot ni Dom sa kabilang linya. “Eh bakit mo ako iniwan?” Bahagyang gumaralgal ang boses ko habang tinatanong siya. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya. Pinili niya si Lucy, binalikan niya ng hindi ko namamalayan, tapos ngayon ay sasabihin niyang mahal pa rin niya ako? Ang gulo lang! “Hindi ko maiipaliwanag sayo ngayon. But believe me, I have my reason. Kung gusto mo ay magkita tayo. Bukas, wala si Lucy dahil may training siyang pupuntahan. After work mo ay susunduin kita—” “Ano? Gagawin mo na talaga akong kabit mo, ganoon ba?” “No! H-Hindi lang pwede tayong magkita habang nandito siya. Baka may makakita sa atin na magkasama.” Umahon ang tinitimpi kong galit. Noon, kahit papaano ay hindi naman niya ako itinatago. Pero ngayon ay hindi ko yata gusto ang ideya na lihim kaming magkikita. “Let's stop this, Dom. I am exhausted. And I think you should stop calling me.” “Bakit naman Elyse? Gusto ko lang magpaliwanag sayo. Hindi mo man lang ba ako na-miss? Kasi ako miss na kita—” “Dom, may boyfriend na ako,” seryosong sagot ko. Inis na tumawa siya sa kabilang linya. “Naloloko ka na ba Elyse?” “I am serious. So please, stop bothering me. Para sa akin ay isa ka nalang nakaraan. Mahirap kalimutan pero kailangan.” “Elyse! Are you serious? Just three months after our breakup and you have a new boyfriend already?” galit na tanong niya. Pero wala akong planong magpaliwanag. “Eh ikaw nga eh nakipagbalikan ka kay Lucy habang tayo pa! Wala kang karapatang magalit dahil hindi ko naman kayo pinagsabay. Hindi tulad ng ginawa mo! Kaya kung maaari ay huwag mo na akong tatawagan ulit.” Iyon lang at ibinaba ko na ang tawag. Ang kapal ng mukha niyang magalit! Hindi ko napigilan ang paglandas ng mga luha sa aking pisngi. Gustong-gusto kong makausap si Dom, pero ngayon na nangyari na ay hindi naman kami magkasundo. Sa kaso namin, mukhang mahirap nang magkaayos kami. Masyadong masakit ang ginawa niya. Hindi siya makabubuti para sa akin, lalo na ngayong pumayag ako sa proposal ni Damian. Kailangang layuan ko na siya. Kinuha ko ang agreement namin ni Damian at mabilis na pinirmahan iyon. Bukas ay ibibigay ko na ito sa kaniya. Bukas ang simula ng pagpapanggap ko. Kailangan kong ihanda ang sarili. Kailangan ko ng kalimutan ang nakaraan, at kasama sa nakaraang iyon ay si Dom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD